Kabanata 1

145 5 0
                                    

[Simula]

Taong 1893

"Magandang umaga, Binibining Victoria. Nais po ng iyong ama na sumabay kayong kumain kasalo ang mga kapatid mo." Ani nang aking tagapagsilbi. Napaayos ako ng damit, at sumunod sa kanya pababa mula sa aking kwarto. Naabutan ko sila Ama at Ina kasama ang aking mga kapatid na nakaupo sa lamesa.


"Umupo ka na, upang makapagsimula na tayo. Gregorio, ikaw ang magsimula ng dasal." Sabi ni ama na si Don Maximo inintay muna ako ni Kuya Gregorio na maupo bago siya nagsimula magdasal. Nang matapos magdasal, ay nagsimula na kaming kumain.


"Sumama ka sa akin mamaya Gregorio pagpunta sa bahay nila Don Procopio. Dahil mahalaga daw ang aming paguusapan." Sabi ni Ama, sabay tingin kay Kuya Gregorio. Halos walong taon ang tanda sakin ni Kuya Gregorio. Isa siyang tapat at mabuting heneral dito sa bayan ng San Agustin. Halos lahat ng tao dito samin ay tinitingala siya, lalo na si Ama na isang alkalde dito sa amin. Habang si Don Procopio naman ay isang bise alkalde dito sa amin.


"Vicente, nabalitaan ko na ilalabas mo daw si Divina mamaya. Magiingat kayo sa labas, lalo na si Divina ingatan mo siya. Dapat ay wala pang ala-singko ay maiuwi mo na siya sa kanilang bahay." Sabi ni ama sabay tingin kay Kuya Vicente. Siya naman ay natuluyan maging doktor. Magkasabay silang pinanganak ni Kuya Gregorio ngunit di sila magkamukha.

"Ikaw naman Rosario, kung sasama ka sa iyong Tiya Remedios sa padasal sa simbahan ay sumama ka. Magtatampo sa iyo ang Tiya Remedios mo pag di ka sumama." Ani niya sabay tingin kay Ate Rosario. Si Tiya Remedios ay kapatid ni Ama na mas nakakatanda sa kanya ng tatlong taon. Natingin lang siya kay ama sabay ngiti ng matipid. Siya ang sumunod sa dalawa. Dalawang taon ang agwat niya doon.


"Conchita, napagalaman kong di ka lalabas ng bahay ngayong araw. Samahan mo na lang ang bunsong kapatid mo na pupunta sa plaza. Ala singko ng hapon ay dapat andito na kayo. Hindi maari na pagala gala kayo diyan sa labas, lalo na babae kayo." Sabi ni ama sabay tingin kay Ate Conchita at sa akin. Dalawang taon lang din ang agwat niya sa tatlo. Habang ako ay tumatlo. Nasabi ko pala kay Ama na pupunta ako sa plaza, para kitain si Felicidad na nakauwi na galing Europa makalipas ang ilang buwan na pamamalagi niya doon. Kaming mga babae na anak ni ama ay dito lang sa bahay. Dahil sa panahon na ito, ay nasa bahay lang ang mga babae at mga lalaki ang nagtatrabaho. Ganoon din si Ina na namamalagi lang sa bahay.


Pagkatapos kumain ay sumakay agad si Kuya Gregorio at si Ama sa kalesa at umalis na. Sumunod din sa kanya si Ate Remedios at Kuya Gregorio sa magkahiwalay na kalesa. Pumanik sa taas si Ate Conchita dahil aayusin lang daw niya ang sarili niya. Habang ako, ay namalagi muna sa hardin at pinagmamasdan ang mga bulaklak na nakatayo doon.


Hindi ko matanggal sa isip ko kung ano kaya ang nagbago kay Felicidad ngayon. Siguro siya ay lalong pumayat o tumaba. O baka nakahanap na siya ng nobyo sa Europa, at baka ang ikwento niya sakin ngayong paguwi niya ay ang pagiisang dibdib nila. Di ko naman maiwasan na mapangiti sa aking iniisip, di naman imposible dahil maganda si Felicidad. Balingkinitan ang kanyang pangangatawan, porselanas na kutis, may kataasan din siya, sabay mo pa ang kanyang mahabang buhok at ang balat niya sa kanyang daliri. Walang duda na walang magkagusto sa kanya na lalaki na tiga Europa.


Nang makapagayos na ko sa akin sarili ay umalis na kami ni Ate Conchita. Maayos din ang pananamit niya. Ganon din naman ako. Sinuot ko ang kwintas na binigay ni Ama noong nakaraang kaarawan ko. Bumaba kami sa daungan ng barko. At inintay makababa ang si Felicidad. Nang mahagip ko siya ay lumapit agad siya sakin. Walang ano-ano ay niyakap niya ako ng mahigpit, ganon din ako.


Victoria Bonifacio [JoshLia- Ongoing] Where stories live. Discover now