SYWLG 39

5K 111 17
                                    



Bea's POV

Kahit mababa na ang tingin niyo or ko sa sarili ko, okay lang. Okay lang akong maging rebound.. basta siya. Hindi ko alam kung paano ko 'to gagawin. Mahirap 'tong papasukin ko dahil kung ako kasama niya, iba naman ang nasa isip niya. Masasaktan lang ako.

Pero sabi ko nga, okay lang. Kahit one-sided love lang, okay lang. Basta maiparamdam ko sakanyang mahal ko siya kasi kong itatago ko lang 'tong nararamdaman ko ay baka sumabog pa ako dahil hindi ko na kaya maitago.


"Bea? Seryoso ka ba sa sinasabi mo? Rebound??"

Hindi makapaniwalang tanong niya. Tumango lang ako bilang sagot.


"Are you out of your mind Bea? No. Ayoko. Sinabi ko na sayo na I don't need your help."

Maglalakad na ulit sana siya papalayo saakin. Bago niya iyon magawa ay hinila ko siya papalapit saakin.


At niyakap siya.


Hindi siya nakagalaw. Pinatong ko yung baba ko sa balikat niya at ang lapit lapit ng labi ko sa tenga niya.


"Please Jho."

Hindi siya umimik at hindi parin siya gumagalaw. Yung mainit niyang hininga ay humahaplos sa aking batok at dahil dun ay tumaas ang aking mga balahibo.


"I didn't lie to you. Alam ko sa sarili ko.. na I love you. Seryoso ako kaya please... let me make you feel that I really love you."

Kumalas ako sa yakap. Hinawakan ang magkabilang pisngi niya at hinarap ang mukha niya sa mukha ko.

Yung mga mata niya... ewan ko pero parang naaawa siya saakin.


"I love you.... even though you don't feel the same."

Tinanggal niya yung kamay kong nakahawak sa magkabilang pisngi niya. Yung mukha niya, hindi ko mabasa.


"Sorry Bea. Ayoko."

Kumirot naman yung puso ko. Ang sakit naman.


"Bakit ba ayaw mo? Hindi na nga ko nanghihingi ng kapalit Jho eh! Okay na saakin na hindi mo ako mahal basta maiparamdam ko lang sayo na mahal kita. Jho naman! Bakit ba?? Bakit ayaw mo??"

Hindi ko na naipigilan ang sarili ko kaya napataas na rin ang aking boses. Hindi nanaman siya kumibo at nakayuko nalamang siya.


"Hey, sorry. Sorry Jho. Masakit lang ka-"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko kasi nagsalita na siya.


"Ayoko.. kasi masasaktan ka lang. Alam mo naman yatang galing lang ako sa hiwalayan diba? Ayaw kitang masaktan Bea kaya please huwag nalang."


"I'll wait. I'll wait for you Jho. Pero pag sinabi kong hihintayin kita, dapat lagi kitang kasama para alam ko kung puwede na. I'll just... trust the process."

She just smiled a bit and walked away from me. Naiwan ako dito habang nakatulala sakanya na naglalakad papalayo saakin.


Nalilito ako. Anong ibig sabihin nun? Oo ba o hindi?


Ugh! Jhoana.



***



Nakaupo ako sa upuan sa may bartender. Oo, nasa bar nanaman ako. Hindi ko talaga alam kung bakit nandito ako.


Siguro dahil nga sa nalilito ako. Pota kasi eh. Ano bang ibig sabihin nung pag ngiti niyang tipid??


Wala man nga lang siyang sinabi after ko magsalita eh. Ngumiti lang ng tipid at naglakad na papalayo. Pota, pahirapan.


I held my shot glass that contains alcohol and drank it quickly.

"Ugh."

Nakaramdam ako ng kamay na humawak sa waist ko. Tinignan ko kung sino 'yon at isa itong babae.



"Baby, let's go somewhere private? I find you hot."

Sabi nito. Sa lapit ng labi niya sa tenga ko ay napaarko ang katawan ko. Yung weakness ko.


Hindi panaman ako lasing kaya tumayo ako para lumayo sa babae pero nagring yung phone ko.


Pag tingin ko ay si Jhoana. Agad ko itong sinagot kahit pa ay ang lakas ng music sa loob ng bar.



"H-hello Jho?"

May sinasabi siya pero hindi ko ito naiintindihan dahil sa malakas na music nga. Maglalakad sana ako papalabas ng bar pero hinila ako nung babae kanina at hinalikan ng marahan.


Agad kong tinulak ito at tinignan ito ng masama.


"Why baby? Don't you like it? Alam kong gusto mo kaya let's go somewhere private to... ughh ughh!"

Napailing iling nalang ako at tumakbo na ng tuluyan palabas ng bar.


Tinignan ko ang phone ko pero inend na pala ni Jhoana yung tawag.


Shit. Siguro narinig niya yung babae.




You suck B. You suck.





Jho's POV


Gabing gabi na, wala pa din siya. Nasa dorm pala ako, hinihintay siyang dumating. Nasaan na ba yun?


Tinawagan ko siya at sinagot niya naman ito. Nang mailagay ko ang phone ko sa tenga ko ay napamura ako dahil sa gulat.


Napakalakas kasi ng music sa kabila ng linya at alam kong nasa bar siya dahil nga sa sobrang lakas nga ng music.



"H-hello Jho?"

Rinig ko sa kabilang linya. Gosh, yung boses niya. Yung boses niyang nakainom.



"Nasaan ka Bea? Gabing gabi na. Umuwi ka na."

Wala akong natanggap na sagot ngunit yung tunog lamang ng paghahalikan ang narinig ko.


Si Bea. May kahalikan na iba?



"Why baby? Don't you like it? Alam kong gusto mo kaya let's go somewhere private to... ughh ughh!"

Rinig ko ulit aa kabilang linya. Isa itong babae, ibang babae.


"Sorry Bea, nakaistorbo pa ako."

Mahinang sabi ko. Hindi ko alam kung narinig niya iyon pero bahala na.


In-end call ko na at humiga ng dahan dahan sa kama ko.







Nakaistorbo ka pa, Jho.

_______________________________________________

SYWLG Chapter 39!!

Aye guys! Miss me? Lol kidding.

Ty for reading fam!! Lovelots💖

Say You Won't Let Go (JhoBea)Where stories live. Discover now