JUST BREATHE 1

78 3 0
                                        

"Kuya, andito na tayo!, Wow ito na ba ang bago nating bahay?.. Napaka Awesome! Siguradong marami na naman akong magiging kaibigan nito" lumabas patakbo sa kotse si Almira, ang bunso kong kapatid. Sanay naman ako sa mga gawain nyang ganyan yung sa una lang exited sa lilipatang bahay hanggang sa tumagal pag wala na syang mga kaibigan ay gusto nya na kami agad lumipat ng bahay. Napaka weird talaga ni Almira. Nasa loob parin ako ng kotse habang nag lalaro sa Psp. "Kuya, bumaba kana dyan" kahit naka sarado ang bintana ng kotse ay rinig na rinig ko parin ang napaka lakas nyang boses

Napilitan na akong lumabas ng kotse dahil nakaka agaw na kami ng atensyon ng mga bago naming kapit bahay. "Kuya!, pasok tayo sa loob, tignan na natin yung new room natin" agad na hinatak ni Almira ang braso ko. Medyo bored na ako sa pinag gagagawa ni Almira kaya naman habang nag lalaro sya ng doll house nya ay agad ko na itong iniwanan.

Habang abalang abala si Mom at ang mga Tito kong mga tumutulong sa pag pasok ng mga gamit namin sa loob ay ibinaling ko nalang ang aking atensyon sa nilalaro kong games, pero... Sobrang nababagot na ako palagi nalang kase akong na nanalo sa laro na'to. Mabuti pa at mag gala gala muna ako sa lugar kung saan kami nakatira, well gusto ko talaga ang mga adventure at gustong gusto ko rin na may mga natutuklasan ako.

Habang ako'y nag lalakad, hindi ko namalayan na napalayo na pala ako sa bahay namin "Baka maligaw ako nito" Nag palinga linga ako para maalala ko kung saan ako kanina dumaan. Ang dami pala kaseng pasikot sikot ng subdivision na'to

Just Breathe | PUBLISHEDWhere stories live. Discover now