Chapter 32

99 4 3
                                    

Hi Everyone!Dahil nagnosebleed ako sa POV ni Euwen kaya almost a year ako bago nakapagupdate hehehehe. Kung napansin niyo, May 20, 2012 yung last update ko. Fvaorite ko talaga yung May noh? sa kadahilanang may Labor Day....just kidding.Heto na maguupdate na talaga ako..

Theia's POV

 Almost a month na nung huling magkita kami ni Euwen, he promised me na sabay naming aayusin tong  problema namin after he arrived from the US. He's now with his father for a business trip.

I know mali yung ginawa namin pero ganito talaga pala kapag nagmamahal ka, minsan hindi mo na alam kung ano ang pagkakaiba ng tama sa mali, hindi na rin importante kung ano ang sasabihin ng ibang tao, basta ang mahalaga nagmamahalan kayo.

We keep our relationship to the people around us. Ou nagsisinungaling at nagtatago kami sa maraming tao kaya minsan hindi ko maiwasang mangamba. May mga takot na namumuo sa isipan ko pero dahil kay Euwen, mas nanaig pa rin yung sayang nararamdaman ko kapag naiisip ko siya. Siguro maraming nagtataka, panu si Liam? Anong gagawin niyo sa kanya?Yon din ang isa sa problema ko ngayon, hindi ko alam kung panu ko sasabihin kay Liam yung tungkol samin ni Euwen.

He's too kind to be fooled by someone like me. Alam kong magagalit sakin si Euwen kasi pinangunahan ko siya pero di ko na talaga kayang magsinungalin pa kay Liam. Sa tuwing nginingitian nya ako at pinapakitaan ng mabubuting bagay, hindi ko maiwasang masaktan kasi nagawa kong lokohin siya.

Early morning I recieved a text from Liam,

I know you're naturally gorgeous and beautiful but dress something that will make you more beautiful like a queen later. I love you..see you..:)

Bakit ang bait mo Liam? Saan ba nanggagaling yang ksweetan mo sakin? Kaya nakapagdesisyon na ako, sasabihin ko na kay Liam yung totoo.Magkikita kami ngayon sa isang restaurant para mag-dinner. I think this is the right time to talk to him. I want to be honest to him. Alam kong masasaktan siya pero wala na siguro akong magagawa sa bagay na yan dahil kasalanan ko naman talaga lahat ng to. Siguro ito na lang yung paraan para matapos na tong kasinungalingan ko. 

Actually kinakabahan ako sa gagawin ko, kaninang umaga pa masakit tong ulo ko medyo nahihilo rin ako.

" Miss Theia okay lang po ba kayo? Namumutla po kasi kayo" worried na tanong ni Heidi sakin, papunta na kami ngayon sa restaurant na pinareserved ni Liam para sa dinner date namin.

"I'm alright Heidi, sa-salamat..masakit lang talaga ulo ko siguro dahil sa sobrang init ng panahon ngayon" hindi na rin naman siya nagtanong pa after kong sabihin yon.

After 15 minutes nakarating na kami sa restaurant. Gaya ng dati pinagtitinginan pa rin ako ng mga tao. Yung iba natutuwa sakin pero yung iba naman kulang na lang simangutan ako siguro dahil na rin sa mga naririnig nilang issues ngayon tungkol sa akin. Mga issue na wala namang katotohanan. Typical na paninira na minsan tinatawanan ko na lang. Bilang isang public figure siguro naman dapat masanay na ako sa mga ganyan di ba?

Dahil sa dami ng mga iniisip ko di ko namalayan na nasa harap na pala ako ng pintuan ng isang kwarto. Mahilig talaga si Liam kumain sa private place tulad nito. Di kasi siya sanay na pinagtitinginan kami ng mga tao. Kaya ganito kami lagi, sa isang pribadong lugar kumakain at naguusap. Busy siyang tao pero ni minsan hindi nya ako  nakakalimutan at kung di man niya ako mabibigyan ng oras he make sure na may ipapadala siyang bulaklak na may kasama pang  card.

Ang bait-bait niya kaya di ko napigilang hindi magkagusto sa kanya yon nga lang huli na pala ang lahat, kung kelan mahal niya na ako saka naman ako natutong magmahal ng iba.

Inassist ako ng isang staff bg restaurant papunta table namin,parang familiar yung scenario na to,  parang nangyari na to dati sa akin, habang naglalakad ako sa isang red carpet, tumutugtog naman yung magandang awitin na di ko alam kung ano ang title.

Habang papalapit ako sa upuan namin nakita ko si Liam na nakangiti at nakatingin sakin. Ang gwapo gwapo niya sa sout niyang black tuxedo, sanay na akong makita siyang formal pero iba yung dating nya ngayon parang mas lalo yata siyang gumwapo.

Ilang sandali pa nasa harapan ko na siya at marahan niyang inabot ang mga kamay ko. Sino nga ba naman ang tangang babae na tatanggi kung ganito ang kaharap mo at aalukin kang magsayaw.

"You're stunning Theia" yan lang ang pambungad niyang sinabi ng magsimula na kaming magsayaw. Hindi ko takaga alam kugn ano yung kanta na tinutugtog ng mga musician basta its a sort of a classical music

"Thanks, you're also handsome as well" nagngitian lang kami.

" You look nervous?" muling nasabi niya, actually kinakabahan talaga ako. Nagsayaw lang kami at ng matapos ang kanta niyaya nya na akong umupo pero hindi siya umupo sa upuan niya kundi lumapit siya sakin at bigla siyang may kinuha sa bulsa niya.

Nagulat ako ng lumuhod siya at sabihing..

"To the most beautiful and only lady in my heart"

"Will you marry me?"

P.S.

I hope may magbasa pa rin nito. Have a nice day everyone!

~Ate  Rhio

My CelebutanteWhere stories live. Discover now