Sa mundo ng mga ninja ay may dalawang angkan na naglalaban ayon ang Uchia Clan at Senju Clan. Marami pang angkan sa mundo ng mga ninja ngunit hindi sila sumasali sa kaguluhan ng dalawang angkan. Sa panahon ng paglalaban ng Uchia Clan at Senju Clan ay mahigpit na pinagbabawal ng dalawang angkan na huwag sabihin ang kanilang huling pangalan sa ibang tao upang hindi sila malaman na isang kalaban o hindi. Ang mga ninja ay may sari-sariling kapangyarihan na kanilang tinataglay sa buong buhay. Meron ding normal na tao na hindi nabiyayaan ng kapangyarihan kaya nagbabantay na lang sila ng kanilang bahay at sa pagbantay ng kanilang mga anak.
----------
Isang araw may isang binatang lalaki na nakaupo sa tabi ng ilog at parang may malalim na iniisip.
(Anong problema?) tanong ng isang lalaki. (Sino ka?) gulat na tanong ng binatang lalaki na nakaupo sa tabi ng ilog. (Ako si Madara. Ikaw anong pangalan mo?) sagot at tanong ni Madara. (Ako si Hashirama,) sagot ng binatang lalaki na nakaupo sa tabi ng ilog. (Hashirama anong problema?) tanong ulit ni Madara. (Wala,) malungkot na sabi ni Hashirama.
Ayaw talagang sabihin ni Hashirama kay Madara kung ano ang dahilan kung bakit siya malungkot. Pero gustung-gusto talagang malaman ni Madara kung bakit malungkot si Hashirama kaya pinilit niya ito ng pinilit. (Hashirama ano nga ang problema mo? Kanina pa ako tanong ng tanong sa iyo. Ano nga iyon Hashirama?) pangungulit ni Madara kay Hashirama. (Sige na nga mapilit ka, ehh!) natatawang sabi ni Hashirama.
(Ayan ang gusto ko,) nakangiting sagot ni Madara. (Ano na kwento mo na,) dugtong pa ni Madara. (Oo na. Kaya ako malungkot dahil namatayan ako ng nakababatang kapatid. Namatay siya dahil pinatay siya ng aming kalaban at wala akong nagawa para iligtas siya sa mga kalaban namin,) malungkot na paliwanag ni Hashirama. (Talagang nakakalungkot nga. Pero bakit ka nandito? Dapat pamilya mo ang kasama mo ngayon,) sabi ni Madara. (Hindi ako mahal ng Ama ko. Si Ina naman ay namatay din sa mga kamay ng kalaban namin. Pero ang isang nakababata kong kapatid ay mahal ako ngunit kung ano ang ibigay sa kanyang gawain ni Ama ay sinusunod niya maski ako ang papatayin niya. Kaya ako nandito sa tabi ng ilog kase parang tinatangay din ng ilog ang nararamdaman ko sa pamilya ko,) paliwanag ni Hashirama. (May nakababata ka ring bang kapatid?) tanong ni Hashirama kay Madara. (Meron akong nakababatang kapatid at lima sila. Namatay din sila sa mga kalaban namin. Wala rin akong nagawa para iligtas sila,) sagot ni Madara. (Parehas pala tayo,) malungkot na sabi ni Hashirama.
Mula noon ay naging magkaibigan na sila at araw-araw na silang nagkakasama at nagkwekwentuhan tungkol sa kanilang mga pangarap sa buhay. Habang nakaupo sila Madara at Hashirama sa tabi ng ilog na kung saan sila unang nagkita ay may magandang naisip si Hashirama at agad niya itong ibinahagi kay Madara.
(Madara gumawa kaya tayo ng sarili nating mga jutsu,) ang naisip ni Hashirama. (Mukhang maganda yaan. Kapag nakabuo na tayo ng sarili nating jutsu ay maglaban tayo at ang gagamitin nating jutsu ay ang nalikha nating jutsu,) dagdag ni Madara. (Kung gayon magsimula na tayo Madara. Umuwi na tayo baka gumaya ka sa akin,) pasigaw na sabi ni Hashirama. (Tanga ka pala bakit ako gagaya sa'yo,) galit na sabi ni Madara. (Kaya nga umuwi na tayo,) bawi ni Hashirama. (Sige,) sagot naman ni Madara.
Umuwi na nga sila at nag-imbento na sila ng kanilang bagong jutsu. Kinabukasan ay nagkita na sila sa kagubatan para maglaban gamit ang kanilang nalikhang jutsu. (Ano Madara nakagawa ka na ba?) tanong ni Hashirama. (Oo naman, ako pa ba. Ang nagawa ko ay dalawang klase ng Fire Style,) pagmamayabang ni Madara. (Sakto pala ang nagawa kong jutsu para sa iyo. Ang sa akin ay Water Style at Wind Style. Kung sino ang unang matumba ay siya ang talo,) sabi ni Hashirama kay Madara. (Sige payag ako,) bawi ni Madara.
----------
Nagsimula na nga ang paglalaban nina Hashirama at ni Madara. Naunang kumilos si Madara. (Fire Style, Finix Flower Jutsu,) ang unang jutsu na ginamit ni Madara laban kay Hashirama. (Water Style, Water Dragon Jutsu,) bawi ni Hashirama.
Ang naging bunga ng pagsabay ng Fire Style, Finix Flower Jutsu at Water Style, Water Dragon Jutsu ay sobrang nakapinsala sa buong kagubatan kaya ang mga puno ay nagsitumbahan at ang mga damo ay nasunog dahil sa Fire Style ni Madara. Nagulat sina Hashirama at Madara sa nangyari sa kagubatan.
