chapter 5 : The cretin✔️

70.3K 922 16
                                    

Chapter 5

Shayphan's



Tatlong linggo na din ang nakakalipas simula ng pagpasyahan kong ibaon na lang sa limot yung mga naganap sa amin ni Gareth. At palagi naman din kasing nasa tabi ko si Pichie na alam ko na hindi man siya nagtatanong ay naguguluhan pa rin siya sa kung ano bang nangyayari sa akin.

Hindi pa kasi ako ready pag-usapan yung nagawa kong katangahan kaya nahihiya pa akong ikwento kay Pichie iyon. Si Mommy naman hanggang ngayon ay pinipilit pa rin akong pauwiin sa States para daw magkasama na kami, na siyang tinutulan ko. Pero nangako ako na dadalaw once na maka graduate na ako. Andito kami ngayon ni Pichie sa cafeteria kasama sila Kristoffe at Carl na kanina pa din tahimik.

"Anong problema niyo mga hombre?" sabi ko sa kanila.

"Si Kristoffe binasted ata nung nililigawan niya, ewan ko lang dito kay Carl kung anong problema niyan" sabi  ni Pichie habang nakatingin sa compact mirror niya. Nagpapaganda na naman ang isang ito.

"What's wrong Carl?" nakapangalumbaba ako sa tapat niya. Kapansin panisin ang kulay malabnaw na tsokolateng mga mata nito. He's really good looking and I can clearly understand why Pichie fancy him a lot.

Hindi niya ako sinagot at sa halip ay tumungo na lang ito sa table.

"Hoy!" I poked his arm, ayaw pa rin sumagot.

"Hayaan mo na iyang isang iyan Phannie, mukang inaatok lang naman si Carl. Nagpuyat ata kasi iyan dahil nga dun sa mga plates na hinahabol niyang matapos" malungkot pa ring sagot ni Kristoffe.

"Eh, ikaw. Anong drama mo?" Balik tanong ko kay Kristoffe.

"Wala nuh!"

"Ows? Binasted ka daw sabi ni Pichie"

Biglang napabusangot ito at saka tiningnan ng masama si Pichie na wala pa ring pakialam at patuloy lang sa pagpapaganda.

"Basted!" pangangasar ko pa kay Kristoffe.

"Di nuh!" giit naman niya.

"Di daw? Obvious kaya. Ayan oh at nakalatag sa buong muka mo yung word na 'I am basted'" at saka pa ako natawa ng malakas.

"Hindi nga! Masyado lang talagang choosy at maarte yung niligawan ko kaya tinigil ko na lang"

"Hoy hindi ako CHOOSY at MAARTE!"

Bigla kaming dalawa napatingin ni Kristoffe kay Pichie na ngayon ay nakatayo na habang nakatingin ng masama kay Kristoffe. At si lalaki napangisi na lang sa best friend ko.

Hala ka!

May ganun?

"Pichie, relax" sabi pa ni Kristoffe.

"Whatever! Hmpf!"

Aba! Ba't di ko alam iyon? May ligawan factor na palang nagagagnap dito?

"Ba't mo binasted si Kristoffe, Pichie?" tanong ko dito ng makaupo na ito muli.

"Eh, kasi playboy iyan!" dinuro pa niya talaga si Kristoffe. Nakakakaawa naman.

"Di ahh! Matino ako, ikaw ang hindi" giit naman ni  lalaki.

"Ows? Eh bakit nakita kitang nakikipaglandian sa cheer leader na harot na iyon kahapon? Kaya BASTED ka na!"

Haay naku, umpisa pa lang ay malamang na basted na talaga ito dahil si Carl ang gusto ni Pichie. Pero nagtataka ako kung bakit parang apektado ito masyado sa kaisipang may ibang kinakausap si Kristoffe.

"May tinanong lang ako kay Serena! Malisyosa!"

"Shut up"

Bakit parang gusto ko na ding tumungo gaya ni Carl? Ang iingay nila.

Tumayo na lang muna ako saglit para pumunta sa ladies room. Mag re-retouch muna ako, nakaka stressed kasi yung mga pinag daanan ko ngayon kaya kailangan kong mag paganda!

Pumasok muna ako sa building A kasi yun yung may pinaka malapit na CR sa puwesto namin. Pagdaan ko sa hallway ay hindi ko inaasahan na makikita ko si Gareth na kayakap sa mula sa likod si Shaine. Ang sweet nilang dalawa tingnan mula dito sa kinatatayuan ko. Pero dahil nga dinikdik ko na sa isip ko na wala na  dapat ay medyo pinong kurot na lang ang naramdaman ko.

Lumiko na ako sa kanan para diretsuhin yung pinaka dulo nun bago pa ako makita ng dalawang iyon.

Pag pasok ko sa CR ay may dalawang babae na mukang freshmen ang nag kukuwentuhan habang nag susuklay.

Wala naman talaga akong  balak na makinig kung hindi ko lang naringgan yung name ni Shaine na current girlfriend  nga ni Gareth.

GIRL 1: "Grabe pa nga talaga yung babaeng iyon, naiinis ako sa kanya. Kala mo naman kung sinong maganda!"

Girl2: "is it that Shaine the bitch again?"

Girl1: "Who else? I do really hate her guts! Nanggigigil ako. Napaka flirt!"

Girl2:" What did she do again this time?"

Girl1: "Playing virgin si girl! Kung hindi nanunulot ng boyfriend nagpapaka birhen. Alam mo bang sinampal niya si Aki last time? Eh, if I know siya ang unang lumandi kay Aki. Nung sunggaban naman ni Aki, ay mare! Naghurumentado ang bruha"

Girl2: "Ows? Err.. I pitty her. Masyadong pa demure ang dating nakakaawa"

Natapos lang sa puro ganun yung usapan nila. Mga kabataan talaga ngayon, grabe makapanira ng tao lalo na kapag nakatalikod.

Tss..

Nag lipstick na lang ako at saka nag lagay ng kaunting foundation, niladlad ko na rin yung mahaba kong buhok at saka ko pa ginulo iyon ng kaunti  na para bang sa bagong gising. Napangiti naman ako sa reflection ko sa harap ng salamin.

Isinuot ko na din yung shades ko dahil balak ko ng umuwi. Mag papaalam na lang muna ako kay Pichie dahil baka hanapin ako nun mamaya kapag umalis ako ng walang paalam gaya noon.

Paglabas ko ng ladies room ay kinakapa ko sa bag ko yung lipstick ko. Feeling ko kasi naiwan ko ata sa loob ng cr. Pero nakapa ko naman siya kaagad. So hindi pa naman pala ako ganun ka lilimutin.

Pagharap ko sa daan na nilalakaran ko ay may bigla na lang akong nabangga.

Arouch‼

Ang sakit ng ilong ko.

Pagharap ko para sana kastiguhin yung nabangga ko dahil sa walang modong pagbangga niya sa akin ay tila naman ako na estatwa sa kinatatayuan ko.

Thumb*

Thumb*

Gusto ko sanang umatras papalayo. Kinakabahan kasi ako, pero ayoko namang isipin niya na iniiwasan ko siya dahil masyado pa din akong affected sa naganap sa amin dalawa at sa ginawa niyang pag-iwan sa akin.

"Hindi ka man lang ba mag so-sorry?" walang ganang tanong ko dito habang nakatitig ako sa muka niya.

"Why the sudden change of attitude? I remember you as a sweet little one and not as the snob one"

Bakit parang gusto kong matawa sa tinuran ni Gareth! Yes si Gareth lang naman ang nasa harapan ko ngayon.
At siya lang naman din yung nakabangga ko.

"Well F.Y.I I'm not snob, and never been a sweet one. Excuse me Mr, but you're blocking my way"

Nung hindi pa rin siya umaalis sa tapat ng daanan ko ay ako na mismo ang gumilid para dito. Nakita ko pang napa ngisi na lang ang hudyo dahil sa ginawa ko. Pero bago pa ako makalagpas sa kanya ay agad niya akong nahawakan ng mariin sa braso na ikinaigik ko.

"Ouch! Oh my god, let me go" mariing saad ko sa kanya dahil nag-iinit na yung ulo ko.

"I'm warning you, Phannie. Or is it really Phannie, eh? Don't do any stupid move just to jeopardize my relationship with my girlfriend. Understand?"

"Whaat?! First, yeah it's Phannie. And second, don't talk to me! as in ever! You jerk!"

"I'm begging Phannie, I cant take to loose my girlfriend" pagkasabi niyon ay siya na mismo ang bumitaw sa pagkakahawak sa akin.

Napalingon na lang ako sa bulto ni Gareth habang sinusundan ko ito ng tanaw papalayo. Mabuti na lang pala at naka shades ako ngayon dahil kung hindi ay malamang na nakita na niya na namumula na yung mata ko dahil sa luhang kanina ko pa pinipigilang umagos.

Ang kapal ng muka niya na sabihin sa akin iyon! Sino ba siya!

Mas maganda naman ako sa girlfriend niya nuh!

Mas sexy pa.

Kapal ng face!

Ang sarap magtaas ng kamay sa harap niya at saka sumigaw dito ng F*** you!

Nakakaasar..





The cost of my VIRGINITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon