First

18 3 0
                                        

"I'm Stephen Wey Saavedra." sabi ko sayo nung una kitang makilala. It was a great privileged for me to meet you. At kahit hindi mo na ipakilala ang sarili mo kilala na kita. Your name was already engraved in my heart, Kash Margoux Quiñones.

Tinatawag kitang ate at tawag mo naman sakin ay babybunso. Ang baduy, diba? Alam 'kong iniinis mo lang naman ako. Kasi sabi mo pa nga, "Ang cute cute mo talaga, babybu- este, Wey."

Naalala ko ang araw na sumali tayo sa audition ng Glee Club daw kuno ng school. Syempre, isa-isa tayong pinakanta. Nagulat ako kasi ang lamig ng boses mo. Yung tipong nagpapatindig ng balahibo, yung grabehang kulot sa dulo, at yung nagpapaindak ng puso? ganun ka eh. Ang akala ko pa nga trip mo lang talagang sumali sa audition. Sa pagkakataong yun, sabay tayong naging myembro ng Glee Club.

Naalala ko rin yung panahon ng Election of Supreme Student Government. Tumakbo ka bilang Secretary at ako naman ay Grade 8 representative. Grade 10 ka nun, tama? Syempre, nanalo ka bilang Sexytary daw at nanalo naman ako bilang Grade 8 representative. Alam mo yung sobrang nakakatuwa? Kasi every meeting nagkikita tayo. Eh, Bakit ba? Gusto kitang makita eh.
Nagpapasalamat talaga ako sa mga kapwa ko grade 8 students, dahil binoto nila ako't nanalo.

Kaya halos araw-araw ay nagkikita tayo. From rehearsal sa Glee Club to Meeting ng SSG Officers, every day.

Naalala ko din, no'ng isang araw habang naglalakad tayo palabas ng school kasama natin lahat ng SSG Officers, may humarang sa ating mga batang nagpapalimos. Since saturday yun, at katatapos lang nating mag meeting para sa up coming event ng school, lumabas tayo para mag lunch. Eh ito ka, dinala mo yung mga batang namamalimos para sumabay sating kumain. Mga 12 ata sila. At do'n kami natuwa sa iyo, especially ako. Nakakataba ng puso, noh? Ang bait-bait mo. At pagkatapos no'n, binigyan mo pa ng pera yung mga bata. Sabi mo pa nga, "Sorry mga chikitings ha? Hindi sapat yung pera para sa inyo. Kapos eh." sinabi mo yun nang nakangiti. Mabilis na tumango-tango ang mga bata na waring hindi nila inaasahan na may ibibigay ka pa sa kanila. Nakita ko ang saya sa mga mata mo na alam kong hindi mo pinagsisihan kung gaano man kalaking pera ang nagastos mo para sa kanila. Natutuwa ako dahil nakita ko ang isa sa mga ugali mo. Alam mo, hindi lang ikaw ang masaya no'ng araw na yun. Dahil pati ako, mga kapwa mo SSG officers, at yung mga bata ay napasaya mo.

During School Feast, sobrang busy natin no'n. As SSG officers, nakakalito dahil palibot-libot tayo ng school no'n. Para mag-obserba sa mga estudyante, magcheck ng mga participants, pagbisita sa medical team, at pagrereport ng mga problema sa faculty room. Wala kang sports no'n dahil hindi ka naman sporty, samantalang ako'y napasok sa Volleyball Team pati si kuya Clev na President ng SSG at si kuya Dens na Public Information Officer ng SSG. Nakakatuwa kasi todo cheer ka, binigyan mo rin kami ng face towel, tapos naging water girl ka namin no'n. Habang naglalaro biglang nahilo si kuya Clev, tapos nakita kung paano ka mag-alala sa kanya no'n. Di'ba dumaan ka lang naman no'n para mag-cheer? Hahaha, kasi yung totoo pupunta ka pa sa faculty room para mag-report ng problema. Pero pinili mong manatili para matulungan si kuya Clev. Oo na nga, nagseselos nga ako. Again, natuwa ako sa pinakita mong kabutihan. Hindi mo talaga iniwan si kuya Clev para lang sa mga duty mo as a secretary, you stayed because you're a true friend.

Nagkagusto ako sa'yo no'ng grade 7 palang ako at grade 9 ka naman. Nakakatuwa kasi lahat ng freshmen kinakausap mo kung kaya't naging kumportable kami sa'yo. Nakakahiya sa tuwing kinakausap mo ako. Kaya no'ng sumunod na taon, hindi na ako nag-abala pang kausapin ka. Nagsimula nga no'ng Election of SSG Officers. No'ng araw na nagkikita tayong mga officers para planuhin ang kauna-unahang event ng school, dinaanan niyo ako sa bahay para sabay na tayong lahat pumunta ng school. Ang saya kasi hindi muna tayo pinaalis ni Mommy. Sabay-sabay pa tayong nananghalian sa bahay. Bago tayo umalis, naghugas ka pa ng pinggan, nagwalis ng sahig, tinapon yung basura, at pinunasan yung lamesa. Natuwa si Mommy sa'yo sabi niya pa, "Anong pangalan niya, Wey? Napakabait na babae. Sana ganyang-ganya din yung mamahalin mo ha?" sinabi niya yun tapos nanukso pa, bagay daw tayong dalawa.

