First

4 0 0
                                    

Mikael's POV

Habang nakaupo ako sa aking kama ay halata saaking mata ang pagka kaba dahil sa unang araw ko sa aking bagong papasukan na eskwelahan 'relax mika... relax..'

Huminga ako ng malalim at nag ayos na ng sarili para sa pag pasok, pag baba ko ay kumain na ako

"Bilisan mo na dyan baka mahuli kapa" inis na sabi ni  mama, ako naman ay natawa ng patago at umiling nalang.

Nung natapos na ako kumain ay nag paalam na ako agad  na aalis na ako

Pag pasok ko palang sa bagong School na aking papasukan ay huminga nanaman ako ng malalim

"Mika kaya mo'to fight lang...fight" matapos kong sabihin yun sa aking sarili ay pumasok na ako at hinanap ko ang aking silid at pag dating ko dun ay may na kita na akong isang lalaking naka uniporme at babaeng katulad kong naka Civilian din, siguro transferee din sya katulad ko,

May nakita din akong isang matabang  babae at payat na lalaki? Uhmm bakla siguro to dahil sa kanyang kilos naka uniform na sila siguro mga old studehts sila na magiging kaklase ko or school mate.

Pumasok na kami sa aming room at umupo, namangha ako sa aking nakita syempre dalawang aircon at isang eboard hindi na ordinaryong blackboard ang makikita ko kundi eboard na, hay nakalimutan kong madala ng jacket nako siguradong malamig to mamaya, marami nang mga estudyante ang nag si - datingan at nag siingay ang mga kapwa kong estudyante yung iba sa kanila nag kwekwentuhan siguro sa tagal ng kanilang di pagkikita, samantalang ako tahimik lang saaking upuan at nag oobserve sa kanila, sinu kaya sa kanila magiging kabarkada ko? Tinignan ko naman yung mga nasa harap ko na maiingay at nag tatawanan ang hahyper nilang tignan, pero totoo ba silang kaibigan? Sunod ko namang tinignan ang isa pang grupo pinagmasdan ko sila medyo tahimik naman sila at parang sa tingin ko boring kasama.

Habang nag oobserba sa kanila ay tumingin ako sa aking katabing upuan, ito yung babaeng nakita ko na nakatambay sa may pintuan, kinausap ko sya at nag pakilala kahit nahihiya pa ako, kinalabit ko naman sya at nginitian "Hi bago ka lang din ba dito?"
Tumingin naman to sakin at ngumiti rin "Ah Oo eh" mahina nyang sabi na medyo na awk-awkwardan "kaya naman pala, Ako nga pala si Mikael Claire Icalabis" ngumiti ako pagkakasabi ko ng ganon "Ah ako naman si Audrey Mae Santos, nice to meet you Mikael" ngumiti rin sya.

Sa kalagitnaan ng aming pagpapakilala sa isa't isa ay may dumating na dalawang lalaking teacher, yung isa parang hindi gaano lalaki kung kumilos at yung isa naman ay lalaking lalaki talaga, inaayos nila yung sa eboard kasi gagamitin.

Habang nag aayos sila may isang naka agaw ng aking pansin, isang lalaking mukhang barumbado, nagkasalubong ang aming mga mata sandali at lumingon naman sya sa iba 'hmmm badboy ang pormahan ah parang bet ko'to" sabi ko sa aking isip at bigla akong napangiti ng pasimple, at bumalik ule ang tingin ko sa eboard, baka isipin pa nila nababaliw na ako dahil pa bigla bigla nalang ako ngumi ngiti 'ano kayang pangalan nya?' Tanung ko sa aking utak hays malalaman ko naman yun eh.

Unrequited LoveWhere stories live. Discover now