CHAPTER 7: Wag naman Sana
ALYJA’S POV
Hello sa inyo. Kilala niyo na ba ko? Well.. kung hindi pa, magpapakilala na me. Im ALYJA CYNDRUTH WILSON. 17 years old. Incoming Senior High. Blanche Colleene Eisler and Jorgelyn Clancy Arison are my bestfriends. NBSB ako katulad ni Jorgelyn. Pero napakarami kong crush. Mwehehehe. Okay na siguro yan noh? Hehe
Kakaalis lang sa bahay ni Colleene. 5pm na din. At alam niyo ba na kagabi pa ko namomoblema sa kanya!π_π Kagabi pa ko di mapanatag dahil dun sa kwinento niya. Kahit di niya aminin sakin, malakas na tama niya kay.. ano nga pala pangalan ni cute guy? Nakalimutan kong itanong lintyak! Basta si Cute guy. Lately kasi parang walang ibang nakikitang gwapo toh si Colleene eh. Eh dati pag nakakakita ng gwapo yan, 20-15 ang na s-spot na pogi eh kada isang araw tas ngayon wala na. Siguro type niya nga lang talaga si Cute guy. Masyado pa naman kasing maaga para sabihin niyang mahal niya na. Pero di malabong ma inlove siya kay Cute guy noh. Napaka gwapo niya as in. Kung nakita niyo lang siya baka sabihin niyong perfect siya. Grabe kasi promise! Kung titignan niyo parehas si Colleene at si Cute guy parehas silang perfect. Walang maipintas sa kanila. Kaso si Colleene kasi medyo sablay sa ugali xD Bipolar yung impaktang yun eh  ̄ε  ̄ pero kahit ganun yun love na love ko yun. Ayieeee ﹋o﹋ Lol XD
Feeling ko talaga ma i-inlove si Colleene kay Cute guy. Ilang years na din naman na nakalipas simula nung lokohin siya pero parang ang sakit parin sa side niya. Sino ba naman matutuwa na yung boyfriend mo eh makipag halikan dun sa ex niya? Hayss.. Kung tutuusin napaka swerte ni Terrance kay Colleene eh. First boyfriend ni Colleene si Terrance kaya lahat lahat talaga binigay niya. Nawalan na nga siya nun ng time sa studies kaya yung pagiging Top one niya naging Top three na lang. Nung nag break sila, grabe talaga. Awang awa ako kay Colleene. Everynight tatawag sakin yun hagulgol. Minsan nga pag dadalawin ko yun madadatnan ko na lang sa kwarto niya na tulala. Di rin siya nun naglalabas ng bahay. At higit sa lahat, nagbago talaga siya ng sobra. Good girl gone Bad kumbaga.
Pero kung sakin okay lang na mag mahal ulit si Colleene. Wala namang masama pag nagmahal right? Wag nga lang sobrang sobra. Kahit naman sa gamot at pagkain eh, pag sobra nakakasama. As her bestfriend ayoko na makita ulit siyang masaktan. Pero mas lalo naman na ayokong makita siyang matandang single. Duhh!! Pero grabe playgirl na yan si Colleene simula nung maka move on kay Terrance eh. Sa isang araw lima nagiging boyfriend. Hahaha! Meron pa nga one time na talagang tawang tawa ako sa ginawa ni Colleene eh.
×FLASHBACK×
Lunchbreak na. Papunta kami ni Colleene sa Canteen nang may biglang humatak kay Colleene at sabay hawak sa bewang. At eto namang impaktang toh walang reaksyon. Bigla namang nag salita yung panget na lalaki.
“Hi Colleene! Can you be my girlfriend?” sabi ni panget. Bigla namang pumalibot samin yung mga tao.
“Sure no problem!” sagot ni Colleene na kinagulat ko. Ewww! Ganyan na ba ang taste niya sa lalaki?! Gross!! Magsasalita na sana ko kaso naunahan ako ni Colleene.
“Break na tayo.” sabihin ni Colleene in a cold way.
“Huh? Ambilis naman ata?”
“Dun din naman mapupunta yun. Mag be-break at mag be-break din tayo.”
“Paano mo naman nasabi?”
“Bulag ka ba or tanga? Di mo ba nakikita na masyado akong maganda para maging girlfriend mo at masyado kang panget para maging boyfriend ko?”
“Anong----”
“Can you stop shouting?! Damn it! Its annoying!! Naging girlfriemd mo na ko kaya wag ka ng mag inaso dyan.”
YOU ARE READING
MY DESULTORY VACATION!
Teen Fictionⓒ2014 by MikkaDiano This is a work of fiction. Names, characters, business, places, and events are product of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, is purely coincidental. Please do not redistribute in any for...
