YNSTB#1

85 0 2
                                    

YNSTB#1

Chapter 1

#TheStartOfTheirJourney

"Yshi, Yshi gumising ka na! May gagawin pa tayo diba?!" Bigla nalang may nagyugyog sa balikat ko. Inaantok pa ako kaya unti unti ang pagmulat ko sa mga mata ko. Bakit andaming tao sa kwarto ko? Tuluyan ko nang iminulat ang mga mata ko at napa sigaw ako bigla.

"Wahhhhhhh!!! Anong ginagawa niyo dito?" >.< Naitakip ko agad ang kumot sa katawan ko, aba eh puro lalaki kaya sila!

"Tsk, nakalimutan mo atang may lakad tayo?! -_-" Hala oo nga pala! Napa kamot sila ng ulo.

"Nyeee! Nag-alarm ako ah? Bakit hindi tumunog?" Dinampot ko ang alarm clock at inalog, :3

"Psh.walang battery." Pagtingin ko sa likod ng alarm clock wala ngang battery.

"Hala! Basta, eh kahapon meron pa ito ah?!" Sinisilip ko yung orasan baka nga may battery pero I am guilty, di ko alam na sira pala ito.

"Wag kana ngang magpalusot!" Ako naman ngayon ang Nangamot sa ulo ko.

"Sige na maligo ka na doon! Ang kupad mong kumilos!" Nayayamot na lumabas silang lahat.

"Give me 8 minutes!" Habol kong sigaw.

Agad agad akong pumasok sa banyo. Mga 3 minutes naligo, at nag bihis, toothbrush, wisik ng cologne, suklay sa buhok, pulbo at sinukbit ang shoulder bag across sa katawan ko. Mabilisang tumakbo pababa.

"Ma alis na kami!!!!" Sigaw ko kasi nasa kusina si Mama.

"Mag almusal ka muna!" Tumakbo ako papuntang kusina at kinuha ang pandesal sa mesa sabay kiss kay Mama.

"Oh tara na mga bro!" Nagpatiuna ako sa paglabas.

"Teka nasan na ang kotse mo Marty?!" Wala kasing kotse na naka-park sa tapat namin, usually kasi gamit namin ang kotse ni Marty pag may pupuntahan.

"Dinala ko kahapon sa talyer dahil naghihingalo nanaman yung makina." Pagpapaliwanag ni Marty.

"Magcocommute tayo ngayon!" Sabi ni Caleb habang ngumunguya ng bubblegum.

"Tara na nga!" Parang Wesley woke up on the wrong side of the bed kaya nauna na sa paglalakad. Moody talaga ang isang ito!

Pumunta na kami sa may sakayan ng jeep.

"Sigurado kaba dito Yshi?" Napabaling ako kay Caleb.

"Of course! Akong bahala! Basta pag binuild up ko kayo sumagot din kayo ha? At ipakita ninyo ang galing niyo!." Confident na sagot ko.

"Dapat sana in-assure muna natin kung papayag ba sila. Baka kasi masayang lang ang effort natin." Nagsasalita si Adam habang busy kalikutin ang cellphone niya.

"Eh kung hindi tayo sure dito edi sa iba, marami namang iba pa doon eh!" Huminto na yung jeep kaya naman bumaba na kaming anim.

Pupunta kasi kami sa bar kung saan nagtatrabaho ang kuya ko bilang bartender, ang Twilight bar. Sabi kasi ay naghahanap daw sila ng new performers. Kaya agad kong sinabi sa kanila na mag-apply, sigurado naman akong matatanggap sila dahil ang gaganda ng boses at ang gagaling nilang tumugtog ng mga instrumento.

Nagpunta na kami sa Twilight bar. Hinanap ko si kuya Tim.

"Kuya!" Lumapit kami sa may mga stool.

"Oh andito na pala kayo! Tamang tama nandiyan na si bosing. Sandali lang at tatawagin ko." Pumasok si kuya sa isang pinto na may naka lagay na "for personnel's only"

Biglang kumulo ang tyan ko.

"Haynako Yshi hindi ka pa pala nag-aalmusal, pasaway ka! Kumain ka muna!" Sabi ni Red at inakbayan ako. Yieeee >\\\\< kinilig naman ako sa concerned kong boyfriend, opo boyfriend ko si Red. 5 months palang simula ng maging kami.

"Opo your highness! Penge nga ng pandesal mo!" Biro ko sa kanya, eh kasi duuuhhh 6 pack abs. Haha, macho noh? <3

"Ano ka ba naman Yshi wag dito!" Sumakay lang din siya sa biro ko.

"Hoy ma-impacho pa ako dito! Itigil niyo yan!" Pagtingin ko kay Marty kinakain na niya yung pagkain na dala ko.

"Oooyyyy. That's mine!" Hinablot ko sa kanya yung lagayan nung pandesal at binelatan :p

Kinain ko na ang pandesal na dinala ko, hihi may palaman na scramble egg at mayonnaise.

Sakto nung pag-ubos ko lumabas yung may-ari ng Twilight bar.

"Good morning po!" ^_^ Masigla kong bati at kung pwede lang lumagpas pa sa tenga ko ang ngiti ko dahil ang lapad.

"Kayo ba ang mag-aaply?" Ay masungit si bossing!

"Opo" sabay sabay nilang sabi.

Hiningi sa kanila ang resumé.

"O siya, magperform na kayo." Umakyat na sila sa stage.

Si Red drummer, si Adam naman back-up singer, si Marty bassist, Caleb was the lead guitarist tapos pag love song ang tutugtugin pwede din siyang mag-piano at syempre ang vocalist ay si Wesley.

"Go bro's!!!!!" Cheer ko sa kanila. Katabi ko ang boss sa may table.

"Naku sir magagaling ang mga yan!" Pagbi-build up ko sa kanila.

"We'll see." Tinutok ko nalang ang mga mata ko sa kanila habang kumakanta.

She looks so perfect ang chosen song nila by 5 Seconds of Summer

Si Red humi-head bang habang nagdu-drums at pinaikot pa ang drumsticks, kinindatan pa ako, kaka-in love talaga!

Si Wesley naman napaka seryoso habang kumakanta, naka tingin lang siya saamin--saakin.

Actually dating lead singer si Red kaya lang, wala nang iba pang marunong mag drums kaya si Wesley na ang pumalit sa kanya.

"She look so perfect standing there in my american apparel underwear and I know now, that I'm so down!" Naka tingin saakin si Wesley hihi kung di lang ako taken malamang kinilig na ako,

Oo nga pala! I almost forgot to introduce myself, how rude am I!

Ang pangalan ko ay Yshi Herrera . Lima kaming magkakapatid, 2 lalaki na panganay at tatlo kaming babae na sumunod. 19 years old palang ako pero tumigil na ako sa pag-aaral, 2 year-course lang ang natapos ko pero ipinangako ko sa sarili ko na pag naka-ipon na ako ay ipagpapatuloy ko ang pag-aaral.

Ang trabaho ng Papa Trinidad ko family driver, si Mama Yolanda naman eh taga-luto sa karendirya ni Tito Ted na kapatid ni papa.

Nagtatrabaho ako ngayon sa isang hotel bilang receptionist. Pero MWFSat. ang schedule ko and since Thursday ngayon wala akong pasok kaya sinamahan ko sila sa pang 14th bar na pinag-applayan nila.

Minsan nga gusto na nilang sumuko pero ako ang pumipilit sa kanila para makakuha ng trabaho.

May dalawang layunin kasi ang banda nila: Ang maibahagi ang kanilang talento, at makilala ang kanilang mga kanta.

Nag-simula ang samahan nila 2 taon na.

Si Adam ang talagang una kong nakilala dahil kababata ko siya. Si Red ang lagi kong kasama kaya napalapit kami sa isa't isa.

Nagpalakpakan ang mga tao matapos ang kanta nila. Madaming tumili na mga babae -_- baka may maging karibal ako kay Red.

Nagulat ako dahil pati yung bossing pumalakpak, haha tiyak pasok na sila dito (cross fingers)

Bumaba na sila at pinuntahan ni boss

"Mukhang nagustuhan ng mga tao ang performance nyo, tsaka wala akong masabi sa galing ng pagtugtog niyo at boses. Congratulations! Pasok na kayo sa Twilight Bar!" Ngumiti si boss kinamayan sila at ako.

"YEY!!!!!!" Nagtatalon ako at sumigaw. Tuwang tuwa kami.

Ito na ang simula sa pagtupad ng mga pangarap nila! ^_^

•*•*•*•*•*

A/N: hello everyone! This is my new story, I know medyo boring ang start pero pag nasa rising action na medyo aayos na, ahahaha. I hope nagustuhan niyo ang first chapter (kung may nagbabasa man! Tho alam ko wala) :p

@ThouShallLoveMe

Your Not So Typical BandWhere stories live. Discover now