Kabanata 2

83.6K 2.4K 385
                                    

Nahihibang siya kung inaakala niyang basta na lamang siya babalik sa buhay ko, pero mas nahihibang na siguro ako noong hayaan ko lang siya na yakapin ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nahihibang siya kung inaakala niyang basta na lamang siya babalik sa buhay ko, pero mas nahihibang na siguro ako noong hayaan ko lang siya na yakapin ako. Davin felt so warm, so comfortable, so home.

I surrendered to the feelings and let myself in the confinement of his hugs until I fell down the sleephole again.

Parang binibiyak ang ulo ko sa sobrang sakit nang magising kinabukasan. However, Davin was not in the bed anymore. Nang bumangon ako ay may nasipa akong dalawang paperbag sa paanan ng kama na may note na kasama.

Not sure about your clothes size, hope they will fit, the note said.

Nag-init ang mga pisngi ko sa nabasa. I opened the paperbags and found inside them a denim pants, white shirt, and underwear.

Underwear!

I forced to ignore the growing embarrassment that was warming my cheeks. Matapos magbihis ay agad akong lumabas ng kuwarto niya bitbit ‘yong paperbag na pinaglagyan ko na rin noong mga pinagbihisan ko. Hinanap ko siya at natagpuan sa living room habang nakayuko at tila ba may pinagmamasdan sa mesa.

“Davin—”

“Someone is calling you,” he told me. “Baby?” tanong niya.

Biglang nanlaki ang mga mata ko nang damputin niya iyong cellphone ko na tumutunog at yumayanig na nakapatong doon.

Nanuyo ang lalamunan ko. I quickly stalked to him and grabbed my phone from his hand. Dali-dali ko iyong pinatay at saka inilagay sa loob ng paperbag, thanking God above that I did not put my son’s picture as the wallpaper.

And that baby that was calling my phone was Vini. Naalala kong tatawagan ko nga pala dapat siya kagabi pero nalimutan ko na. Hindi pa naman nakakatulog ang isang ‘yon nang hindi ako nakakausap sa gabi.

Mas lalong sumakit ang ulo ko. At kung kanina ang pakiramdam ko ay binibiyak ito, parang pinupukpok naman ito ng martilyo ngayon.

“Aalis na ako,” paalam ko.

“Is there something you need to tell me? Something I need to know, Ninaandrea?” he asked instead with his dark brows pulling in the middle.

Dinambahan ako ng matinding kaba dahil tinawag na niya ako sa buo kong pangalan.

May nakita ba siya sa cellphone ko?

“W-wala,” I replied, hoping that I didn’t sound like I indeed hiding something from him.

Tumitig siya nang mariin sa akin, tila ba naghihintay na may sabihin pa ako.

“Kailangan ko nang umuwi,” pag-uulit ko. “Wala akong pamasahe.”

Mabilis na kinagat ko ang aking pang-ibabang labi, hiyang-hiya sa sinabi ko pero lulunukin ko na lang iyong pride ko tutal ay huling beses na naman ito na magkikita ulit kaming dalawa. And because there was no reason for us to see each other again. He could go back to my cousin and their daughter and never show up in my life again.

Losing Grounds [Davin & Ninaandrea]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon