Nang matapos kumain ay nagyaya si Sab na bumalik sa
resort para mag-relax bago lumabas ulit to party. Habang
pabalik sa resort ay napansin kong mainit ang braso ni Z, at
parang balisa din siya.
“Lovey, pwede bang akyat muna ako sa room? Kailangan
ko lang magbanyo…” bulong ng nobyo ko nang makarating
kami sa resort. Napansin kong pati ang hininga niya ay
mainit. Parang namumula rin siya.

Nakaalis na siya nang mag-ring ang cellphone sa maliit
na bag na dala ko. Cellphone iyon ni Zaide at mommy niya
ang tumatawag. Sinagot ko agad.

“Hello? Anak? Nag-dinner na ba kayo? Huwag mong kalimutan ang allergy mo sa hipon at alimango anak ha,” bungad ni Tita sa pagaakalang ako si Z.

“Tita? Oh my God, si Chloe po ito. Tita, may allergy si Z sa shellfish?” That’s why hindi siya mapakali pagkatapos naming
kumain. Kaya pala parang may mali sa kanya.

“Chloe? Bakit, anak? May kinain ba siyang seafood?”

“Yes, Tita. Hindi niya sinabi sa ’king may allergy siya.”

“Pasaway talaga iyang nobyo mo, Chloe. May gamot siya
sa bag niya. If he’s vomiting at namamaga ang mukha niya,
painumin mo siya ng dalawa. Tapos let him sleep kasi he’s
going to be dizzy dahil sa gamot.

Huwag ka masyadong
mag-alala. He’s going to be all right.”

Mabilis kong sinundan si Z sa kwarto. Dinatnan ko
siyang mukhang kagagaling lang sa banyo. Namamaga nga
ang mukha at labi niya.
Mabilis kong hinanap ang gamot sa bag niya.

“Drink this. Ano ba naman, Mondejo! Mamamatay ka na,
hindi mo pa sinasabi sa ’kin.” Naiyak ako sa kaba sa kanya.
He took the meds as instructed.

“I’m sorry, lovey. Pinag-alala kita. I’m going to be fine,” anito at nahiga na. “I’m
going to sleep, lovey. I’m sorry.” Pinisil niya ang kamay ko
bago siya tuluyang makatulog.

Pinahid ko ang luha ko at kumuha ng maliit na towel sa
bag niya. Binasa ko ’to sa banyo at pinunasan siya. Kahit
hirap dahil mabigat siya, nagawa ko namang palitan ang
t-shirt na suot niya.

Iniwan ko siya saglit para sabihin kina Elle na hindi kami
makakasama dahil sa sitwasyon ni Z. Naintindihan naman
ako ng mga ito.

Nagbihis ako ng pajamas saka bumalik sa kwarto niya.
Isasara ko na sana ang pinto nang humarang si Ethan.

“Don’t do anything stupid, Chloe,” anito saka umalis.

Problema ng lalaking ’yon? Ni-lock ko na ang pinto at
umupo sa tabi ni Z.

Naalala ko ang sabi ni Tita kanina, na malamang hindi
lang ako matanggihan ni Z kaya kumain siya ng bawal.

Mahal daw kasi ako ni Z. Hindi ko namalayang nakatulog
ako sa tabi niya na yakap-yakap siya. Namulat na lang ako
at sinalubong ng ngiti niya.

“Good morning, lovey.”
Hinawakan ko ang mukha niya.

“Magaling ka na ba?” Sinipat-sipat ko pati tenga niya. Binanat ko rin ang namagang labi niya kagabi. Mukhang magaling na nga siya.

Tinampal ko nang mahina ang noo niya saka bumangon.

“’Wag mo akong ginugulat nang gano’n, Mondejo! Sa susunod kung alam mong bawal sa ’yo, bawal.” Napakamot naman ito sa ulo. “Shhhhhh! Ala-singko pa
lang. Tulog pa ang mga kaibigan mo, pati ibang guest,”
saway niya sa akin.

Tinap niya ang gilid ng kama.
Lumapit naman ako, pero medyo nag-aalanganin.

“Silly, I will never take advantage of you.” Umupo ako sa tabi niya.

“I’m sorry, lovey. Pinag-alala kita. Ayoko lang tumanggi kagabi dahil inaasikaso mo ako. Tapos napaka-asikaso pa sa ’yo ni Ethan…”

“Pero kahit na, next time you have to tell me lalo na kung
kalusugan mo ang nakataya. Saka gano’n lang talaga si
Ethan. Best friend ko siya kaya huwag mo na lang lagyan
ng malisya ang pag-aalaga niya sa akin.”

Niyaya niya akong maglakad sa beach. I put on his hoodie on top of my pj’s, and we went out into the cold early morning.

Thankfully, a coffeeshop was already open, at binili niya ako ng favorite kong cappuccino.

How did he always know what I wanted? Doon niya na sinabing inalam niya talaga lahat ng favorite kong pagkain through my IG.

“I wanted to make you happy, at alam ko na bukod sa family mo, pagkain ang pinaka-nagpapasaya sa ’yo.”
What a sweet way to say na matakaw ako.

Bumalik na kami sa resort. Nagtaka ako nang maabutan
si Ethan sa labas ng room ni Zaide na parang hindi sigurado
kung kakatok or hindi.

“Hoy, best, good morning. Anong ginagawa mo d’yan?”
Gulat na napatingin ito sa amin.

“Ah, kasi ano… Kumusta ka na, Mondejo?”

“Okay na ako, p’re. Magaling ang nurse ko e,” sagot ni Z sabay akbay sa akin.

“Good. Sige mauna na ako sa inyo sa baba. Maglalakad-
lakad lang.” Tulog pa sina Elle and Sab after their long nightout.

Kaya pagkatapos mag-shower ay nauna na kami ni Z sa breakfast buffet.

“Sorry, lovey, hindi ka tuloy nakapag-enjoy kagabi dahil
sa ’kin,” sabi ni Z.

“You know what, love, mas dapat ako mag-thank you sa ’yo. Kasi kung hindi nasa kwarto sana ako ngayon at tulog kagaya no’ng dalawa.”

Pagkatapos ng breakfast ay lumabas kami ni Z para
mamasyal sa D’Mall, ang shopping mall ng Boracay.
Sinubukan namin ang go-kart at bumisita sa isang maliit
na theme park ng isla. Pati sa Happy Dreamland Boracay
at Trickart Museum. You could see families enjoying themsevles—kids and adults alike having fun.

Nang mga sumunod na araw ay sama-sama kaming nag
island-hopping at nag-water activities. Na-enjoy ko lahat
dahil kasama ko ang mga kaibigan ko at lalo na ang lalaking mahal ko.

Boracay was truly a paradise na dapat ay pangalagaan para sa mga susunod pang generation. Tama si Mommy, crowded na masyado ang isla lalo na ng mga hotels. Sana ay huwag na nilang sirain pa ang natitirang natural na ganda nito.

Bago umalis ay dumalaw kami ni Z sa adoptive parents ng mommy ko na nakatira sa island. Sila ang kumupkop at nagpalaki sa mommy ko, at parang tunay na apo ang turing nila sa akin. Naging magiliw din sila kay Z na ipinakilala ko bilang nobyo.

After the well-deserved vacation ay bumalik na kami para harapin ang mga responsibilities namin. Ako ay magtratrabaho na sa kompanya namin at gano’n din si Z.

I was glad na maayos ang lahat sa buhay ko at thankful ako sa
blessings na natatangap ko.
Pagdating galing airport ay pagod na pagod ako.

Pagkatapos mag-shower ay mabilis akong nahiga dahil past midnight na. Bago ko mamalayan ay mahimbing na akong natutulog…


“Chloe Alexandria, do you take Ethan Angelo to be your
lawfully wedded husband, to have and to hold, from this day
forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do you part?

“Ethan?! Anong nangyayari?
Hindi kita mahal. Si Z ang
mahal ko.”

“No, Chloe, ako na ang asawa mo.”

“No! No! Z! Z! Nasaan ka?
Mondejo! Please, nasaan ka.”

Itutuloy....

A Beautiful DISASTER (Published by POP FICTION) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora