Chapter 8.1- thankyou sunget (the continuation)

2.2K 52 3
                                    

a/n: wohoo!! ngayon lang nagkaroon nang net :D  

babawi talaga ako promise :') 

--

(ranz's POV)

mag o-one hour na kami dito ni nerd at wala pading rescue.. gusto ko na umalis dito ang init kasi e..

mapagtripan nga muna 'to >:D

"pstt!" sabi ko na nakakatakot

"s-s-sunget? narinig mo y-yun?" natatakot niyang sabi.. 

akala ko matapang sa totoo pala duwag.. 

di ko siya sinagot at inulit ko ang pagtakot sakanya..

"pssst!" >:D

"Waaaah!!" sabay yakap sakin na umiiyak.. takot na takot talaga siya.. 

wag ko na ngang takutin baka mananching pa to e..

(bea's POV)

"pssst!"

"waaaah!" di ko na mapigilan dahil sa takot at napayakap ako kay sunget 

okay lang mapahiya lahi ko natatakot na talaga ako e..

"sssh..andito lang ako" at niyakap niya ako

dug..dug..dug..

bumilis bigla ang puso ko kaya tumigil ako sa pagkaiyak at humiwalay sa pagkakayakap

"Nanananching ka no?!!" sabi ko sakanya

"Ikaw nga una yumakap dyan e! ako pa nanananching?!!" parang namula ako sa sinabi niya buti na lang madilim at di niya nakikita mukha ko..

"hmp!" at nilagay ko ang braso ko sa tuhod ko para makatulog at maghintay ng rescue naramdaman ko na nagdudugo pa din ang sugat ko TT-TT UWAAHH..

(ranz's POV)

binuksan ko yung phone ko at inilawan si nerd.. nakita kong natutulog siya kaya natulog na din ako..

-after 2 hours-

may naririnig akong bumubukas na ang pinto ng elevator kaya dumilat ako..

at bumubukas na nga at may onting liwanag na pumapasok kaya di na masyadong madilim.. 

kaya tinulungan ko yung mga tao sa labas upang mabuksan na kami dito..

pagkabukas ng pinto..

"sir sir.. ayos lang po ba kayo?"

"oo" walang gana kong sabi... hayy ang init kaya!

"eh yung kasama mo tignan mo oh!!" at tinignan ko si nerd.. 

nakita kong may sugat siya sa binti at dumudugo pa din.. 

kaya ginising ko siya

"nerd? este bea.. bea.. huy gising na" sabat poke sa braso at nagising naman siya

"tara na! at umalis na tayo dito gamutin muna natin yang sugat mo" sabay turo sa sugat niya..

at tumayo na ako.. napansin kong hirap siya tumayo kaya binuhat ko na siya baka matagalan pa  

kami..

"u-uy bitawan mo ko!!"

"dami pang satsat nahirapan ka na ngang tumayo maglakad pa kaya?!?!"

kaya di na siya nagsalita at pinunta ko siya sa condo ko..

(Bea's POV)

Nakita kong papunta na kami sa condo ni sunget.. pagpasok namin inupo niya ako sa kama.

"teka lang ha.. kukunin ko lang yung first aid kit"

"sige"

Ilang saglit lang bumalik na siya na may hawak na first aid kit.. 

at lumuhod sa harap ko at kumuha ng bulak at nilagyan ng betadyne.. 

at ipinunas sa sugat ko..

"san galing yan sugat mo?" concern ba siya? weh?

"n-nadapa lang" nahihiya kong sagot

"tanda tanda mo na nadadapa ka pa" nilalagyan niya na ng band-aid ang sugat ko.. sunget parin..

"sa susunod mag-inggat ka kase!" dagdag pa niya, infairness masunget pa din siya D:

"thankyou sunget este ranz" sabi ko na nahihiya

"ok" amf, sunget tlaga..... D:

at lumabas na ako sa condo niya.. 

-- 

a/n: kinilig ba kayo? :'')

VOTE AND COMMENT!! :***

MWA..

LOVELOTS!! bea <3

Mr. sunget + Ms. Nerd= love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon