Chapter1

33 22 3
                                    

Crestiphany Bella's POV

Pagkapos namin kumain ng hapunan ay nagpahangin muna ako sa veranda at doon nagmumuni-moni.

'Bakit ba napakalupit ng tadhana? Yong panahong alam mong subrang saya mo na sana kaso kinabukasan para kang sinaksak diretso mismo sa dibdib at hihilingin mo nalang na sana lamunin ka ng lupa dahil sa sakit na naramdaman mo pero ang mas masakit ay yong alam mong wala kang magagawa para di kayo magkahiwalay. Hanggang ngayon marami parin akong hindi maintindihan. Hanggang ngayon marami parin akong tanong sa sarili ko kagaya ng bakit pa siya dumating sa buhay ko? Bakit mo siya pinakilala sakin gayong babawiin mo rin naman ang panandaliang kasiyahan sa buhay namin? Bakit ko siya minahal? Bakit sa tuwing magiging masaya ako'y palagi kang may paraan para bawiin iyon? Malaki ba ang naging kasalanan ko nong nauna kong buhay? Palagi nalang ba akong masasaktan o talagang may dahilan lang ang lahat ng ito? Siguro nga tama sila .... sadyang mapaglaro ka Tadhana.'

Hayyst.naglalayag na naman ang isip ko, pero aaminin kong nasaktan talaga ako nang sinabi ni madam Flora'ng may aampun na raw saakin dahil yong araw na yon ay napaka espisyal sana kasi nagtapat ng damdamin ang kaisa-isang taong mahal ko. At ang pinaka masama ay sa mismong kaarawan ko pa kaya naudlot ang kasiyahang naramdaman ko. Pero nong araw na kinuha na ako ng mag-aampon sakin ay di siya sumipot o maski magpakita manlang kaya mas matindi ang sakit na dulot non.

Inaantok narin ako kaya matutulog nalang ako total natapos ko nang gawin ang assignments ko sa school palang. Pero nagulat nalang ng pagharap ko'y nandoon na ang mga pinsan kong lalaking may mga sari-sariling ginagawa na nakaupo sa mga sofa'ng magkaharap pero may maliit na mesa na pagitan nito.

Si kuya Enzo,kuya Tylor at kuya Lance busy sa pakikipag text at si kuya Zack naman naglalaro ng dota sa laptop niya at si Gray naman nagbabasa ng notebook niya at may pa kamot-kamot pa sa ulo.

"Guys bakit kayo nandito?" Pagbabasag ko sa katahimikan pero tinitigan lang nila ako saglit at saka sila nagtinginan tapos nag-irapan na parang mga babae at bumalik muli sa ginagawa, bahagya pa akong natawa dahil sigurado akong nag-iinarte lang yan at alam kong may kailangan ang mga yan. "Naks! Lakas ng trip niyo ha!!" sabay tawa ko pero agad ding nawala dahil di nag-iba ang ekspresyon ng mga mukha nila.

Until Love Will Return (UnEdited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon