Bahagyang nagliwanag ang mga mata niya nang maalala niya si Odess. Gusto niya na ulit makarga ang anak niya. Sa gitna ng mga pinagdadaanan niya ngayon, ito ang tiyak na makakapawi sa lahat ng sakit na nararamdaman niya. Her innocent smile, her small hands.

"Gusto kong kasama ko kayo. I can never be complete again without you. I swear, gagawa ako ng paraan para mailabas kayo rito." She made a solemn promise.

"You have your own family. Doon ka mag-focus ngayon. Maayos naman ako rito kaya 'wag ka ng mag-worry," patuloy ito sa pagtutol na tulungan niya ito.

"Hindi kayo maayos dito. Napansin ko ang supply ninyo kanina ng pagkain. Halos hindi iyon aabot sa bituka ninyo dahil sa sobrang konti. Admit it, Dad. It's miserable here. I'm very much determined to get you out of here. Marami akong perang nakuha kay Ernesto."

"Hindi mo naman magagamit ang perang iyon para mailabas ako dito sa kulungan. Lifetime imprisonment na ang hatol sa akin. Gumawa ng paraan ang ate mo. Kumuha siya ng abogado na magdedefend sa akin. Kumuha siya ng mga ebidensya pero wala pa ring nangyari." Malungkot na malungkot ang boses nito.

Hinawakan niya ang kamay nito at inilagay iyon sa pisngi niya. She felt the warmth of his wrinkled skin. "I'll make the wheels of justice keep turning. And this time, sa atin na papanig ang batas."

"Do you think so?" tila nabuhayan ito ng pag-asa sa determinasyong pinapakita niya.

"Yes," tipid na sagot niya. Sa isang salita na iyon, alam niyang naipahatid niya na sa ama ang mensahe na hindi niya ito bibitawan kahit anong mangyari.

Marami pa silang pinag-usapan nito. Bawat topic na binubuksan niya ay puro tungkol lang sa masasayang sandali nila. Umaasa siya na napagaan niya ang pakiramdam nito kahit paano.

Bago siya tuluyang magpaalam dito, hinawakan siya nito ng mahigpit sa mga kamay niya. Parang ayaw nitong pakawalan siya. She could hold him tight in return but she didn't. Mas magiging mahirap sa kanya ang tumalikod at umalis sa lugar na iyon kapag ginawa niya iyon.

Malalaking patak ng ulan ang sumalubong kay Nicka paglabas niya sa presinto. Nanghihinang napaupo siya sa gilid ng kalsada pagkatapos niyang makita ang ama niya. Wala siyang pakialam kung mabasa man siya. Wala na rin siyang mailuha, pagod na siya.

"Mabuti na lang at nagdala ako ng payong." Malinaw na narinig ni Nicka ang tinig na iyon.

Pagtingala niya, si Oscar ang nakita niya. Pinapayungan siya nito. Kaya pala nagtataka siya kung bakit biglang nawala ang tubig na tumutulo sa mukha niya. Paano nito nalaman na naroon siya? Alam na kaya nito ang tungkol sa pamilya nila?

Inabot nito ang isang kamay sa kanya. Tinitigan niya lang iyon.

"Ano ang ginagawa mo rito?" aniya. Naroon ang coldness sa boses niya. She knew very well that it was the coldness from within, not from her soaked clothes.

"I'm here to say sorry," anito. Hindi pa rin nito tinatanggal ang pagkakalahad ng kamay nito sa kanya.

"Ayokong makita ka. Just leave me alone." Hindi niya ito tinitingnan. Galit siya rito. Masama ang loob niya dahil sa nangyari sa party. Kapag naaalala niya iyon, gusto niyang sapakin ito nang sa gayon ay mabawasan ang sakit sa dibdib niya.

"Look, sorry kung nahusgahan kita. Hindi ko alam na may mabigat na dahilan ang ginawa mong pakikipag-uganayan kay Ernesto. Kung nalaman ko lang agad -"

"Ano ang gagawin mo kung nalaman mo agad? You would change your mind and you wouldn't destroy me?" panunumbat niya rito.

Pagtingala niya rito, nakita niya ang pagkunot ng noo nito. Mukhang wala itong alam sa sinasabi niya. Ngunit sari-sari ang emosyon ngayon na nasa dibdib niya para mapagtuunan pa iyon ng lubusang pansin.

ONLY A MEMORY AWAY (Unedited Version)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang