İçerik Kurallarımızı güncelledik.
Hikâyeleri güvenli bir şekilde paylaşmaya devam etmek için en güncel kuralları inceleyin.

Semicolon

18 0 0
                                        

Semicolon? 'Yan ang simbolo ngayon para sa kampanya laban sa depression.


Yung napagdesisyunan mo nang itigil na ang lahat......



.....pero dapat pala ituloy mo pa.



Pwede din palang gawing simbolo ang semicolon sa larangan ng pag-ibig. Yung gusto mo nang tumigil sa pagmamahal dahil pagod na pagod ka na, pero naisip mong ipagpatuloy pa ito kasi kapag pinagpatuloy nyo pa ang pagmamahalan.......




....maaaring mauwi ito sa walang hangganan.

---------------*



"(I love me) gonna love myself, no, I don't need anybody else" hayy yan ang ringtone ko para naman pag may tatawag ay maalala ko na kailangan ko rin mahalin ang sarili ko.





Tumatawag na naman ang hinayupak kong ex. Bakit ba kasi ang kulit nya?





"Bakit hindi mo nalang sagutin para tumigil na?" Sabi ni mama. "Nako mama pag sinagot ko pa po yan mas lalo lang yan mangungulit, saka nagmamadali na po ako eh baka ma-late pa ko 6:30 na" sabi ko habang nagsusuot na ng sapatos, totoo namang nagmamadali na ko eh dahil 7:00 ang pasok ko at 6:30 na.






"Sige ingat ka anak" sabay halik sakin ni mama. "Sige po ma" sabi ko at umalis na.





Ako nga pala si Klea Esteban 19 years old. 3rd year college student ako sa kursong Tourism. At ang tumatawag sakin kanina ay ang ex ko. Ang hinayupak kong ex na si Miguel Santos matapos ang 2 taon naming pagmamahalan ay nakipag break saka ako iniwan. Pero makalipas ang 5 buwan ay binabalikan ako. Gusto daw nyang ipagpatuloy ang pagmamahalan namin at papatunayan nya ang pag-ibig nya sa akin within 30 days. Dibale mamaya ko nalang pag-iisipan yan.





"Arrrggghhhh" sabi ko dahil sa hindi ako makapag concentrate sa binigay na project sa amin ng prof ko. "Anong problema? Kanina pa parang malalim yang iniisip mo. Si Miguel ba?" Tanong ni Aileen, best friend ko.





"Hayyyy oo as usual nangungulit na naman." Paano ba naman eh naka 30 missed calls na at ayaw pa rin tumigil.





"Eh bigyan mo nalang kasi ng chance malay mo maging worth it yung chance na yun. Malay mo yung naudlot nyong pagmamahalan eh mauwi sa pang magpakailanman. Lahat naman ay deserve ang second chance eh. Kung sasaktan ka nya ulit eh di resbakan natin sya." Napangiti naman ako sa sinabi ni Aileen at narealize ko rin na maaaring tama nga sya. Everyone deserves a second chance.






Tumawag ulit si Miguel kaya't sinagot ko na ito. "Hello, magkita tayo sa coffee shop malapit sa amin 4:00 pm may pag-uusapan tayo" sabi ko ng mabilis. "Sige maraming sala--" hindi pa man sya tapos sa sasabihin nya ay pinatay ko na ang tawag. Ayoko ng maraming satsat.




****




Time check 3:55




May 5 minuto pa pero nandito na ko at papasok na sa coffee shop. Pero pagpasok ko ay hindi ko talaga inaasahan na nandito na agad si Miguel. Dati rati kasi ay sya lagi ang late sa mga usapan namin pero ngayon ay himalang naunahan nya pa ako.





"Bakit ang aga mo?" Sabi ko habang paupo na sa katapat nyang upuan. "Gusto ko kasing patunayan sayo na iba na ako. Kung kaya mo dating maghintay sa akin ng matagal, kaya ko din yun" sabi nya ng may napakatamis na ngiti pero wala nang epekto sakin ang pagpapacute nya.





"Ang dami mong satsat. Pumapayag na ko na bigyan ka ng second chance" sabi ko sa kanya ng walang paliguy-ligoy pa.





"Talaga???? Yessss!!!! I will grab this opportunity to prove myself to you sobrang thank you talaga Klea you will never regret this!!!" Sabi nya ng may napakalaking ngiti sa labi at halos magtatalon sa tuwa nakakahiya nga sa ibang tao sa coffee shop eh.





Yayımlanan bölümlerin sonuna geldiniz.

⏰ Son güncelleme: Nov 01, 2017 ⏰

Yeni bölümlerden haberdar olmak için bu hikayeyi Kütüphanenize ekleyin!

Semicolon (one shot)Bağımlısı olacağınız hikayeler. Şimdi keşfedin