Chapter Two

36 3 0
                                    

" I'm Sorry "

    Marco's POV 

       Bakit ganun .. magkaibigan na nga kami eh. Pagkakataon ko na yun. Bakit ba siya nagpapa-api sa mga yun ? di ba niya naiintindihan na mahalaga siya sa akin ? Ang dami kong tanong , tanong na walang ibang makakasagot kundi siya lang.

       Papasok na sana ako ng classroom ng bigla akong hinarang ng isang babae. Hindi ko siya kilala , pero ang alam ko kasama siya sa nang-aaway kay Kelly.

 " Hi . "

 " Hello. "

" Mukhang .. di kayo magkasama ni Kelly ngayon ah. "  Sabay taas baba ng kilay niya.

" Dahil sa inyo. "

" Lq ba? "

" Ano bang kailangan mo? "

" Layuan mo si Kelly. That's it. " 

" Ako na nga yung nilalayuan niya eh , dahil sa inyo. "

" Wag mo na siyang kausapin. Leave her alone. Masama siyang tao. " 

  Hindi ko alam kung anong pinag-sasasabi niya pero isa lang ang alam ko hindi totoo ang mga pinagsasasabi niya. 

" Hindi totoo yan. "

" Ginagamit ka lang niya. " 

" Wala kayong alam. "

" Ikaw, ang walang alam. "

  Iniwasan ko siya , nakaharang kasi sa pinto. Pero sumunod siya at hinila ako papunta sa baba ng building. 

" Best friend ko si Kelly dati.. 

at akala ko kilala ko na siya ng lubos, dahil grade 4 palang mag-best friends na kami. Pero hindi. " 

" Anong ibig mong sabihin? " 

" Ang dami niyang sinasabi tungkol sa akin. "

" Hindi totoo yan. " 

" Totoo. Best friend pa nga namin ang nagsabi mismo sa akin eh. "

" Sino ? si Angelie? " 

" Oo. "

" Sinungaling siya , baka naiinggit lang siya kay Kelly. "

  Pabalik na ako sa classroom, hindi ko na kasi kaya yung mga pinagsasabi nung babaeng yun eh nang nakasalubong ko si Kelly. Magha-Hi na sana ako kaso dirediretso siyang naglakad.

  Ngayon , alam ko na kug bakit ang tahimik niya at ang lungkot niya parati.

 Nawalan siya ng mga best friend at sa tingin ko yung ang pinakamasakit sa lahat dahil sabi nila enjoy ang high school life kapag meron kang mga kasamang matatawag mong " Best friend ". 

Kelly's POV

    Papasok na sana ako ng classroom kaso naisipan kong dumaan muna sa music room hanggang napahinto ako at bumalik nalang sa classroom. Nakita ko kasi si Kim kinakausap si Marco , at alam kong tungkol nanaman yun sa akin. 

   Lahat na ng classmates namin hindi ako pinapansin, pinpahiya ako pag nagsusulat sa board , tinatawanan pag nadadapa at nagkakamali. Lahat yun tinitiis ko , kasi alam ko pagkatapos nito malalaman din nilang mali sila. 

" That Should Be Me "Where stories live. Discover now