CHAPTER 5

0 0 0
                                    

Singko◾◾◾◾

ERSA:

"Kyaaaahhh ! seryoso ka ba sa mga sinasabi mong yan ? mabuti ng magtanong ng magtanong alam niyo na para di ako ma-hopia. " Oo seryoso ako kahit anong kagustuhan mo ay gagawin at susundin ko pero iisang kahilingan lamang kaya pag_-isipan mo ding mabuti ang iyong gusto hilingin mula sa akin." siguro saka ko nalang gagamitin pag kailangan na talaga. "Hm sige saka nalang yan pag kailangan ko na talaga at bilang kasunduan natin hindi ko rin sasabihin sa hari ang pang-aaway mo sakin." naksssss naman galing may kasunduan kami ng mahal na prinsipe. " Mga anak at binibining Ersa tayo na at bumalik sa palasyo pagka't nakahanda na ang hapagkainan." luh di ako nainform ha na may pakain pa pala si Mayor ay este ang mahal na hari. " Opo. Ama " nasa likuran ko na pala si Zicro di ko man lang namalayan ang kanyang presensiya marahil ay dahil sa pag-iisip ko sa mga nakakatakam na pagkain na nakahanda ngayon sa gintong mesa ng palasyo."Sumakay na kayo sa karwahe kamahalan." dumating bigla ang isang tagapagsilbi dala ang isang karwaheng lumilipad at agad naman din itong tumapak sa lupa para kami ay makasakay na. "Kamusta nga pala ang pagpasyal ni Zicro sayo Ersa ?" biglaang pagtatanong ng hari sa akin at dahil may kasunduan kami ni Zicro halos kasinungalingan lamang ang aking mga pinagsasabi.Na kesyo nag-enjoy ako sa pagtatampisaw sa tubig batis kasama si Zicro at ang panay na papuri sakin ni Zicro na kabaliktaran naman dahil tanging panlalait lang naman ang natatanggap ko mula sa kanya. " Nandito na po tayo mga kamahalan." wews isa na din ako sa mga kamahalan naks naman. Pagkababa namin sa karwaheng lumilipad na may dalawang magaganda at makukulay na may pakpak na kabayo sa harapan ang dahilan kaya ang karwaheng ito ay nakakalipad.Bumungad sa amin ang daanan na may pulang tela na tila gawa sa pinakamamahaling tela dito sa Teamo. Kaming lahat ay dumiretso sa hapag ng kahariang ito./At tunay ngang kamangha mangha ang palasyong ito pagka't ang kanilang kainan ay mas malaki pa sa aking tahanan. Napakalawak at punong puno ng mga mamahaling palamuti at mga kagamitang gawa pa sa ginto. Kaya nakakailang na maupo sa silyang ginto at sa harap ng gintong mesa na napupuno ng masasarap at madaming pagkain. Ganito pala karangya ang buhay na meron ang mga taong nakakataas sa amin. " Diwatang Ersa kumain ka ng marami wag kang mahiya dahil ang lahat ng to ay inihanda dahil sa pagpunta mo ngayon dito sa aming kaharian. At bilang pasasalamat na din sa pagtugon mo sa tawag namin. " naantig ang puso ko dahil sa mga tinuran ng hari .Nakakabilib dahil kahit siya ay nakaluklok sa mataas na posisyon maganda ang pakikitungo niya sa kanyang mga kapwa kaya nararapat lang na mapasakanya ang posisyong ito. " Ikinagagalak ko naman po ang pag-imbita niyo sa akin ngayon sa di ko malamang dahilan. " sana naman sabihin na nila ang kanilang pakay sa akin. " Wag kang mabigla diwata sa aming sasabihin. Napili ka namin dahil ikaw ang nababagay sa posisyong ito. Ikaw lang ang siyang nagtataglay ng mga katangiang hinahanap namin.Kaya sana naman pumayag kang maging mapapangasawa ng aking anak na si Zicro."

When A Fairy of Love Goes InloveDove le storie prendono vita. Scoprilo ora