01

3.3K 90 25
                                    

DREAM WEN

Nandito ako ngayon sa loob ng kotse namin. Wala akong balak lumabas ng kotse kasi nag-uusap sila roon sa loob ng restaurant na katapat nito.

Wala kaming kawala. Akala ko joke lang yung isang araw. Akala ko panaginip lang. Pero totoo pala. Magsisimula na akong bumuo ng sarili kong pamilya. Putangina.

Weekend palang at hindi ko magawang ipakita ang mukha ko sa harap ni Daniel. Hindi ko alam kung papaano ako makikipag-hiwalay. Hindi ko kayang makita ang mukha nyang nasasaktan nang dahil sa akin.

Habang nakasilip sa labas ng kotse ay mas lalong uminit ang ulo ko. Nagagawa pa kasi ng mga magulang naming magtawanan sa sitwasyon namin ngayon. Actually gusto kong patayin si Wonwoo dahil kung hindi sya naglagay ng sperm na 'yon sa akin, siguro walang ganito.

Habang pinapatay ko na silang lahat sa isip ko ay nagulat ako nang biglang lumitaw ang mukha ni Wonwoo sa labas ng kotse. Binuksan ko ang bintana at saka nakita kong seryoso syang nakatingin sa akin. 

"Anong problema mo ha!?" naiinis kong sabi.

"Hindi, anong problema ng mga magulang mo!?" galit nya akong sinigawan at syempre hindi ko 'yon nagustuhan ano!

"Wow kung hindi ka kasi tatanga-tanga na maglagay sperm sa akin e di sana walang nangyayaring ganito!"

"Kung hindi kasi makukulit 'yang magulang mo e di sana walang ganito!"

"'Wag mong idamay ang mga magulang ko ah!" nag-akma akong susuntukin sya.

"Madadamay ko talaga sila kasi dinadamay rin nila ako sa putanginang anak mong 'yan!" turo nya sa tyan ko.

"Hindi ko 'to anak!" tinakpan ko yung tyan ko at saka namula.

"Ano maniniwala ako dyan sa palusot mo? Don't me bitch. Ginagawa mo lang naman 'to for your own good" nakangisi nyang sabi sa akin.

"Hindi ko gagawin 'yon!" umiling lang sya sa akin.

Nagbabadya nang tumulo ang luha ko ng bigla kong makita si Daniel na nag-aalalang lumapit sa amin. Kasama nya rin si Ong.

"A-anong nangyari? Bakit para kang umiiyak dyan?" nag-aalala nyang sabi  saglit naman syang napatingin kay Wonwoo na seryoso lang na nakatingin sa kanya.

"Huh, mukha palang, fuccboi na" mahinang sambit nito kaya mas lalo akong nagalit sa kanya. Buti nalang ay hindi iyon narinig ni Daniel.

"Uy okay ka lang?" tumango nalang ako sa kanya.

"Okay ka talaga ha? Oh sige punta na kami sa practice. Ingat ka palagi" sabi nya sa akin.

"Ang jerky naman ng boyfriend mo. This makes me think na plinano mo talaga 'tong mga 'to. Maybe you switched it so that aakalain nilang nabuntis ka nang virgin pero ang totoo naiyot ka naman nung lalaking 'yon" sabay turo nya kay Daniel na palayo na sa amin.

Gusto ko syang barilin at ipakain sa shark pero hindi ko magawa. Kasi kapag ginawa ko iyon, it means that I'm weak. That I'm affected. Na nao-offend ako sa sinasabi nya. At magmumukha pang tama ang hinala nya.

"Shut up" sabi ko nalang.

"Stop this marriage" madiin nyang sabi. What a wonderful idea.

"Paano ko ititigil?" tanong ko.

"Gumawa ka ng paraan para hindi malaman 'yang baho mo" sabi nito saka lumayo na sa akin.

Iiyak na sana ako pero biglang lumitaw si Jun na palabas ng restaurant.

"Nice, nagkakamabutihan na ang mag-asawang Jeon"




edited.

Daddy WonuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon