Nireview ng SOCO ang log book kung saan pumipirma ang mga bisitang lumalabas at pumapasok sa building, maging ang cctv cameras. Isang nagngangalang Gerald Cuenca ang huling bumisita sa sikat na artista na isa umanong delivery man. Tinignan nila ang nakasulat na oras sa log book at hinanap ito sa time stream ng cctv. Isa lalaki nga ang nakita nila na nakasuot ng stripe blue shirt at maong pants ngunit ang hawak nitong bouquet ay nakaharang sa kanyang mukha. At kahit gaano man ka- high definition ang camera, hindi nila maaninag kahit saglit ang mukha ng lalaki. Tila alam nito ang bawat sulok kung saan may cctv sa bawat hallway na madaanan. Makailang beses nilang pinagaralan ang kuha ng camera. Ilang beses nirewind at pinplay ng slow motion upang makahuli kahit saglit na walang harang ang kanyang mukha, pero wala ni isang segundo.

Nang makarating ang lalaki sa harap ng pinto ng unit ni Maxine, maayos naman nitong iniabot ang bulaklak pero nang hindi kinuha ng artista ang kanyang dala, pumasok ito at isinara ang pinto.

Isa pang footage ang ipirinsinta sa mga pulis. Footage na nanggaling sa loob mismo ng unit. Makikitang pumasok ang lalaki dahil sa ang kamay ni Maxine ay may pintura. Nagpapainting ito.

Nagkalat ang mga pintura at broadsheets sa sahig. Bumalik si Maxine sa kanyang canvas habang ang delivery man ay nagtungo sa kalapit na lamesa upang ilapag ang dineliver nitong bulaklak. Tumambad ang mukha nito ngunit natatakpan ng visor ng suot nitong baseball cap.

Hindi muna ito agad lumabas. Lumapit pa ito sa may likuran ng artista at mukhang kinakausap ito. May ilang beses na napapangiti si Maxine habang abala ang kanyang kamay sa pagpipinta. Isa sa mga nagiimbestiga ang nakapansin na walang sapatos na suot ang lalaki nang ito ay yumuko na tila kinakamot ang kanyang paanan.

Nanlaki ang mga mata ng mga imbestigador ng biglang inundayan ng saksak ng lalaki ang sikat na artista ng kutsilyong nanggaling sa kanyang paanan. Kaya pala ito yumuko ay para kuhanin ang murder weapon na nakatago sa kanyang medyas.

Makailang ulit na sinaksak ng lalaki si Maxine hanggang sa ito ay bumagsak sa harapan ng suspect. Dahan-dahan niya itong inihiga sa sahig, maging inalalayan ang kanyang ulo. Nakakapagtaka pang hinimas ng lalaki ang mukha ng kanyang biktima at hinagkan ang labi na tumagal ng ilang minuto. Pinunasan niya ng dulo ng kanyang damit ang labi ni Maxine bago ito tumayo at nagtungo sa loob ng isang kwarto. Paglabas ay tangay na nito ang isang malaking frame. Ang nawawalang portrait ng kanyang biktima.

Pagkatapos mapanood ang footage mula sa loob ng unit, sinunod nila ang kuha ng cctv camera sa hallway ng building kung saan dumaan ang delivery man. Iba ang dinaanan nito. Imbes na sa front entrance dumaan, sa fire exit ito lumabas hanggang sa makatakas.

Muling binalikan ng mga forensic ang crime scene. Wala silang ginalaw sa mga orihinal na pwesto ng mga gamit, maging mga papel na nakalatag sa sahig. Ayon sa video, nang lumapit ang suspect sa biktima, wala itong suot na sapatos. Inisa-isa nila ng maigi ang mga papel kahit ang mga hindi nilakaran ang pumatay ay matamang inusisa sa maaring marka na naiwan ng lalaki.

"Sir!" tawag ng isa sa mga foresic sa kanilang leader. Nakaluhod ito  isang dipa mula sa marka kung saan eksaktong natagpuan ang katawan ng biktima. Itinuro ang isang natuyong pinturang matingkad na berde na may halong tuyong dugo na parang marka ng daliri sa paa.

"Gupitin ang part na yan at ilagay sa evidence plastic. We'll perform DNA kung kaninong dugo yan," utos ng superior na sinunod ng kanyang tauhan.

Nagperform din ng mahigpitang paghahanap paikot vicinity ng lugar na may layong tatlong kilometro mula sa building ng pinangyarihan ng krimen. Halos ang buong Pilipinas ay nakaantabay sa progress na paglutas sa krimeng nangyari sa kanilang idolo.

Sa isang madamong lugar, habang naglalakad ang isang grupo ng kabataan, nakita nila ang isang black plastic bag. Dahil sa inaakalang may makukuha silang kapakipakinabang, binuksan nila ito at nakita ang isang set ng damit, pitaka na naglalaman ng mga ID at kutsilyo na agad nilang isinurender sa kalapit na barangay hall. Mabilis namang nakipagcommunicate ang chairman sa mga pulis upang ipaalam ang nakuha ng mga kabataan. Nang ito ay ipinasa sa mga forensic, napagalaman na iyon ang damit at murder weapon na ginamit sa pagpatay sa sikat na artista. Natagpuan sa isang madamong lugar patungong Antipolo.

The FanWhere stories live. Discover now