HARPER'S POV
"Bilisan mo na kasi!!" Pagmamadali sa akin ni Amber. Pababa na kami ng bus.
"Saglit lang kasi! Excited?? Ikaw ba yung mag-o-audition?" Naiiritang sabi ko.
Kinuha ko yung bag at isinukbit ito sa balikat ko. Bumaba kami sa bus na sinakyan namin papunta dito sa Star Mall Alabang. Mag-o-audition kasi ako sa 'Sing It' na sikat na singing contest sa T.V.
Pagbaba ko ay natuwa ako dahil konti pa lang ang naka-pila.
"Hay salamat nakarating din." Sabi ni Amber.
Tumingin ako sa orasan ko 7:49 am pa lang, 9 ang start ng Audition may oras pa ko para magpractice. Kinuha ko yung earphone ko at nakinig ng Audition piece ko.
"Ah sampu na lang aalis na!"
"Papuntang Farmers yan kuya?"
"Oo! Ah Cubao, Cubao, Cubao!!"
"Anak nang,"
"Aray ko!!" Binatukan ako ni Amber. Tinanggal ko yung earphone ko.
"Baliw ka ba!?" Bulyaw niya sakin.
"Bakit na naman!" Reklamo ko sa kanya. Problema na naman nito? tsk.
"Eh pila 'to ng mga pasahero eh! Ano uuwi uli tayo?" Tumingin ako sa mga nakapila.
"Wala na ho, puno na." Sabi ng kundoktor sa babae.
"Ayun yung pila oh!" Tinuro ni Amber yung mga nakapila malapit sa daanan.
"Oo na, tara na." Pumunta kami sa pinaka-dulo ng pila.
Marami na rin ang nakapila. Siguro madaling araw pa lang ay nandito na sila. Kinalabit ko yung babaeng nasa harapan ko at nagtanong.
"Miss? Ito ba yung pila para sa audition ng Sing It?" Tanong ko.
"Opo ito yun. Papasok na po tayo sa loob maya-maya." Sagot niya.
"Ah sige salamat." Lumingon ako kay Amber na palinga-linga sa paligid.
"Ito na daw yung pila." Sabi ko.
"Buti naman." Sagot niya sa akin.
Sinubukan kong hanapin yung unahan ng pila pero hindi ko na ito maaninag sa haba ng pila. Apat na pila na yung ginawa kaya hindi ko alam kung pang ilang row na kami.
"Yung mga nakapila ho, umusog na lang dito sa gilid. Baka ho mabangga kayo ng mga sasakyan diyan sa daan." Sabi ng guard na naka megaphone. "Yung mga guardian ho umalis na sa pila. Iwan niyo na muna po ang mga kasama niyong mag-o-audition para malaman namin kung sino yung mga bibigyan ng Registration form at number nila." Dagdag pa ng guard.
ESTÁS LEYENDO
HARPER
Romance"I love you once, but you broke my heart many times. And then you're here? You love me again? I don't believe you." Harper Vivien Parkinson is a simple girl but a very talented one. She dreamed to be a singer-song writer like Selena Gomez. She tried...
