SEASON II: Chapter 36: Send out.

21.6K 255 37
                                    

Sorry dahil sobrang lateee!

Abangan ang susunod na UD, wiw. XD

HAHAHAHHAHAA!

Oh! Eto na.^_______^V

YANNA'S POV

Friday na, oo ganon kabilis. -3-

Nandito na ako sa school para sa send out na sinasabi ni dean.

Si Arvie? Nasa ospital pa, bukas daw siya lalabas.

Sila Kram ang naiwan sa RCG para magbantay, habbang si Cads at Rence ang nagbantay kay arvie.

Yung iba, papasok sa klase.

Simula nuong araw nayon di na muli nagparamdam sila jang.

Sinikap namin na ma-hacked ulit ang system nila pero sadyang, close na ito.

Alas singko na ng umaga at medyo madilim pa, nandito ako sa kotse ko nagaabang ng service.

Peste kasi yung kasama ko, antagal kumilos daig pa babae.

Magaa-alas sais ng dumating siya, dapak halos isang oras akong walang kasama dito kundi ang mga pesteng lamok.

"Too early, you must be really excited."nakangising bati niya.

"Di naman, sumusunod lang talaga ako sa call time hindi ko kasi ugaling di sumunod sa usapan." nangaasar na sagot ko at bumaba ng kotse.

Pumunta ako sa trunk ng kotse at inilabas ang dalawng bag ko.

Isang malaking backpack at isang side bag.

 Inilapag ko yun sa bubong ng kotse at tumingin sa wrist watch ko.

6:15

"Anong oras darating yung service?" tanong ko.

Tumigil siya sa pagba-baba ng gamit niya at tumingin sakin.

"6:30 ang sabi ni dean." sagot niya at tumahimik na ako.

Saktong 6:30 ng dumating ang coaster, na sasakyan namin.

Paakyat na ako ng bus ng makasabay ko si polo, tinignan ko siya.

"Mauna kana." sagot ko at umatras ng onti para makadaan siya.

"You go first." utos niya kaya umakyat na ako.

Nagulat ako sa pag-pasok ko, iba't-ibang estudyante ang nandito.

Tahimik akong naglakad hanggang sa makita ko ang upuan para samin.

Pag-upo ko ay nilalagay na ni polo ang mga bag namin sa taas.

Saka siya umupo sa tabi ko.

Tahimik lang kami, walang umiimik pero ang nakakapagtaka ay lahat sila nakatingin sakin.

Oo, SAKIN LANG!

Lumingon ako sa bintana para makita ang daan na tinatahak namin ng biglang may mabigat na bagay na dumagan sa balikat ko.

Napalingon ako sa balikat ko at nagulat pa ako ng makita ang ulo ni Polo sa balikat ko.

'Langya, ambigat ng ulo neto.'

Napailing nalang ako ng maramdaman ang bigat ng ulo netong lalaking toh.

Ilang oras pa ang lumipas at huminto ang bus sa isang bus stop.

Nagbabaan ang iba para kumaen, mag-cr at kung ano-ano pa habbang ako? Eto nakaupo paren.

"Woi!" bulong ko kay polo na kasalukuyan paring tulog.

The Princess of Life and DeathWhere stories live. Discover now