Simula

9 1 2
                                    

May mga pangyayari na linilingon lang pero hindi na dapat pang balikan. May mga bagay na mapapa sa atin hindi dahil sa ating ginusto kundi dahil sa kailangan natin ito. May mga tao na dumarating upang turuan tayo at hindi lang upang tayo ay mapasaya.

Sa twenty- eight years kong existence sa mundo at sa lahat ng bagay na napagdaanan ko, ilang ulit nang sinampal ng reyalidad sa akin na hindi lahat ng gusto ko ay mangyayari kahit ano pang pilit ko. Life is like that.

"Uuwi ka talaga sa inyo?" Si Jc.

Marahil kahit siya ay hindi rin makapaniwala. "Kailangan." bagot kong tugon.

Sa silangang bahagi na naman ngayon nakatutok ang kanina ko pang pinapaikot na ballpen. Nanlalamig ang kalooban ko na dapat ay hindi naman.

"At kailan pa naging kailangan na dumalo sa highschool reunion aber?"

Tama. Hindi na lang ako nakipagtalo pa. Pero bakit naman ako kinakabahan? For all I know, may panlaban naman ang mga achievements ko sa mga kaklase ko. Not that pupunta ako para magyabang. Pero expected rin naman iyong mga ganoon hindi ba.

"Hay naku! Basta siguraduhin mong matatapos mo iyong deadline na binigay sayo."

Ilang araw na lang ay uuwi na ulit ako. I wonder how it feels like to be home again. Naiisip ko pa lang na babalik ulit ako sa lugar kung saan ako lumaki ay nakaka excite na. It's been years.

Tanghaling tapat kaya tirik na tirik pa ang araw. Susunduin raw ako ni Rizell at sabay na kaming pupunta sa firm. Napagpasyahan kong sumilong muna sa entrance nitong building.

"Ma'am pwede pong pumasok na muna kayo tapos doon na po maghintay." ani kuya Bob.

"Okay lang po ako." Nginitian ko siya at tinuon na lamang ang pansin sa harapan. Siguro ay naging mabilis ang pangyayari at nakita ko na lamang ang isang duguang bangkay ng babae sa harapan ko.

Nagsitakbuhan ang mga taong nasa labas maging ang mga nasa loob.

"Tumawag kayo ng ambulansya bilis!"
"Hindi na yan makaka abot pa."

Napako ang tingin ko sa babae. Nalaman ko lamang na napanganga na lamang ako sa nakikita. Natatakot akong tingnan siya pero hindi ko pa rin magawang alisin ang tingin ko sa kanya.

Duguan ang kanyang buong katawan at ang kanyang ulo naman...napapikit ako sa nakikita. "Athaliah!" liningon ko si Jc na sa tingin ko ay kakagaling lang sa pagtakbo.

"Huwag mo nang tingnan! Sa loob ka muna bilis! Mamaya pa yun si Rizell darating." Hinablot niya ako papunta sa loob.

"Okay ka lang ba? Tubig oh."

"Salamat."

Tiningnan ko ulit yung labas pero hinaharangan ni Jc ito. "Jc alis ka muna titingnan ko lang." tinabig ko ng bahagya ang katawan niya.

"Athaliah! Oh my gosh!" binaling ko ang atensyon sa kararating lang na si Rizell.

"Rizell huwag kang mag-alala okay lang ako." nginitian ko siya para maniwala.

"Mabuti pa ay isama mo na siya papunta sa firm." sabi ni Jc sa kanya pagkatapos ay binalingan ulit ako.

"At ikaw naman Athaliah, mag-iingat ka. Sasabihin ko na lang sa editor in chief na hindi maayos ang pakiramdam mo. Sigurado akong maiintindihan naman niya iyon at hindi ka na pagpapabaunin pa ng mga i-eedit."

"Hindi yun patas Jc. Magiging okay rin naman ako. Na trauma lamang ako sa nakita pero okay lang talaga ako."

Sabi ni Rizell ay dire-diretso lang raw dapat ang tingin ko. Wala na ang katawan ng babae pero may iilan pa ring dugo na naiwan.

आप प्रकाशित भागों के अंत तक पहुँच चुके हैं।

⏰ पिछला अद्यतन: May 02, 2018 ⏰

नए भागों की सूचना पाने के लिए इस कहानी को अपनी लाइब्रेरी में जोड़ें!

Pitong Minuto जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें