Chapter 24

8.9K 252 27
                                    

Readers add me : Wattpad Chrycel (link at the comment area) plsss.. ang boring ng acc. ko huhuhu

[James' POV]

di parin ako makaget over sa nakita ko nung sa bar, alam ko eh si Nadine yun.. 

Andito ako ngayun sa puntod ni Nadine.. 

"Nadine, di ko alam ah! pero minulto mo ba ako nung 2nd death anniversary mo sa bar? kasi nakita kita eh.. you said hindi ka si Nadine, Alexis daw ang name. GC namimi---" di ko natuoy sinasabi ko kasi may biglang umupo sa gilid ko

"hijo kilala mo ang nakalibing dito??" sabi nung nasa gilid ko.. sino ba to??

"Ahh o-oo manong, Si Nadine"

"Hahaahaha hijo nagkakamali ka :'( " huh? ano ba itong pinagsasabi ni manong?? kanina tumawa tapos umiyak?? baliw na ba tong isang to??

"Ano ibig niyong sabihin manong?" -ako

"Narinig kita kanina, ang sabi mo nakita mo si Nadine ba yun? pero nagtataka ka kasi patay na siya diba?" -manong, tika nga!! naguguluhan ako dito ah!

"Kasi nga hindi ang Nadine na akala mo ang nakalibing dito" -manong

"PO??" ano pinagsasabi nito? hindi si nadine? eh sino?

"Anak ko ang nakalibing dito :'( " -manong, tapos umiiyak na siya kaya binigyan ko siya ng tubig.. may dala naman akong mineral eh

"Paano po nangyari yun?" nalilito na ako tapos..

*Tunog ng gutom na tiyan* tapos gutom na ako >_<

 "Ahh hehe.. manong dun nalang tayo sa resto magusap pwede ba?? nagugutom na kasi ako eh"

tumayo naman kami at pumunta sa pinakamalapit na restaurant, syempre libre ko to..

Kumain muna kami ng main dish bago ko siya tinanong, nung kumakain na kami ng dessert..

"So manong? paano nangyari na ang anak mo nakalibing dun sa puntod? hindi ka naman ama ni Nadine"

di siya nagsalita at may pinakitang papel sa akin.. (pic at the side.. sorry sa panget na signatures)

nung natapos ko nang basahin nagsalita naman si Manong

"Nung namatay ang aking anak may pumunta sa bahay ko at yun nakipagsundo siya sa akin" iyak lang siya ng iyak

"Bakit po kayo pumayag na gamitin ang katawan ng anak niyo?" -ako

"Gipit ako hijo :'( di ko alam gagawin ko.. wala kaming matirhan ng asawa ko dahil nasunog yung bahay, tapos manganganak pa asawa ko.. kaya napa-oo ako"

"So ibig pong sabihin ang nasa cementeryo ay hindi yung babaeng mahal ko? hindi si Nadine? kundi ang anak niyo?" -ako

"OO hijo, matagal ko nang gustong sabihin yan sa inyo, pero nawawalan ako ng loob.. pero kagabi napanaginipan ko ang anak kong si Cassandra, ang sabi niya "Tay sabihin mo ang totoo" kaya pumunta ako sa cementeryo at luckily andun ka"

"So manong buhay pa si Nadine??"

"Sa tingin ko oo hijo"

Game Changer ♥JaDine♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon