CHANTING THIRTY FOUR

1.3K 39 1
                                    

Drake POV

Pagkasigaw ko sa kanila na wala kaming laban sa halimaw na Yamata no Orochi ay nagsitakbuhan na sila kaya sa sobrang lito ko ay nakitakbo na rin ako. Hindi ko na napansin na sa ibang dereksyon ako nakatakbo at hindi ko naisama si Eunji at Eunhwa.

Takbo lang ako ng takbo hindi ko pinansin kahit magkasugat nako kapag tumatama ako sa mga sanga.  Muntik nako madapa ng makita ko sila Red na nagtatatakbo rin. Nakita ko namang nagtutulakan pa yung tatlo sa likod nya. Bigla naman lumabas si Kenneth mula sa kabilang side kaya muntik na kaming mag kabanggaang anim.

“San kayo galing?” tanong samin ni Red habang tumatakbo parin

“hindi ko alam” sabay na sagot namin ni Kenneth kaya natawa kami at huminto na tumakbo mukang malayo narin naman kami sa halimaw na yun.

Kanina pa kami nag lalakad At kanina pa din ako nag aalala kila Eunji,Eunhwa at syempre sama mo na si Momo kahit naman wala akong gusto sa kanya ay kaibigan ko parin naman sya dati hindi ba?

'wala nga ba?  Hay lagi nalang nya ginugulo ang isip ko nakakainis na

Nagngangawaan lang sila syempre bukod kay Red nang biglang mag salita si Blaise na may nakita daw syang usok at ilaw. Baka iyun na yung pagpapahingahan namin at nauna na yung mga babae.

Nung makarating kami sa tapat ng pinto nung bahay ay nag unahan kami makapasok pwera lang kay Red KJ eh hahaha!! Pagkapasok ko sa loob ay naabutan kong nakaupo sa sala si Momo habang nakangiti sakin na parang inaantay ako.

May nakita akong batang tumatakbo papalapit sakin. Tantsa kong nasa dalawang taong gulang palang yung bata kasi mejo hindi pa nya nababalanse ng maayos ang kanyang pag lalakad.

“da…daaa!!” rinig kong sigaw nung batang babae at mas binilisan pa nya yung pagtakbo nya sa akin. Napayakap naman ako sa bata nung makarating sya sa harap ko dahil muntik na syang matumba. Muli nanamang nag salita ang bata at puro ‘dada’ lang sinasabi nya habang tinutusok ang pisngi ko. Napatingin naman ako kay Momo nang marinig ko syang tumawa. Naglakad naman sya papalapit saakin.

“Miss na miss ka na talaga nyang anak mo. Kamusta ang mission?” tanong sakin ni Momo pagkahalik sakin habang nakayakap yung braso nya sa leeg ko.  Hindi naman ako makagalaw sa ginawang paghalik ni Momo. Matagal bago naprocess sa utak ko yung mga sinabi nya.

“Anak?” takang tanong ko.

“Oo! Hahaha ilang araw ka lang nawala nakalimutan mo na ang anak mo? Eh kung sapakin ko ngala ngala mo para maalala mo? Hahahaha!!” pag kasabi nya nun ay kinuha na nya yung bata at binuhat ito.

“diba nasa Mt. Mikasa tayo? At hinahanap natin yung libro nang dating oracle? Tska nasan ba sila Red? Kasabay ko lang sila pumasok dito eh.” tanong ko kay Momo. Napakunot naman ang noo ni Momo at lumapit sakin at hinipo ang noo ko.

“wala ka namang lagnat. Anyare? That was eight years ago kita mo may anak na  tayo oh! Naka drugs kaba?” mas nalito naman ako sa mga sinabi nyang eight years ago na iyun.

“Panong nang yari yun? Tandang tanda ko  kakapasok ko lang sa bahay na nakita namin sa Mt. Mikasa!!” frustrated kong sagot kay Momo.

“Ewan ko sayo bahala ka jan!!” at nag walk out na si Momo kasama yung bata.

“Eight Years ago? Anak? Pero hindi! tandang tanda ko  nasa Mt. Mikasa kami pumasok kami sa isang bahay. May mali dito. Dapat makita ko agad kung ano iyun.” Naglakad ako papunta sa pinasukan kanina ni Momo.

Nakita kong nag aayos ng pag kain sa mesa si Momo habang yung bata ay naka upo sa Baby Chair. Napatingin sakin yung bata at tinawag nanaman nya akong dada kaya napatingin naman sakin si Momo.

“upo ka na jan nag handa ako ng pagkain.” Seryosong kausap sakin ni Momo

Umupo naman ako sa kalapit na upuan nung bata. Pagkaupo ko ay nginitian ko naman sya agad naman syang tumawa at nag sabi nanaman ng dada.

