We've updated our Content Guidelines.
Review the latest guidelines to keep sharing stories safely.

Prologe

27 2 0
                                        

Nasisilaw ako sa liwanag na tumatama saking mukha. Huni ng ibon ang aking naririnig at tila ba nakahiga ako sa lupa na maraming damo.

Di na ako nagaksaya ng oras minulat ko ang aking mga mata. Ngunit napapikit na lamang akong muli. Nasilaw ako sa sinag ng araw. Unti unti kong minulat ang aking mga mata.

Bughaw na kalangitan ang bumungad sa akin mga ibon na lumilipad.

"Nasan ako?" Unang tanong na pumasok sa isip ko. "Bat dito ako natulog" sabay ng unti unting pagbangon ko.

Ginala ko ang aking paningin, walang tao pero puro musiliyo ang nakikita ko, mga pangalan ng nahimlay na tao ang nakikita ko. Mga lantang bulaklak at mga kandilang nalusaw na.

Nasa sementeryo ako? Pero bakit?

Ginala ko ulit ang aking pangin nasa ilalim ako ng puno at nakatayo. Dahan dahan kong binaba ang aking paningin.

Nakaramdam ako ng panghihina, tila ba may malamig na bagay ang meron sa aking likuran ng hina ako sa sobrang kaba ko tibok ng puso ko na lamang ang naririnig ko. Unti unti akong nanghihina kasabay ng pag agos ng mga luha saking mga mata. Umiiyak na pala ako. Puno ng katanungan ang utak ko.

"Hindi! Hindi totoo to!"sigaw sabay Pandalas na tumalikod ako tumakbo ng napaka bilis. Kailangan ko syang makita. Wala nakong ibang naiisip kung di sya. Nagkakamali lamang ang lapidang naroon.

Hindi maari to. Uuwi na ako siguradong nagaalala na sila.

" Babe wait for me" bulong ko habang tinatahak ang kalsada. Panigurdong nasa bahay lang sya at naghihintay sa paguwi ko.

Ano ba talaga ang nangyayari?...






Di ko alam kung paano ako nakarating dito. Kasalukuyan akong nakatingin sa isang bahay 3 palapag at malawak ang bakuran makikita mong alaga ang mga bulaklak na makikita mo sa hardin.

Narito ako sa harap ng bahay ng taong minamahal ko. Dahil bukas naman ang gate pumasok nako.

Nakita ko ang isang matandang babae ngunit di mo maalintana na nay kulubot na ito sa balat halatang alaga ang balat nito.

Agaran kong linapitan ang nasabing babae.

"Hi tita! Si Den po nasaan?" Ngumiti lamang ito sakin at tila nasisiyahan na makita ako.

"Si Den ba kamo, ayon nasa kwarto nyat nagkukulong". Ang sabi nya sakin.

"Sige po tita puntahan ko po muna si den" ngumiti lamang ito sakin sabay tango. Di na ako nag aksaya ng panahon agad akong tumakbo patungo sa kwarto ni Den matagal na kaming hindi nagkikita.

Nasa harapan na ako ng kwarto nya kumatok muna ako sa pinto ng nasabing silid. Ang katok na ako lang ang gumagawa. Kapattern ng sa frozen. Binuksan ko ang pinto, nakita ko ang babaeng pinakamamahal ko. Ang babaeng nagbigay halaga sakin.

Nakasandal sya sa headboard ng higaan nababalutan naman ng kumot ang bandang ibaba ng kanyng katawan. Halatang di pa sya nagsusuklay kasi gulo gulo pa ang buhok nyang hangang balikat. Pero ang nakakapagtaka ang ganda nya pa rin sa paningin ko. Nahuhulog ako lalo.

"Hi Ly! Namimiss na kita" bati nya saakin sabay ngiti. Nahulog na naman ako.

Unti unti akong lumapit sa kanya sabay alis ng buhok na nakatabing sa kanyang mukha. Dyosa talaga girlfriend ko. Di ko mapigilang purihin ang gandang taglay nya.

"Hi babe! I miss you too, i know youre doing so fine" sabay gawad ng halik sa kanyang noo. Sobrang namiss ko ang babaeng ito. Di ko mapigilang pangigilan sya habang yinayakap ko sya. Siniksik ko ang mukha ko sa leeg nya. Inaamoy ko ito ang bango sobra. Dama ko ang bawat pintig ng puso nya at ang paghinga nya ng payapa.

"Babe, i know how much you miss me to." Nakangiting turan nya sa akin. Di pa rin ako umaalis sa pwesto ko. Miss ko lang talaga sya ng sobra.

"Babe, im sure namimiss mo na mag race. Miss ka na din ni avada" alam kong nakangiti pa rin sya habang nagkkwento sakin. I know her, kahit pag hinga nya kabisado ko.

"I miss racing but i miss you more babe!" Bulong ko sa leeg nya alam kong nakikiliti ko sya sa ginagawa kong ito.

Suddenly naramdaman ko na lang ang pagtaas bababa ng kanyang balikat, ang kanyang mahihinang hikbi. Inilayo ko sya sakin tsaka pinunasan ang mga luhang dahan dahang umaagas sa kanyang mga mata. Dama ko kung gaano nya ako namimiss. Alam kong sobra na syang nasasaktan. Pagkatapos ay hinila ko ulit sya upang sumiksik sa aking leeg.

"Babe! Its gonna be fine!" Binubulong ko sa kanya habang pinapatahan sya.

Di ko alam kung paano ko sya patatahanin. Pero umaasa akong nararamdaman nya kung gaano rin ako nasasaktan at kung gaano ko sya namimiss, maging ang aking pagmamahal.

Di ko na namalayan na unti unti na palang umaagos ang aking mga luha habang yakap ko sya. Nagsimula nang maging malabo ang aking paningin.

"I wish i could go back babe" mahinang asal ko habang yakap pa rin sya at nakatingala upang maiwasan ang tuluyang pag iyak ko.

Art of Letting GoStories to obsess over. Discover now