Chapter 9

3.7K 139 72
                                    

Ara's POV

"Urghhh.. Kim.." Bulong ko. "Kiiim."

"O?"

"Eh kung buksan mo kaya yung pinto kitang ang bigat nitong isa eh." Pilit kong hinihinaan ang boses ko pero nakakainis kasi tong si Kim.

"Okay, okay." At binuksan ng tuluyan ang pinto. Agad akong dumiretso sa kwarto at nilapag na naman ang babaeng higanteng to. Grabe, hindi pa naman siguro bali ang likod ko dahil sa babaeng to. Inayos ko na lang uli ang pagkakahiga niya at lumabas patungo sa hapag kainan kung saan nagkakape yung tatlo. Tumabi na lang ako kay Carol.

"Cienne, alcoholic ba yung kaibigan mo? Grabe ah, sakit na ng likod ko kakabuhat sa kanya." Natawa naman si Kim at Carol, excuse me, seryoso kaya ako.

"Hahaha, obvious ba?" Pangaasar ni Cienne, kasama namin siya, galing kami dun sa party ng publishing house nila, at si Mika, ayun nalasing na naman. Buong gabi hindi namin siya nakasama dahil busy siya makipagmingle sa co-editors at writers, kaya kami nila Kim nasa may isang sulok lang kasama si Cienne. Okay naman pala siya pag naka kwentuhan na, hindi masyadong masungit. "Joke lang." Bawi niya agad. "Minsan lang yan uminom, pero paguminom na dirediretso na, hindi mo na mapapatigil hanggang sa makatulog na."

"Grabe ah, next time wag pakawalan mag isa para hindi maglasing, grabe eh. Yung likod ko eh." Habang tinatry kong paputukin yung likod ko

"Hahaha, ako ba ang girlfriend?" Sarkastikong sagot ni Cienne "Eh di ikaw magsabi, pagbawalan mo, or controlin mo." Umirap pa siya habang nakangisi, hindi na lang ako nakasagot sa komento niya. Ako nga ang girlfriend, pero pagbawalan at controlin siya, napalunok na lang ako.

"Ay Cienne, ayos lang dun ka na lang sa kwarto ko tabihan mo na lang si Mika. May pasok pa kasi kami bukas, ayoko siyang magising." Palusot ko, dahil nga sa naiilang pa din akong tumabi kay Mika at baka anong isipin ni Cienne.

"Hapon pa yung raket natin! Echusera to! Kami ang tabi ni Cienne." Pakikiepal ni Kim sabay kindat kay Cienne.

"Kadire!" Sigaw lang ni Cienne at umaktong nasusuka, nakakatawa tuloy. "ikaw ang shota, ikaw ang tumabi. Magulo kaya si Mika matulog!" Sabi niya sa akin, totoo naman, nasipa pa niya ako palabas ng kama kakaikot habang natutulog kami kaninang hapon eh "Sa sofa na lang ako, baka maaga din naman akong umalis." Dagdag pa niya.

"Ay Cienne, sakin ka na lang tumabi." Nakangiting sabi ni Carol

"Sure? Nakakahiya, pero hindi ka naman siguro magulo o nanyayakap no?" Medyo makapal din tong si Cienne ah, haha. Demanding!

"Ay hindi naman ikaw si Vic, hindi ka niyan yayakapin. Araaay!" Epal na naman ni Kim at Binatukan nga siya ni Carol. Nagsmile na lang ako.

"Epal ka Kim!" Inis na sabi ni Carol. "Hindi ako magulo matulog." Sagot niya kay Cienne

"Okay. Thanks.sayo na lang ako tatabi." Sagot ni Cienne

"Sayang!" Patawa talaga tong si Kim, inirapan lang siya ni Cienne

"Sige na, una na ako ah. Carol kaw na bahala kay Cienne. Kim! Toka mo almusal, wag kang madaya." Batok ko sa kanya pagkadaan ko at dumiretso sa banyo para maglinis at magsipilyo. Nagbasa na din ako ng bimpo para kay Mika.

Paglabas ko ng banyo, nagaayos na din yung tatlo. "Good night ebribadi." Habang naglakad na ako papasok sa kwarto

"Good night!" Sigaw nilang tatlo. At sinara ko na ang pinto.

Inisip ko kung sa sahig ba ako matutulog, pwede ko namang sabihin kay Mika na sinipa niya ako uli, pero ayoko naman humiga sa papag ng wala man lang tabing, kung lalagyan ko ng banig, obvious naman. Grabeng dilemma to ah, make or break ng relasyon namin, nyay. Hahaha

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 10, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When I Met You (Ara Galang - Mika Reyes FAN FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon