1

8 1 0
                                        

Malia

"Let's all welcome our candidate number three"
Huminga muna ako ng malalim bago lumabas ng stage.
Tandaan mo lang Lia ikaw pinakamaganda dito kaya be confettis ay mali baka condolences? Basta ganun yun

Rampa lang lakad sa kaliwa, ikot, smile.
Lakad ulit sa kanan, ikot and smile.
Sa harap naman, lakad lakad "Aaaayyy"mga audience

Muntik nakong matumba ng makaapak ako ng bato sa stage, nyeta sinong naghagis nito? Tiningnan ko yung mga kalaban ko na nasa gilid ko at alam ko na agad ang salarin.
Perpetua Di Mahalay, kahit kailan insecurities talaga sakin yang babaeng yan. At ang gaga ngisi ngisi pa kala niya naman kinaganda niya, mukha kang asong ulol.
Gusto ko sana siyang pekyuhan kaso nasa stage pako mamaya nalang.

Humarap ulit ako sa mga audience at judges at ngumiti, ang puti kaya ng ngipin ko.
Nakatanggap pa ako ng mura ng nanay ko nung nakita niyang ubos na yung isang sachet na Close Up, so sinabihan ko siya na "Doncha worry Momsie kapag nadiscover ako ng Close Up, bibigyan ko kayo ng isang baldeng toothpaste at kapag wala na tayong ulam pwede natin yung ulamin" alam niyo ano ginawa ng Nanay ko? Sinapok niya lang naman ako buti nalang andun yung pretty kung kakambal pinagtanggol ako.

Nag full smile paako kita na nga yung gilagid ko sa sobrang ngiti ko, bagay na kami ni Suga, siya yung Gilagid King at ako naman yung Gilagid Queen Perpek.
Dyosa ka talaga Liang Maganda

At ngayon Introduction yourself na,
Prinaktisan ko pa tong introduction ko kaya alam ko na akin ang pinaka maganda, nagpatulong kasi ako sa mga friends ko sa Fb nag post ako ng

'Tulong niyo naman is me mga repa for the searching of Miss Pabebe sa aming baranggay I will introduction myself so help me.
Five likes ko kayo agad😘😘

#help me
#searching Miss Pabebe
#pafame'

Ganyan ang galawang Lia
Galawang famewhore ba.
Andami ngang nag comment tapos may nag comment ding babaeng parang tanga ang sabi 'Hahaha LT san ka galing bundok Miss? Hina ba yung wifi diyan sa inyo?'
Anong connect dun diba? Pero dahil mabait si Liang maganda nireplyan ko nalang na
'Hindi bundok dito saamin Miss it's dagat you know seafoods, and wala kaming wifi naka free data lang ako gusto mo turuan kita?'
Baka kasi hindi niya alam kung paano gumamit ng free data tuturuan ko siya kasi nga Mabait si Liang Maganda.
Alam niyo kung ano yung nireply sakin?
Ganito
'😂😂😂'
Tinanong ko nanay ko kung ano ang ibig sabihin niyan, ang ibig sabihin daw niyan ay 'Dyosa ka Lia' kitams ang ganda ko talaga.

Bago ko sinabi yung introduction ko ay nakita ko yung kakambal ko na nanonood kasama ang mga audience binigyan niya pa ako ng thumbs up kaya ngumiti ako.
Eto na sasabihin ko na ang introduction ko.

"Good evening everybody yeah party party. Standing in the stage the beautiful one that's me of course, My name is Pasencia Malia Bacou-cang 20 year old. And I believe that if you're not from earth ofcourse your an alien. I, thank you" bago ako umikot pinakita ko muna yung special skills ko hana dul set AWRA.
Kayo anong special skills niyo?

Tumalikod na ako at kumembot kembot pa sayang kasi yung mga foam na dinikit ko sa panty ko para naman madagdagan yung puwet ko. Maganda lang kasi ako mga repa may kakulangan din.

Nang makapunta na ako ng gilid ng stage hinanap ko kaagad si Perpetua magtutuos kami ngayon ng gagang yun.

At ang animal nilalandi yung kapatid ko.

At bago pa ma abduct ni Perpetua ang gwapo kong kapatid ay nilapitan ko na sila.

"Layuan mo kapatid ko Perpetua kung ayaw mong iunfollow kita sa twitter" umalis naman siya takot yun mabawasan ng followers hakhak.

Ganda ng tawa ko parang ako lol hakhak.
Btw pakifollow ako sa Twitter @QueenLia ktnxbye.

"Dominador Julian Bacou-cang what is the happenings? Why is that you make go with Perpetua?"

"Pinagsasabi mo ate? Nag aalien language ka nanaman" anong alien language? Nababaliw na ba tong kapatid ko?

"Spokening Dollars me yeah yo" haha beat it.

"Baliw ka na talaga nga pala may sasabihin ako sayo ate pero huwag kang mabibigla ah"

"Tatry ko" malay niyo baka pasabog yung sasabihin niya tapos di ko kayanin at mag bebreakdown ako bigla, tapos sasaluhin ako ni Mr. Right tapos magkakaroon na kami ng Forever tapos--

"Sinugod si ate Ria sa ospital"

"Say whaaaat"
-------
Huwaw hakhakhak😂😂
Hanggang dito lang kaya ng powers ko

Malia (The Shunga Queen) Stories to obsess over. Discover now