Chapter 1

8 1 1
                                        

Paglabas ko sa trabaho nagpunta ako sa isang mall malapit lang sa office. Maghahanap ako ng pang regalo para sa anak ng aking kaibigan. Nagtungo ako sa children's section. Habang namimili ako ng damit may isang lalaki akong kasabay na tumitingin. Pili lang kami ng pili hanggang sa iisang damit ang pareho pala naming hinihila.

''Ah sige miss sayo na.'' sabi nya sabay bitiw sa hawak nya.

Nagkatinginan kami.

''Uy Shane ikaw pala.''

''Ricky? Hindi kita napansin, kamusta?'' Tanong ko sa kanya.

''Okay lang, naghahanap ng pang regalo para sa anak ni Mae. Ikaw musta ka na?''

''Ok lang din. Pareho pala tayo, naghahanap din ako ng pang regalo para sa anak ni Mae.'' Sagot ko sa kanya.

''Anong balita sayo? Gumaganda ka yata ngayon ah?!'' Pambobola nya.

''Bolero ka pa rin hanggang ngayon.'' Sabay kaming natawa. ''Wala namang bagong balita. Same same pa rin.''

''Sino palang kasama mo?''

''Ako lang, ikaw ba may kasama ka?''

''Wala, ako lang din mag-isa. May pupuntahan ka pa ba after dito?''

''Wala na, ito lang talaga sadya ko dito.'' sabay angat ko sa damit na napili ko.

''Ganun ba, pwede ba kitang yayain kumain muna bago tayo umuwi?''

''Hmmm.. sige maaga pa naman.'' tinignan ko ang aking relo, 6.30pm pa lang.

Naghanap muna siya ng pang reregalo nya. Nang makahanap na rin siya sabay kaming nagbayad sa counter at nagpa-gift wrap.

Kumain kami sa isang Korean restaurant. Mahilig din pala syang kumain sa mga ganto.

Nag-order na kami ng pagkain. Nagkuwentuhan muna kami habang naghihintay.

''Saan ka nagtatrabaho ngayon Shane?'' tanong nya.

''Sa MN Company ako, ikaw ba saan ka ngayon? Balita ko big time ka na ngayon ah'' panunukso ko sa kanya.

''Hindi naman, sa Power Company ako ngayon. Medyo mas ok to compare sa dati ko. Nakakapag-ipon kahit papano.'' sagot nya.

''Oh pwede ka na palang mag-asawa Ricky.'' Tukso ko sa kanya. ''Kamusta pala kayo ni Jhen, kamusta na sya?'' Tanong ko sa girlfriend nya.

Nag-iba ang mukha nya. Halong lungkot at sakit ang makikita sa kanyang mukha.

Saktong dumating din ang order naming pagkain. Nagsimula na kaming kumain.

''Ok naman si Jhen, masaya na sya.'' Panimula nya.

''4 months na kaming break.'' malungkot nyang sabi. ''Meron na rin syang boyfriend ngayon.''

''Sorry, hindi ko alam.'' Paumanhin ko.

Hindi ko alam na wala na pala sila. Naging busy din ako sa trabaho at buhay ko lately kaya wala akong time makipag kamustahan sa mga classmate namin at mga kaibigan ko.

''Ok lang yun ano ka ba?!'' pilit ang kanyang ngiti. ''E ikaw ba may boyfriend ka na ba?''

''Ah ...''

''Shane! Ricky! Andyan pala kayo.'' biglang sulpot ni Kiko, classmate din namin. Hindi ko na natuloy ang sagot ko kay Ricky.

''Oh pare, kamusta?'' tumayo si Ricky at tinapik si Kiko. ''Nakita kong bumibili sa department store si Shane kanina, ayun niyaya kong mag dinner. Halika upo ka na dito, samahan mo kami.'' umupo si Kiko sa tabi ni Ricky

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 05, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Right Person At The Wrong TimeStories to obsess over. Discover now