Teaser

33.1K 455 15
                                    

Nang mamatay ang lola na nag-iisang pamilya ni Eira, pakiramdam niya ay nawalan siya ng lugar sa malawak na mundo. Pero sa sitwasyong iyon ay dumating ang isang abogado para ipaalam sa kanya ang isang balitang kabilang siya sa walong tagapagmana ng pinakamayamang tao sa Sagada na si Don Alfonso Banal Sr. Ipinapasusundo siya ng don para makilala na rin daw niya ang sinasabi nitong bagong pamilya.

Eira was looking for a new home, a new family. Umaasa siyang matatagpuan iyon sa bagong pamilya na naghihintay sa kanya sa Sagada. Pumunta siya sa Sagada. Pero ilang araw pa lang ang lumipas ay namatay ang don. Natagpuan ni Eira ang sarili na tinutupad ang mga huling utos nito. Kaakibat ng pagtupad sa utos ay nakilala niya si Lessandro "Alex" Callanta, ang lalaking nagturo sa kanya kung paano magmahal. 

Kaya lang, may iba na palang mahal si Alex. Kailangan niyang umalis para umiwas sa sakit. Pero kung iiwan niya ito, bibitawan din niya ang posibilidad ng tunay na kaligayahan.

Pipiliin ba niyang maging duwag o pipiliin niyang sumubok kahit na posibleng sakit lang ang naghihintay sa kanya?

EIRA (PREVIEW ONLY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon