"Ha? Hindi naman ako nagpupunta rito sa ospital. At bakit naman ako pupunta rito?"

"Wait! Can you tell me exactly what happened to you? Lahat ng nangyari sa iyo noong papunta ka rito," biglang tanong ng doktor.

Naguguluhang napatingin siya rito. "As I've said, hindi ako nagpunta rito. Nagulat na lang ako na bigla ay narito na ako sa loob ng ospital." She sighed. "Paulit-ulit na tayo, wala ka bang ibang itatanong?" Bahagyang naiirita na siya sa takbo ng usapan nila.

"Ang sabi ng staff namin sa information, nagpunta ka raw dito para dumalaw sa isang pasyente na naka-confine dito. You even asked for the patient's room," paliwanag nito. Very matter-of-fact ang pagkakasabi nito. Walang panghuhusga, walang pagkairita.

"That's not true! Wala akong kakilalang pasyente rito." Napalakas ng bahagya ang boses niya.

"Kaya kita in-assess, kasi ay nawalan ka ng malay nang mahulog ka sa hagdan nitong ospital. Ayon sa mga nakakita, tulala ka daw at parang problemado kaya na-out of balance ka at nahulog. You were unconscious for less than an hour." Umupo ang doktor sa bakanteng upuan sa tabi ng hospital bed.

Sa ginawi nito, natitiyak niyang nakahanda itong sumabak sa mahaba-habang usapan. Ngunit ano ang nakatakda nilang pag-usapan? Puro nonsense naman ang mga sinasabi nito, totally absurd.

Nag-react siya sa sinabi nito. "Hindi totoo iyan. Hindi ako nahulog sa hagdan. Wala akong natatandaang ganyang insidente."

"Nicka, ilang taong gulang ka na?" pag-iiba nito ng tanong. He sounded more informal. First name na lang ang tawag nito sa kanya, hindi iyon nakaligtas sa pandinig niya.

Naiiritang sinagot niya ang tanong nito kahit hindi niya maintindihan ang logic ng pag-iiba nito ng tanong. If he was trying to psychologize her, hindi siya natutuwa rito. Hindi siya kailanman matutuwa sa mga taong gumagawa ng kwento.

"Twenty-three."

Marahang umiling ang doktor. "You're twenty-five."

"What? Doktor ka ba talaga? Or mind boggler? Kanina mo pa pinapasakit ang ulo ko." Hindi niya maiwasang isipin na baka nagpapanggap lang ito na manggagamot. Ganoon nga yata talaga kapag paranoid.

"May ebidensya ako. A very strong evidence. Nakalagay sa health insurance card mo ang edad mo." He spoke with great conviction.

Napatulala siya sa sinabi nito. Tingin niya naman ay hindi ito Morphine-addict. Lalong hindi ito mukhang nagti-trip lang.

"May sasabihin ako sa iyo na tatlong bagay. Dapat ay tandaan mo sila," sabi nito nang hindi siya umimik. Sinabi nito ang mga salitang bola, calculator at kaldero.

Nagtataka siya sa mga sinasabi nito. Hindi pa rin siya kumikibo. Nanatili lang siya na nakatingin dito.

Patuloy pa rin ito sa pagsasalita. "Ngayon, ulitin mo ang mga sinabi kong tatlong bagay."

"Bola. Calculator. Kaldero," napipilitang pag-uulit niya.

He spoke again. "I think it's too early to diagnose you. Pero mukhang alam ko na kung ano ang pinagdadaanan mo ngayon.

"Ano sa tingin mo ang problema sa akin?" Nag-tone down siya. Nakakahiya kung siya ang mali at siya pa ang may lakas ng loob na magtaray.

Well, the fact still remains the same. Ito ang doktor at siya ang pasyente. Ito ang nakakaalam ng medical conditions at siya naman ay simpleng tao na simpleng mga sakit lang ang alam. Mas malaki ang posibilidad na ito ang tama at siya ang mali.

"Sa tingin ko, may partial retrograde memory loss ka. In short, amnesia," mahinahong sabi nito. Tila gusto niyang humanga rito. How could he break such news with a calm tone? Na para bang nag-aannounce lang ito ng simpleng bagay.

ONLY A MEMORY AWAY (Unedited Version)Where stories live. Discover now