"Oh bakit?"

"Chill gurl. Lets hangout! 10pm sharp, The Palace Club. See yah!"

Takte di man lang hinintay yung approval ko neto ni Gi. It means kailangan ko talaga pumunta.

Sabagay ilang araw na din ako nabubulok dito sa kwarto na to.

Gusto ko naman makalanghap ng polluted air.

Tamang tama lang sa pagiinarte ko.

******

Its quarter to 10PM at nakaayos na ko para sa pupuntahan ko maya maya. Hinihintay ko na lang na may mauna sakanila para hindi ako yung maghihintay sakanila kaya naman umupo muna ko sa sofa.

Nagscroll lang ako ng mga feeds sa ig. Ngayon lang ako nakapagsurf ng net simula kanina and dapat siguro hindi ko muna ginawa yun ngayon.

(insert picture of Bea na nakangiti habang nakatingin kay Ej while holding her hands and si Ej naman nakatingin sa camera.)

@_beadel I will prove everyday how much I love you, J.

Hindi ko namalayan na mahigpit na pala ang pagkakahawak ko sa phone ko kaya naman aksidente kong na like yung post ni Bea.

Peste naman yan oh. Bakit ba kasi nakafollow ako sayo?? Bwisit!

Minabuti ko na lang na magdeactivate kesa naman makakita ako ng mga ganung bagay. Hindi sya nakakahealthy.

Nakatanggap na ko ng text kay Gi kaya naman minabuti ko na lumabas ng unit ko.

Bigla ata ako nawalan ng gana sa nakita ko. Bakit ba kasi siya pa? Bakit ba kasi ang malas ko?

Pumasok na ko ng kotse ko at nagdrive ng mabilis papunta sa pagkikitaan namin. Mabilis kong ni-park yung kotse pagkadating na pagkadating ko sa club.

Pagpasok ko ay hindi pa naman ganun ka-hype yung mga tao dito dahil mejo maaga pa naman.

May kumaway banda sa may sulok ng club kaya napatingin ako dun.

Napangiti ako dahil andun na sila Gi, Marge, Jaime, Ana, at Mich.

"Hey there Shawty!" Bati ni Jaime pagkalapit ko kaya naman nagbeso ako isa isa sa kanila.

"Looking good huh?" Napatingin naman ako kay Marge na nasa sulok ng sofa kaya naman tumabi ako sakanya.

"Aba syempre. Kelan ba hindi?"

Pagkasabi kong yun ay lahat sila ay umakto na para bang nilalamig. Mga loka loka talaga.

"Ang hangin bigla no? Ano kaya tropical storm ang kakadating lang?" Tanong ni Mich na halata naman ako ang pinaparinggan. Kaya naman tinaas ko sakanya yung gitnang daliri ko na syang kinatawa nila.

Mejo nasa gitna na kami ng inuman ng magtanong si Marge.

"Hoy oo nga pala! Bat nawala ka nung birthday mo?? Anyare?"

Bigla naman tuloy nagflashback sa isip ko yung mga gabing yun. Napansin siguro nya na mejo natahimik ako kaya nagtanong uli sya.

"Girl okay ka lang?" Tumango na lang ako at nagpaalam na magc-cr.

Pagkapasok ko sa cr ay tumingin ako sa salamin.

Tinignan ko yung kabuuan ng sarili ko.

Yung buhok ko mejo nagulo na pala kaya naman inayos ko ito at muling tinignan ang sarili ko.

YOU DA ONE (JHOBEA FANFIC)Where stories live. Discover now