Isang pagkakataon ulit, nagkita tayo sa canteen tapos tinawag mo ako para kumain. Nagkwentuhan tayo hanggang sa naabutan tayo ng time. Andami kong nalaman sa'yo; wala ka na palang papa, gusto mo maging nurse, favorite mo yung violet, tapos love mo si barney, favorite mong author si Michael Faudet, favorite mo lahat ng street food, crush mo si Iñigo Pascual, gusto mo ng rabbit, favorite mo yung lansones, gusto mo ng kalabasa, mas gusto mo yung sprite kesa sa coke, gusto mo ng cheese, favorite mo lahat ng coffee flavor kasi coffee lover ka, mocha yung flavor ng favorite cake mo, at ito yung mas masaklap MAS MATANGKAD AKO SAYO! Psh, hahahahaha. Sinabi ko rin naman lahat ng gusto ko, maliban sa: gusto kita, ate Kash. Tapos alam mo yung nakakatuwa, pareho tayong gustong magka-concert.

Naalala mo yung pagkatapos nating kumanta during Intrams, may mag-asawang Cortez ang lumapit sa'tin. Nag-offer sila ng contract sa  Euphony Company. They even offered a full scholarship and immense amount of money; and they swore that we'll have our recording for our  first album. It was a great opportunity. Then we accepted their offer.

Napakasayang balikan yung panahong umamin ako sa'yo. Ganito pa nga yun e, "Ate Kash? Hindi mo kasi alam 'to e. Matagal na 'to. Haha, gusto kasi kita." Ang awkward at ang bantot ng pagkakasabi ko. Nagulat ka pa nga. "Wey, sobrang bata mo pa para sa'kin. Pero hindi naman yun ang sukatan eh, gusto din kasi kita." Sabi mo pa. Para akong sasabog sa kilig no'n, kung alam mo lang.

Sobrang saya dahil pati kapwa nating SSG officers alam nila. Tinutukso pa nga tayo eh. At natuwa si Mommy no'ng sinabi ko yun sa kanya.

Gumawa tayo ng napakaraming alaala. Gumala tayo no'ng birthday mo kasama ang mga SSG officers since tinuring natin silang  tropa. Nadapa ka pa no'n, tapos nagalit ka kasi tinawanan kita. Kaya no'ng birthday ko kinuntyaba mo mga tropa natin na tapunan ako ng itlog pagkapasok ko sa SSG's Quarter. Nagulat ako sa ginawa niyo na pasimuno mo. Akala ko itlog lang pero binuhusan mo ako ng napakaraming harina. Hindi ako nagalit sa'yo kasi alam kong masaya ka. Ikaw yung nagalit sa'kin kasi hindi ako nainis sayo.

Pinakilala kita kay Mommy. Nagulat siya no'ng nalaman niya ang buo mong pangalan. Pakiramdam ko'y kinapos ako ng hininga at feeling ko tumigil yung tibok ng puso ko. Labis akong kinabahan sa mga binitawang rebelasyon ni Mommy. "Isa ding Saavedra si Kash, Wey. Kapatid mo siya sa daddy mo. Siya ang anak ni Cynthia Quiñones." sabi pa ni mommy. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Pakiramdam ko'y tinalikuran ako ng mundo.

Tinago ko yun sa'yo. Pinilit kong umarteng parang normal lang. Yung gusto kita at gusto mo ako. Sa tuwing nakakasama kita, hindi ko maisip na yung babaeng gusto ko ay kapatid ko. Si Kash  Margoux Quiñones ay half sister ko. Nakakatawa talaga ang laro ng tadhana.

Tinago ko yun, hanggang sa nalaman mo. Sinabi ko sa'yo lahat kasi ayokong may tinatago sa'yo. Umiyak ako habang nangingilid yung mga luha mo. Sobrang sakit diba? Pagkatapos ng araw na yun, nilayuan mo ako. Hindi ko alam kung paano kita susuyuin. Nagtaka ang mga kapwa natin SSG officer. Kasi ultimo sulyap, hindi mo nagawa sa'kin kahit na alam mo namang nakatitig ako sa'yo.

Lumipas ang napakaraming araw, umabsent ka ng halos isang linggo. On going ang meeting no'ng may natanggap si President Clev na mensahe galing sa mama mo. Nagkasakit ka pala. Kaya pagkatapos ng klase ay sabay-sabay kaming pumunta sa nasabing hospital. Gusto kong umiyak sa pagkakataong yun. Nangayayat ka, medyo maputla, malalim ang sulok ng iyong mga mata, at maraming nakaturok sa braso mo. May Brain tumor ka. Sh**, gusto kong magwala. Di mo pa rin ako pinansin pero tumingin ka sakin. Wala nang mas masakit pa sa nangyari sa'yo ngayon. Mas masakit na nalaman kong may sakit ka kesa yung di mo ako pinapansin.

Pagkatapos ng 6 na buwan, tumuloy-tuloy ang opportunity ko sa Euphony Company. Gaya ng pinangako nila, tinupad nila yun. Instant celebrity ang babybunso mo. Samantalang, nasa hospital ka pa rin. Pasimple kong tinutulungan si tita Cynthia sa bayarin sa hospital, hindi mo alam yun kasi ayokong malaman mo. Wag kang mag-alala galing naman yan sa pinaghirapan ko.

                                    •••

"Wey, get ready. Lalabas ka na in 15 minutes." sabi ni ate Leigh sa'kin. Isa sa mga Organizer ng first ever concert ko.

Ate? Ito na oh! Natupad ko yung pangarap nating dalawa. Pero nakakalungkot kasi mag-isa lang akong naabot ito. Pagkatapos nito, bibisitahin kita sa hospital ha? Hintayin mo ako. Lilibre kita ng album ko with sign na.

This LoveWhere stories live. Discover now