Nilingon ko naman si Momo “anong pangalan nya?”

“ Dravery Go” Maikling sagot sakin ni Momo. (Pronounce as Drey-very)

“Dravery Go” bulong ko habang patango tango pa.

“tss ano? Hindi mo rin alam kung bakit dravery ang pangalan nya?!” galit na tanong sakin ni Momo umiling naman ako bilang sagot.

“Dravery. Drake and Avery ikaw ang nag pangalan nyan kanya!” galit nyang sagot nagulat naman ako nung bigla syang umiyak nataranta naman ako kaya agad ko syang niyakap katulad ng ginagawa ko sa kanya nung bata pa kami kapag umiiyak sya.

“sssshhh im sorry ok? It’s just that..” hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng lumingon sya sakin at ngumiti.

“ayos lang kumain kana” and she assist me back to my sit.

“Drake kain ka na. masarap yan” aya saakin ni Momo

Susubo na sana ako ng marinig akong iyak at tinatawag ang pangalan ko.

drakeee huk! Drake wake up!! Please drake!” napatigil naman ako. Boses ni momo iyun sigurado ako.

Tiningnan ko naman si Momo. Hindi naman sya umiiyak nakangiti pa nga sya eh. Kung ganon sino yung naririnig ko?

Drake please wake up.. It’s just an illusion.. She’s a witch.. drake wake up!” rinig kong iyak parin ni Momo

So ibig sabihin tama ako na may mali nga dito iyun nga ay witch ang kasama ko ngayon at hindi si momo. Kailangan ko nang makaalis sa illusion na ito pero hindi ko parin maisip kung papaano.

Nakatingin lang ako sa Momo na nasa harap ko nang malala ko ang turo samin ni Ms. Alora

Malalaman nyo kung ang kaharap nyo ay witch sa pamamagitan ng pag tingin ng kanyang repleksyon sa kahit anong salamin at kung nadala na rin nila kayo sa kanilang ilusyon ay wag na wag kayong tatanggap ng bagay na inoffer nila food, accessories o kahit ang sarili pa nila.'

Nag hanap naman ako ng salamin sa buong paligid pero wala akong makita. Napatingin naman ako sa kutsarang hawak ko.

pwede na to!

Pasimple akong tumalikod kay momo para tingnan ang kanyang repleksyon sa kutsara. Pag katingin ko sa kutsara ay isang matandang may magulong buhok at walang mata ang nakita ko itinapat ko naman ang kutsara sa batang kasama namin ngunit walang repleksyon ibig sabihin parte lang sya ng ilusyong ito at hindi ko sya kailangang galawin.

Nagulat naman ako ng biglang mag salita si momo este yung witch pala “Hey? Is there a problem?” tanong sakin nung nahuli nya akong nakatalikod sa kanya habang tinitingnan ang repleksyon nya sa kutsara.

Seryoso naman akong lumingon sa kanya at tinanong sya kung sino sya pero nginisihan nya lang ako.

"kung akala mo  ay hindi ko alam kung ano ang makakapag palabas sakin sa ilusyon na ito ay nag kakamali ka." simple kong sagot sa kanya nang hindi nababahiran ng kahit anong pangamba.

Nakita ko naman ang pagkagulat sa muka nya kaya ako naman ang napangisi.

Pagpatay ang isa sa mga paraan para makaalis sa isang ilusyon mula sa isang mangkukulam. Pero merong mas madaling paraan iyun ay ang sugatan ang iyong sarili upang ikaw ay magising mula sa ilusyon.

Dahil sa sobrang pagkagulat ay hindi nya namalayan ang paglapit ko sa kanya. Narinig ko syang bumulong nang "hindi maaari hindi ka makakaalis sa ilusyon kong ito habang buhay tayo mag sasama!" pag kasabi nya nun ay agad ko naman ginilitan ang kanyang leeg.

"kahit kelan hindi ko gugustuhing makasama ang isang mangkukulam na katulad mo."

Pagkatapos kong sabihin yun ay nakaramdam ako ng unti-unting pagkahilo.

Nagising naman ako sa loob ng isang kwarto. Inilibot ko ang buong paningin ko sa paligid upang malaman kung nasaang kwarto ako. Igagalaw ko na sana ang kamay ko para tanggalin ang kumot na nakalagay sakin ng may maramdaman akong may nakahawak sa kamay ko.

"momo"

~~

Soooo ayuuunnnnn ikkwento ko sana yung nangyari sakin kanina sa jeep kaso nahiya naman daw ako hahaha!!! Kasya pa! Kasya pa!! Hahaha!

CHANTING ACADEMY: The Lost Twin PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon