Planking and Vampires

Start from the beginning
                                    

So nabasa na pala ng mga ito ang naisulat niya sa Freedom Board. Patay na talaga.

"Nakilala ko na ang babaeng 'yan sa library, at alam ko na siya ang tipo ng babaeng magsusulat sa freedom board para mag-express ng feelings," dagdag pa ni Jethro.

"Hindi, ah!" tanggi ni Jane.

"Eh bakit ayaw mong bumangon? Baka nahihiya kang harapin si Jep," sabi ng isang tinig na jolly, na tingin niya ay kay Brent. "Ang tapang tapang mo no'ng makilala kita sa waiting shed, pero ngayon, nahihiya ka. Ikaw siguro talaga ang nagsulat no'n."

"Oy 'wag n'yo na siyang asarin," saway ni Jep sa mga pinsan nito. Sa totoo lang ay hindi niya gustong malaman kung ano ang iniisip nito sa kanya.

"Oo nga, 'wag n'yo kong asarin," sabi niya. "Saka, kaya lang naman ayaw kong bumangon kasi... kasi..." Nag-isip si Jane ng palusot. "Nagpa-planking ako."

Jane heard giggles. She knew it was Brent.

"'Di na uso ang planking ah?" sabi pa ni Brent.

"Naisipan ko lang. Gusto kong... gusto kong mapalapit sa kalikasan," pagpapalusot pa ni Jane. Napangiwi na siya. Lalong lumalala ang sitwasyon niya. Lalo kasing dumadalas ang pagbungisngis ni Brent. Nag-init na ang buong mukha ni Jane.

"Okay namang mapalapit sa kalikasan ah," narinig ni Jane na sabi ni Jep. Pati siguro gilid ng mukha niya, namula, at napansin nito iyon. At kaya nito sinabi iyon ay para mabawasan ang pagpahiya niya sa mga pinsan nito. Mabait talaga, sino ba namang babae ang hindi magkakagusto sa kanya? naisip ni Jane.

"Gusto ko na nga ring mag-planking, eh," sabi pa ni Jep.

"Are you serious, Jep?" sabi ni Jethro, tila hindi makapaniwala sa naririnig mula sa pinsan.

"Oo," sabi ni Jep. "Jane, tabi tayo ha?"

No! Hindi kakayanin ni Jane na makatabi si Jep na 'mag-planking.' Hindi, kahit alam niyang chance niya na iyon na makatabi ito, at kahit isa iyong sweet gesture dahil gusto nitong bawasan ang pagkapahiya niya.

Kaya nagdudumaling bumangon si Jane. "Sige, una na 'ko, bye!" mabilis na sabi ni Jane, kumaripas ng takbo na nakayuko ang ulo.

Yes, it was humiliating. Pero iyon din ang araw na natuklasan niya kung gaano kabait si Jep. Imagine, willing itong sumubsob sa damuhan na parang tanga para lang bawasan ang pagkapahiya niya at maging komportable siya kahit paano? Imagine?

Lalo tuloy lumalalim ang pagka-crush niya kay Jep. Kung sana umepekto na ang power of prayers.

"PARE, kailan mo ba kasi kakagatin si Emerald?" tanong kay Jep ni Brent, habang kinukutingting ang cell phone nito. Pabukaka itong nakaupo sa sofa at base sa pamimilog ng mga mata nito, tingin niya ay nanonood ito ng porn sa cell phone nito.

Nakatambay silang magpipinsan sa lounge nila sa St. Sebastian. Magpipinsan sila at anak sila ng mga may-ari ng St. Sebastian kaya nagkaroon sila doon ng kuwarto na para sa kanila lang, sa rooftop ng building ng library. Airconditioned iyon, carpeted ang sahig at may makakapal na kurtina sa may bintana.

"I don't like that girl," sabi ng pinsan niyang si Jethro. Nakaupo ito sa couch sa tapat, ang tingin nito ay nasa librong hawak nito. "Biting her would mean trouble."

"Eh, maganda naman ang girlfriend ni Jep, eh. Okay nang kagatin 'yon," sabi pa ni Brent.

"Superficial," bulong ni Jethro

Walang plano si Jep na kagatin si Emerald. Lalo pa ngayon na nagdadalawang-isip na siya sa pakikipagrelasyon dito. He didn't want her to be his vampire bride. He was not ready for that.

A Vampire's Ideal Girl (COMPLETED/PUBLISHED BY PHR)Where stories live. Discover now