Natapos na akong kumain nang maka-receive naman ng tawag galing sa kanya. Nakakunot-noong sinagot ko iyon.

“Hello?”

“Um… hi?”

Naglakad ako palabas ng bahay at nagpasyang tumambay sa garden. Umupo ako sa isang upuan doon bago ko siya sinagot.

“Yes? Napatawag ka?” tanong ko.

“Uh, wala lang. Hindi ka na kasi nag-reply.”

Napakurap ako. “Oh. Sorry. I didn’t know you were waiting for my reply. Wala na kasi akong sasabihin. Um… ikaw? Baka may gusto kang sabihin kaya ka tumawag?”

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya mula sa kabilang linya. Napakunot-noo ako nang maramdaman kong parang naghe-hesitate siya sa kung ano man ang gusto niyang sabihin.

“Um… k-kasi…”

“Yes?” I asked, urging him to continue.

“I want to date you!” sigaw niya. “There. I said it.”

Napakurap ako. Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa sigaw niyang iyon. Nang mag-sink in naman sa utak ko ang sinabi niya, hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin ko.

I can’t believe he wanted to date me. Is this for real?

“Um… h-huh? You want to date me?”

“Y-Yes.”

I cleared my throat. “But why? I mean, nakakagulat naman na biglang gusto mo akong i-date. Is there a specific reason?”

“Isn’t it obvious? I… I like you. And if possible, I want to court you.”

Nagulat ako sa kanyang sinabi. Sa totoo lang, hindi ko alam ang sasabihin ko. I like Jay, too but as a friend. May iba akong gusto at naalala kong kagabi lang ay nalaman niyang si Angelo iyon.

But even though he knows it, why is he telling me that he likes me and that he wanted to date and court me? Bakit gusto pa niyang ligawan ang isang katulad kong may iba namang mahal? Tanga ba siya?

“You do know that I’m in love with someone else, right?” I asked.

“Yes. But he’s not in love with you, right?”

Ouch. Bakit naman nangri-realtalk ‘to? Masakit ‘yon, ah. Napabuntong-hininga ako at hindi na sumagot dahil alam kong alam na niya ang sagot.

“I want to help you forget about him. I want to divert your attention. Imbes na sa kanya ka mag-focus, bakit hindi na lang sa’kin? Maybe I can help you move on from him.”

Napakunot-noo ako sa kanyang sinabi. Sigurado ba siya sa sinasabi niya? Hindi ba’t parang pagpapakatanga na ang gusto niyang gawin? He knows that I’m in love with someone else. Hindi ba siya aware na pwede ko siyang masaktan sa gusto niyang mangyari?

I sighed. “I’m sorry, Jay, but I refuse to use other people in order for me to move on. I’m sorry but I can’t date you. Hindi ako ganoon. Kung sa’yo okay lang iyon, sa akin hindi.”

Biglang natahimik sa kabilang linya. Kung hindi ko lang naririnig ang paghinga niya, iisipin kong binabaan na niya ako. Marahil ay nag-iisip siya kung ano ang dapat niyang gawin o sabihin.

Ayokong umasa siya sa’kin dahil si Angelo ang gusto ko. At hangga’t siya ang gusto ng puso ko, wala akong balak mag-entertain ng manliligaw.

“Okay. If you don’t want to date me, then I won’t force you. But I’m still going to court you.”

Label: Best FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon