"Secretong Tagahanga"

65 5 0
                                    


Ang humanga ng palihim ay nakakakilig pero ang umibig ng palihim ay nakakabasag ng puso lalo na't alam mong hanggang lihim na pagtingin ka nalang talaga sa taong mahal mo dahil may nagmamay-ari na sa puso nito. 

Ako nga pala si Devion Amethryst Dela Rosa o kilala sa tawag na Vion. Secretong tagahanga nga pala ako ni  Kendrick Young. Sh8!.. Kinikilig talaga ako kapag sinasabi ko ang pangalan nya. Yung tipong kapag sinabi ko o kaya'y naririnig ko ay parang natikman ko na ang tamis ng tsokolate habang nasisilayan ang ngiti ng mga anghel para hawain ako. 

"Hoy Vion! Nagdedaydream ka na naman sa crush mong mukhang chibi." Pagbasag ng kaibigan kong si Sabrina sa mapayapa kong imahenasyon.

"At least cute di gaya ng manliligaw mong mukhang aso." Angil ko sabay umayos ng pagkakaupo.

"Huwaw naman teh.. at least ako "NILILIGAWAN" eh ikaw?" Diin nya. "Hanggang ngayon stranger ka parin sa crush mo." Sabay tawa nya ng bahagya. 

Naasar ako sa sinabi nya pero hindi ko iyon pinahalata.

"Tss! Kapag ako nakapagpakilala dun, ipapasalvage talaga kita." Sabay tayo ko para bumili ng pagkain.

"Sus! Di ka nga makalapit eh magpapakilala pa kaya? At isa pa mukhang may jowa na yun."

Umigting ang tainga ko sa sinabi nya dahilan para harapin ko sya habang sumusunod sya sakin sa paglalakad.

"Alam mo, kung wala kang masabi na maganda pwede ka namang tumahimik eh."

"Sige tatahimik na ako pero ilibre mo muna ako ng snacks." Sabay cling nya sa braso ko habang nakanguso na syang dahilan para magmukha syang pato sa paningin ko.

"Libreng libing gusto mo?" Nakataas ang isang kilay na sabi ko.

"Tss! Napakakuripot mo talaga." Napapabitaw sa pagkakahawak sa braso kong sabi nya sabay naunang pumunta ng canteen.

Pasimple kong tinitignan ang bawat parte ng paligid, inaasahang makikita ang mukha ng lalaking matagal ko ng hinahangaan sa school na ito. 

'Huli ka!' Bulong ko sa utak ko na parang tangang nakangiti habang ang atensyon ng mga mata ay nasa taong kanina ko pa hinahanap. Kitang kita ko na naman ang mga titig nyang may hypnotismo.

Tindig nya palang ay kilalang-kilala ko na dahil iyan ang una kong napansin nung una ko syang nakita. Napakalinis nyang tignan at balita ko matalino pa. Kabisado ko na rin ang amoy ng perfume nya na syang nagsisilbing signos ko sa presensya nya. Yung malumanay na boses nya at yung ginawa nyang pagtulong sakin nung muntikan na akong maholdap sa kanto ay paulit-ulit ding tumatakbo sa utak ko. 

~Flashback~ 

Mag-isa akong umuwi nun galing sa bahay ng kaklase ko dahil gumawa kami ng proyekto. Wala akong load nun kaya napagpasyahan kong magpaload muna. 

Habang sinusulat ko ang numero ko sa kapirasong papel, ramdam ko ng may nagmamasid sakin.

"Ate, paload po." Sabi ko doon sa tindera.

"Magkano?" Sagot nya habang nagpipindot pindot sa cellphone nyang 3310 na Nokia.

"Singkwenta po." 

"TM?"

"Hmm." Tumatangong sagot ko.

Binigay ko naman ang number ko at matapos nun, narinig ko ang tunog ng cellphone nya na syang hudyat na pumasok na yung load ko.

"Ito po yung bayad." Sabay abot ko.

Agad naman nyang tinanggap yun at sinuklian ako. 

One Shot CollectionWhere stories live. Discover now