[ 10 ] Tiwala

2.4K 5 0
                                    


Ano pa ba ang dapat gawin?
Ano pa ba ang dapat sabihin?
Kahit anong aking sambitin,
Tila hindi ka kayang paniwalain.

Dapat pa bang ungaktin ang nakaraan?
Kahit alam kong para sakin ikaw ang nakalaan,
Tapos na,matagal na panahon ang lumipas,
Mga nararamdaman noon matagal ng lumikas.

Wag na sanang ipilit na mahal ko pa siya,
Dahil ako'y hindi magmamahal ng hindi pa handa,
Pagdududa,pagtatampo sa hindi dapat,
Pagmamahal na binibigay sayo'y hindi pa sapat?

Pag sinabi kong ikaw lang,sana'y maniwala ka,
Ikaw ang aking buhay, Ikaw ang aking ligaya,
Hindi pa ako nagmahal ng ganito kalala,
At hindi ko kakayanin pag ikaw sakin ay nawala.

Official Hashtag: #50TulaParaSaPag-ibig

50 Tula Para Sa Pag-ibig || CompletedWhere stories live. Discover now