"Ihanap mo nga Ako?"

54 4 1
                                        

"Oyy! Tweety bird, ihanap mo naman ako ng bagong chix?"--

"Oh? Anong nangyare sa inyo ni Jeca?"--

"Ah. Yun tapos agad. Marami din palang boys yun eh!"--

"Yan napapala mo babaero kase! Last na talaga yung si Jeca!"--

"Tweety ko naman, please..."-- With matching puppy eyes pa yun ah. Tong babaerong to talaga. 

"Hayy! Tasmanian DEVIL ka talaga!"--

"I know right! Alam mo na, bigay mo na lang number ko! Basketball muna ako! Bye!"-- Tapos sabay takbo na nya palabas ng room ko! Oo, nasa  room ko sya! Ganyan kami eh parehong feel at home sa bahay ng isa't-isa. 

Bago ko makalimutan hindi po tweety bird ang pangalan ko... Dyeziel Mei Castillo po.  Pero yung babaerong yun pauso, tawagin ba naman akong tweety bird eh lalaki yun di ba? At dahil devil sya, Taz naman tawag ko sa kanya. hahaha. Ohoy, Terrence dela Merced po ang pangalan non.. TD tasmanian devil pa rin.

Bakit kami close? Eh kase we're neighbors since ewan, namulatan na lang namin na nakatira kami sa isang subdivision sa Brgy. Dibinabagyo na magkatabi ang bahay..EPIC di ba? Isama mo pa na classmate, seatmate at yun taga-hanap nya ng chix. Hindi naman sya mahirap ihanap ng chix eh, kase hindi ka nya ipapahiya, unang-una na Gwapo, may utak din naman at heartthrob sa hard court. Minsan nga yung mga babae pa yung nag-papabibigay ng number nila kay Terrence eh. Kadalasan nga lang naaway ako nung mga babae nya lalo na pag pinagsasabay-sabay nya. Hanep kase yang mokong na yan. Ako pa nga ang nag-sosorry para sa kanya eh.. DEVIL as in..

2 Weeks after.. 

Nasa may living room ako namin at merienda time na tsaka The heirs na kaya. Kyaaah. Nang marinig ko ang boses ng gwapong devil.

"Hi Tita! Si Dyeziel po?"-- Haha! Hindi nya ko pedeng tawaging Tweety pag-andyan sina mommy kase para nya kayang iniinsulto yung magandang pangalan na naisip ng parents ko. Hehehe. JK. Ewan ko dyan pag kami lang dalawa tsaka lang nya ko tinatawag na tweety.

"Nasa loob kumakain ng merienda!"---

"Ah! Sige po! Tita, pede pong maki-merienda?"-- Ang kapal talaga ng face! Grrr.

"Sus! Oo naman. Sabihin mo kay dyeziel ipaghanda ka!"--

"Yun naman! Thanks, Tita."--

Nakatingin na ko sa may pinto dahil inaantay ko na sya, balak ko sanang batuhin ng throw pillow ang kapal kasi eh..

Kaya lang... Bakit ang gwapo nya kahit pawis na sya? Parang ang bango pa rin. Mukang kagagaling lang nya sa pag-babasketball. Kaya yun, imbes na batuhin ko sya, napayuko na lang ako at napainom ng coke! Waaah. Nakakauhaw naman tong spag.

"Narinig mo naman siguro?"--- Hindi ko na sya sinagot  at kumuha na lang ako ng pagkain para sa kanya.

"Ihanap mo nga Ako?"Where stories live. Discover now