THE DOG (TRUE STORY - ONE SHOT)

209 7 2
                                    

hi po TRUE STORY story po talaga toh! ako na iyak talaga mababaw kasi ako ehh heheh ewan ko po sa inyu kung ma iiyak kayo nito heheh 

************************************************************************************************************************

Isang masayang pamilya ang pamilya nila Alfredo at Ellena.. Ngunit wala pa silang anak . Pero tinatrato nila ang kanilang matalinong aso bilang anak. Matagal ng  naghahangad ng anak sila Alfredo. Ngunit hindi sila binibiyayaan.

Sa bundok sila nakatira at  sila ay magsasaka. Minsan tumutulong ang aso sa kanila.Sa isang maliit na kubo sila nakatira.

Di kalaunan nagdadalang-tao si Ellena... Masayang masaya sila...

..

.

.

.

.

.

.

.

.

Walong buwan nang buntis si Ellena... nasa kubo sila at nakikipaglaro sa kanilang aso...

"ARFFFFFFF-ARFFFFFFF" kahol ng pinakamamahal nilang aso

hinaplos-haplos ni Alfredo ang ulo nito at umupo naman ang aso. Pumunta si Alfredo sa  buntis niyang asawa na si Ellena.

hinaplos niya ang tiyan ni Ellena at sinabing..

"Malapit ka ng manganak Ellena... Malapit na siyang lumabas..." masayang sambit ni Alfredo

"Oo nga, Alfredo magkaka-anak na rin tayo..."

Hinalikan ni Alfredo sa noo si Ellena at ang tiyan din nito. 

Minsan ang aso ang nagababantay kay Ellena dahil nasa sakahan si 

Alfredo naghahanapbuhay para sa kanilang kinabukasan

.

.

.

.

.

KA-buwana na ni Ellena at abalang abala na sila

isang araw sumigaw si Ellena sa sakit. Ngunit nasa sakahan ang kanyang asawa. 

"ARAAAY! AHHHHHHHHHHHHHHH!" 

nataranta ang aso sa pagsigaw ng amo.. tumakbo ng mabilis ang aso patungo sa kinaroroonan ni Alfredo. at tumahol ng tumahol ito ng napakalakas.

"AAARFFFFFFFF!    AAAAAARRRRRRRRRRFFFFFFFF!!" 

nagulat si ALfredo sa inasta ng aso. Pero parang may pinapahiwatig ang mga tahol nito..

tumakbo ng mabilis ang aso pabalik sa kanilang kubo agad namang sumunod si Alfredo

.

.

.

.

.

.

Nanganak na si Ellena at tinuruan ng mag-asawa ang aso na siya ang magbabantay

'di alaunan nasanay na ang aso at ang mag-asawa

kung nasa sakahan ang dalawa. Ma-iiwan ang aso kasama ang bata..

Pinapagalaw nito ang duyan para makatulog ng mahimbing ang bata. At kungiiyak man ang bata ay pupunta ang aso kay Ellena at tatahol. Ang ibig sabihin non umiiyak ang bata. Dali namang uuwi ang Ina at magpapa-dede sa kanyang anak. Papatulugin uli. At babalik na siya sa sakahan para tulungan ang kanyang asawa...

Ilang beses na nila itong nagawa.. at nasanay na sila

.

.

 Isang araw habang binabantayan ng aso ang bata. May napakalaking sawa (ahas na malaki) ang lumitaw na kaya niyang kainin ang bata... At dahil sa takot ng aso na masaktan ang bata ay Linabanan niya ito.

kinakagat-kagat niya ito. Lumaban din ang sawa pero nagwagi ang aso.. at dahil sa pagkagat ng aso sa sawa ay duguan ang aso. Maraming dugo ang nasa kanyang katawan.

mabilis na tumakbo ang aso sa kanyang amo na si Alfredo at tumatahol-tahol.. 

Iba ang nasa isip ni Alfredo ng makita niya ang dugo sa aso. Akala niya pinatay o di kaya kinain ng aso ang bata. Patuloy pa rin sa pagtahol ang aso. ng di na kinaya ni Alfredo. Kinuha niya ang kanyang itak at pinatay ang kanyang aso.

Tumakbo ang mag-asawa patungo sa kanilang bahay. Akala nila wala na silang matatagpuang bata. Pero mali ang ina-akala nila. 

Ang natagpuan nila ay ang isang batang mahimbing na mahimbing na natutulog. At nakakita rin sila ng napakalaking sawa walang malay at dugoan. Hindi maintindihan ng mag-asawa ang kanilang nararamdaman.

Humagolgol sila ng iyak. Binalikan nila ang kanilang asong naklandusay sa lupa may dugo. Hindi na nila napigilan inakap nila ito at doon na mas humagolgol sa iyak ang mag-asawa. Sobrang nagsisi ang dalawa sa kanilang ginawa. Pinatay nila ang aso na siyang nagligtas sa kanilang anak.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

LESSON: WAG PADALOS-DALOS SA INYONG DESISYON O SA INYONG GINAWA. USISA-ING MABUTI ANG NANGYARI BAGO GUMAWA NG ISANG DESISYO NA MAARING MAKAPAGBABAGO SA LAHAT..

Tandaan: NASA HULI ANG PAGSISISI

Kaya ko toh shinare sa inyo kasi gusto kong malaman nyo ang mga nangyayari sa ibang taong padalus dalus sa kanilang desisyon. Sana may natutunan kayo :D

THE DOG (TRUE STORY -  ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon