Wala siyang narinig na pag-amin mula kay Nicka dahil hindi niya na ito kinompronta. Ang mas masakit sa part niya, hindi man lang nag-effort ang babae na magpaliwanag sa kanya. Tila ito laging tulala at may iniisip na malalim. Naging distant ito sa kanila ni Odess at nakapagsalita pa ng hindi magagandang statements - tulad ng regret nito sa pagkakaroon ng anak.

"Bakit nasa iyo ang cell phone ni Nicka?" Siya na ang hindi nakatiis. Binasag niya rin ang matagal na katahimikan sa pagitan ng mga linya nila.

"Hindi ko alam kung nasaan siya. Umalis siya rito sa bahay ko isang araw. Then hindi na siya bumalik. Naiwan niya ang cell phone niya." Nahimigan niya ang biglang panghihina sa boses ng kausap. Mukhang may iniinda ito.

"Nagsabi ba siya kung saan siya pupunta?" patuloy na pagtatanong niya. Sinusubukan niya lang ito.

"Ang sabi niya lang ay may dadalawin siya sa ospital. May ipagbibilin ka ba? Sino ang sasabihin kong tumawag 'pag dumating siya?"

"Sabihin mong si Oscar ang tumawag. Iyon ay kung babalik pa siya diyan," makahulugang pahayag niya. Napadiin ang hawak niya sa cell phone bago niya tuluyang i-press ang end call button.

Kung gayon ay nasa kay Ernesto pala ang cell phone ni Nicka. Nangangahulugan lang iyon na hindi niya makakausap ang babae. Pupuntahan niya na lang ito bukas na bukas din.

Malalim na ang gabi ay nakatitig pa rin si Nicka sa natutulog na anak sa tabi niya. Nakaupo lang siya sa kama sa silid niya. Hindi niya maialis ang paningin niya rito. Natatakot siya na kapag ginawa niya iyon ay baka mawala na ito ng tuluyan at hindi niya na naman makita.

Ganoon pala ang pakiramdam ng maging isang ina. Very rewarding. Kahit sandali niya pa lang nakikilala ang anak niya, naroon ang espesyal na koneksyon sa pagitan nila. Hindi ito mukhang estranghero sa pakiramdam niya.

Masaya rin pala na mag-breastfeed. She could feel the warm breath of Odess on her chest. Napakalapit nito sa lugar kung saan mismong nakapwesto ang puso niya.

Pero dahil bagito pa siya sa proseso na iyon, hindi niya laging pinapadede ang bata. Sabi kasi ni Aling Mila, kapag six months na ang sanggol ay pwede ng pakainin ng solid foods. Wala pa namang ngipin ang bata pero sinunod niya na rin ang payo ni Aling Mila.

Hayun at nagmamadali siyang bumili ng cereal para makain nito. Proud na proud pa siya habang dala niya ang bata sa pagpunta sa grocery store. Pinagmamalaki niya sa buong mundo na isa siyang ina.

"Anak, sorry kung naging masama ako sa iyo dati. Pero hindi ko talaga alam kung bakit ko iyon nagawa. I'm sure, may mabigat na dahilan," anas niya sa nahihimbing na bata.

Tahimik siyang humiga sa tabi nito. Sinubukan niyang ipikit ang mga mata niya para makabuo na ng isang mahimbing na tulog.

Ngunit nanatiling buhay ang balintataw niya kaya muli siyang nagmulat ng mga mata.

Suddenly, everything was black.

Nasapo niya ang ulo niya. Kinusut-kusot niya rin ang mga mata niya. Nakita niyang bukas naman ang ilaw.

Muli na namang biglang naging itim ang paligid niya. Blangko. Kinakabahan siya na hindi niya mawari.

She blinked.

May nakikita siyang mga kakaibang bagay. Naroon ang pigura ni Oscar habang hawak ang anak nila. Then, there was an image of an old man on his deathbed giving her money and ATM card. Nakikita niya rin ang nangangaral na anyo ng Ate Nancy niya. And lastly, he saw a man in jail. Nagmamakaawa ito sa kanya. Kamukha ito ng Daddy niya.

ONLY A MEMORY AWAY (Unedited Version)Where stories live. Discover now