" Ayos lang po ako. Baka po makalabas na si Rhian sa makalawa. Si Chloe po? " malalim ang mga mata ni Tita na tila kulang sa tulog.

" Nasa kwarto niya si Chloe, bago ko siya tawagin' sana Z, unawain mo siya bago ka magalit sa kanya." tapos ay iniwan niya na ako.

Di nagtagal ay natanaw ko na si Chloe na pababa ng hagdan. Teka bakit parang may iba sa kanya.

" Lovey.." niyakap ko siya ng tuluyan siyang makalapit sa akin, dahil narin siguro sa mga narinig ko kay Ethan, hindi ko maiwasang maisip ang mga sinabi niya. " I miss you so much Lovey." naramdaman ko ang pagyakap niya, napangiti ako.

" I miss you too Love." naramdaman ko ang paghikbi niya. Namiss niya yata talaga ako.

" Patay na patay ka talaga sa'kin noh? May paiyak iyak ka pa." hinampas niya ako ng mahina sa balikat ko.

" I love you. Wag kang mag alala patay na patay din naman ako sayo." bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya saka siya hinalikan sa noo.

Pero tuloy padin ang pagluha niya.

" Abah mukhang sobrang namiss mo talaga ako ah para umiyak ka ng ganyan Lovey." pero kinakabahan na ako dahil hindi padin siya umiimik.

I was surprised when she held my face with her two hands and kiss me fully on the lips na para bang gusto niyang iparamdam kung gaano niya ako kamahal. Tinugon ko ang halik niya ng buong pagmamahal. I love her so much at hindi ko alam kung kakayanin ko sakaling mawala siya saakin.

Agad naman niya akong niyakap ng mahigpit ng matapos ang halik na yon.

" I love you so much Zaide Travis Ventura Mondejo. Ikaw lang ang mamahalin ko at wala ng iba pa, tandaan mo sana yan." niyakap ko din siya.

" Mahal na mahal din kita Lovey.." bigla nalang may humila sakin at sinuntok ako.

" Layuan mo ang Fiancee ko!" si Valdez na naman. Letsugas talaga tong si Ethan. Panira ng moment.

" Eh gago ka pala eh! Fiancee fiancee mong mukha mo! Eh girlfriend ko yan! Ako ang mahal niya, gumising ka nga!" akmang susuntukin niya na naman ako pero humarang si Chloe.

" Ethan stop! Wala kang karapatang saktan si Z." Niyakap ako ni Chloe pero hinila siya ni Ethan.

" Bakit hindi mo sabihin sa kanya ang totoo Chloe? Hanggang kailan mo siya papaasahin?" Teka ano daw?

" Hoy Valdez, isang salita pa galing d'yan sa bibig mo, tatamaan kana sakin!" pero tumawa lang ang gago.

" Sabihin mo sa kanya Chloe, nagbibingi bingihan parin siya. Hindi mo ba sinabi sa kanya na may nangyari... " hndi natapos ni Ethan ang sasabihin dahil sumigaw si Chloe.

" Stop! Ethan stop! Umalis kana, kung may natitira ka pang respeto sa'kin umalis ka na." narinig yata ni Tita Trisha ang sigawan namin dahil nag aalalang lumapit ito sa amin.

" Mom please, paalisin n'yo muna si Ethan." umiiyak na pakiusap ni Chloe sa Mommy niya.

" Ethan hayaan mo muna sila. Umuwi kana muna." kailangang si Tita pa ang makiusap sa gagong Ethan para umuwi.

" Lovey..tama na. Hindi naman totoo ang mga sinasabi niya diba?" nilapitan ko siya at pinahid ang mga luha niya.

" I'm sorry. Sorry."

" Lovey naman, hindi mo kailangan mag sorry, wala kang kasalanan saka yong mga sinabi ni Ethan diba' hindi naman totoo yon." kinakabahan na ako.

Tinakpan niya ng mga kamay ang mukha niya. At mas lalo itong umiyak.

" I'm sorry Love..sorry. Wala akong maalala..nagising nalang ako.." panay ang hikbi niya. " Nagising nalang ako sa kwarto kasama si Ethan." parang tumigil ang mundo ko sa sinabi niya pero mahal ko siya at ako ang mahal niya.

A Beautiful DISASTER (Published by POP FICTION) Where stories live. Discover now