Simula

4.7K 340 468
                                    

There is something in my mind that I can’t say. I can’t say to the person I really love.

Alam kong duwag ako. Takot akong umamin hindi katulad ng ibang tao na nagkandarapa sa kanya. It’s just because takot akong ma-reject? Takot masaktan? Yeah, exactly.

Naranasan mo na bang mainlove sa taong kahit kailan ay hindi ka magagawang pansinin?

Kahit na alam mong masasaktan ka, go ka parin. Kahit na alam mong wala siyang pakielam sa’yo, naga-assume ka parin.

That’s me. Ashley Salvador, but you can call me Ash. Ang cute ng name ko ‘no? Well, this is not just about my story. It includes the story of my heart. The story of heart that full of pains, sufferings, and joy. It’s heart. More heart, less brain.

Maybe sometimes, we are the ones breaking our own hearts. We walk into a situation, get attached to someone all by choice. And then we let them break our hearts, because we're the ones who gave them the opportunity to.

Nagtitingin ako ng confessions dito sa facebook. Scroll down. Scroll down. Nakakairita! Puro Smoke Sovar na lang ang nababasa ko. Wala na bang bago? Mga mang-aagaw. Tsk.

Nakakainis lang. Ang daming nagkakagusto sa crush mo. Ang daming umaaligid na babae! Bwisit. Sabagay, hindi ko naman kasi makakaila na pogi talaga si Smoke.

Smoke Sovar. Salutatorian ng STEM A. Magkaklase kami noon hanggang ngayon. Hindi mo talaga ma-reach dahil sa sobrang gwapo na nga, matalino pa! And uhm. Ayun, suplado nga lang.

“Hoy!” Naramdman ko na may bumatok saakin.
Sinamaan ko ng tingin kung sino man ‘yung hudas barabas hektas na bumatok sa ulo ko. Halos masubsob na yung ulo ko sa monitor nitong computer dahil sa sobrang lakas ng pagkabatok sa akin. Lumingon ako sa likod at tiningnan nanaman siya ng masama. Bwisit talaga. Panira ng araw.

“Woah! Woah! Chill.” Naka-‘suko’ sign siya ng kamay habang tumatawa. Si Adam Red. Best friend kong kupal.

Best friend ko si Adam simula elementarya. Ang mama ko at ang mama niya kasi ay mag-best friends rin nung High school. Kaya halos lahat ng kilos, galaw, o itsura ng mukha ko ay alam ni Adam.

Mahilig sa libro si Adam. At isa siya sa pinakagwapo sa buong campus ng Rich Academy. Magkasing-tangkad sila ni Smoke KO at maputi rin si Adam. Mapupungay ang mga mata nito na mala-Daniel Padilla at medyo mahaba ang kanyang buhok.

Binaling ko uli ang mukha ko sa monitor. Nandito kasi ako sa computer shop para sana maglaro ng LOL. Wala, mag-isa ko lang. ‘Yun ang gusto ko, eh. Pero dahil sa naalibadbaran nanaman ako ng pagmumukha ni Adam, at isama mo pa ang mga confessions tungkol kay Smoke KO. Talagang nawalan na ako ng gana.

Nanliit ang mata ko sa mga nababasa ko na confessions tungkol kay Smoke KO. At ramdam ko parin na nasa likuran ko pa rin ang humahagikgik na si Adam. Leche talaga.

“I love you Smoke! Napakagwapo mo na, ang talino mo pa!”
“My Salutatorian and my love!”

Napangiwi ako sa mga nababasa kong kaharutan ng mga babaeng ‘to na para sa Smoke KO. Habang binabasa ko ang mga isinulat nilang confessions ay gumagawa ako ng facial expressions dahil sa sobrang iritable ko.

Gusto ko na silang gilitan ng leeg isa-sa sa totoo lang. At parang gusto ko rin silang gapangin ngayong gabi habang natutulog sila. Ang ayoko talaga sa lahat eh yung may umaagaw sa bagay na para lang sa akin!

Hindi pala siya sa akin.

“Di ka pa maglalaro?” Tanong ko kay Adam nang hindi tumitingin o lumilingon man lang sakanya.

Walang TAYO [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon