DES SENTIMENTS INDICIBLES D'UN BESTFRIEND

8 0 0
                                        

Naglalakad ako sa papunta ng sa Multi-media Arts Department Building (MAD Building) ng may nakabangga akong babae. Sa hindi inaasahan, si Dane pa ang nabangga ko. Ang babaeng aking lihim na minamahal.

"Uy! Hi,Dane." Bati ko sa kanya. Nginitian nya lamang ako marahil nagtataka siya dahil kilala ko sya ngunit hindi niya ako kilala.

"Okay ka lang ba?" tanong ko sa kanya. Hindi pa din ito nagsasalita, nginitian niya lang ako. "Friends na tayo di ba? Ini-accept mo na yungfriend request ko sayo kagabi eh." Kinindatan ko lang siya habang natatawa ako. Oo, nagsend ako sa kanya ng friend request sa Facebook kagabi at ini-accept nya kaagad ang ito. Kilala ko sya personally. Highschool pa langkami humahanga na ako sa kanya at lihim ko na rin syang minamahal pero wala akong lakas ng loob para sabihin sa kanya.

"Yeah, sure." Sagot niya sa akin habang nakangiti. Masaya ako dahil naka-usap at napansin ako ni Dane.

"Di ka naman napipilitan nyan?" pabiro kong sabi sa kanya. Natawa lang siya sa akin. "Hindi naman. Ayos lang 'yun." Sagot nya sa akin, mabait sya tsaka friendly pa.

"Friends na tayo ha? Wala nang bawian. Thank you!" Ngumiti ako sa kanya. " Multi-media Arts rin ang programme mo, di ba? Sabay na tayong pumasok, same building at programme naman tayo eh magka-iba lang ng block." Offer ko sa kanya. "Ako nga pala si Yohann Ford." Inabot ko sa kanya ang kamay ko para makipagkamay. "Dane Margaux Montenegro." Sabay hawak nya sa kamay ko.

Pumayag naman siya na magsabay kami papunta sa MAD Building. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na naka-usap at nakasabay ko siya. Feeling ko, hindi pa siya kompertable sa akin dahil ngayon lang kami nagka-usap. Hindi ko naman siya masisisi dahil babago niya lang ako nakilala.

Habang naglalakad kami hindi ko maiwasan na hindi siya tingnan. Sobrang ganda at bait kasi niya,hindi siya tulad ng iba na makolorete sa mukha. Sobrang simple lang niya.

Matagal ko nang hinahangaan si Dane. Highschool pa lang kami pinagmamasdan ko na siya. Hindi ko lang siya malapitan dahil mukha siyang suplada at yon ang pinagkamali ko dahil sobrang bait pala nya.

Hindi namin namalayan na sa sobrang naging close na kami ni Dane sa tatlong taon nakalipas naming pagkakaibigan. Lagi kaming sabay sa pag-uwi. Pag nakikita kami nang mga kablockmates namin lagi nila kaming niloloko na mag-girlfriend/ boyfriend kami. Sweet daw kasi kami sa isa't isa sabi nila. Bestfriend ang turingan naming pero higit pa roon ang turing ko sa kanya. Di ko lang pinapahalata sa kanya. Ayokong layuan niya ako dahil lang sa aking nararamdaman para sa kanya, natatakot akong mawala siya sa akin.

Noong Valentine's Day, nagfriendly date kami. Binigyan ko siya nang maraming chocolates, at isang malaking panda bear. Hindi ako nag- expect ng kahit ano mula sa kanya dahil magkaibigan lang kami. Natatawa ako kay Dane noon dahil nahihiya raw siya sa akin dahil wala siyang ibinigay man lang. After that day, may natanggap akong letter galing sa kanya. Sa totoo lang, kahit simpleng letter lang 'yong binigay niya sa akin naappreciate ko iyon dahil nag- effort at galing sa kanya.

Madalas akong magkwento sa kanya. Halos lahat ng kaganapan sa buhay ko ay alam na niya. Isang araw, napag-usapan naming ang tungkol sa love. Hindi ko alam kung paanong napunta roon ang aming usapan pero marami akong nalaman tungkol sa kanya. Sabi niya, hindi raw siya medaling mafall sa isang lalaki at never pa siyang nagpaligaw sa isang kaibigan. Napaisip ako noong time na yon sa sinabi niya sa akin. Nagpapahiwatig ba siya na hindi pwedeng maging kami? Ewan.

Mula nang mapag-usapan namin'yon, umiiwas na sa akin si Dane. Inaamin ko na hulog na hulog na ako sa aking bestfriend pero ayokong umasa sa wala. Alam kong wala kaming pag-asa. Kaibigan lang kasi ang turing niya sa akin.

Isang umaga, papasok ako sa building naming ng makita ko si Dane kaya hinabol ko ito.

"Uy, Dane!" Tawag ko sa kanya na ikinalingon niya.

"Uh, hello. . . Yohann." Nauutal na bati niya sa akin. Ngayon lang kaya kami nagkita mula after 1 month.

Tinitigan ko siya, seryosong- seryoso ako. " Baby, bakit pakiramdam ko iniiwasan ko ako? One month Dane, one month mo na akong iniiwasan. Everytime na pupuntahan kita sa classroom nyo, wala ka na raw. Nakaalis na. Dati naman hindi tayo ganito ah, hinihintay natin ang isa't isa, di ba? Di ka rin nasagot sa tawag, text at chat ko sayo. Dane, bakit?" Baby ang tawagan naming dalawa kahit na magbestfriend lang kami.

Hindi niya ako sinagot, tahimik lang sya. Nasasaktan ako sa ginagawa niyang pag-iwas sa akin. Nasanay kasi akong lagi siyang nandyan para sa akin.

"Hey, baby. Sagutin mo naman ako kung bakit mo ako iniiwasan. May problema ba tayo? May nagawa ba akong mali?" hinawakan ko ang kanyang mukha. Inangat ko ito para magkatinginan kami mata sa mata. Kilala ko naming ang isa't isa, alam ko kung kalian siya nagsisinungaling at nagsasabi ng totoo.

"Ah! No. Hindi. Bakit naman kita iiwasan? Busy lang talaga ako." Sabi niya sabay iwas ng tingin sa akin na ikinabitaw ng kamay ko sa pagkakahawak sa mukha niya.

"Really? Ano naming pinagkakaabalahan mo at nagging busy ka? Na kahit isang reply, di mo magawa." Sabi ko sa kanya. Naiinis ako sa kanya dahil nagawa niyang magsinungaling sa akin.

"Dapat ba pag nagtext ka, magreply ako?" nabigla ako sa pasigaw niyang sagot sa akin.

"What?! And now, ganyan ka pa magsalita. Nag-aalala lang naman ako sayo. Why are you like that, Dane? May problema ba? Why don't you tell me?!." Nagulat sya pagsigaw ko sa kanya. Naiinis ako lalo sa sinabi niya kaya napagtaasan ko na rin siya ng boses.

"Ikaw, ikaw ang problema ko. Why don't you just leave me alone?! Dapat ba lagi tayong magkasama?! magka-usap? Hindi kita boyfriend, Yohann. Tsaka pwede bang 'wag mo akong sigawan? Ano ba kita?." Diretsong sagot niya sa akin.

"Ano mo ko, Dane? Bestfriend mo lang naman ako. Bakit ka ba nagkakaganyan? Ano bang nagawa kong ayaw mo? Sabihin mo. Nandito lang naman ako lagi sa tabi mo para makinig sa mga problema mo. Now tell me, what's your problem? You can trust me." Sabi ko sa kanya.

"Wala akong problema, Yohann, at hindi kita iniiwasan. I'm really busy at sa tingin ko naman, hindi ko kailangan pang ipaalam sayo ang lahat kung anong mga gagawin ko. Labas ka na don, buhay ko to! Wag mo akong pakialaman. Layuan mo na ako. Ayoko nang maging kaibigan mo." Hindi na ako sumagot dahil nasaktan ako sa mga sinabi niya. Tumalikod na ako sa kanya at pumunta sa classroom ko.

After 3 months, nalaman kong may boyfriend na si Dane. Minsan nahuhuli niya akong nakatingin sa kanila. Pagkatapos ng klase, umuwi na agad ako sa bahay at nag- ayos ng gamit sa cabinet ko. Nakita ko ang sulat na bigay ni Dane sa akin at binasa kong itong muli. Hindi ko maiwasan na hindi umiyak dahil hanggang ngayon siya pa rin ang laman ng puso ko.

Lumipas ang 5 taon at ganon pa rin, siya pa rin ang mahal ko. After ng aming graduation, 2 years ago, pumunta na akong Canada. Pina-uwi kasi ako ng Dad ko para tumulong sa pagpapatakbo ng aming Photography business. Ipinagpatuloy ko ang buhay ko dito sa Canada. Sinibukan kong kalimutan ang nararamdaman ko para kay Dane pero hindi ko talaga makalimutan dahil siya lang talaga ang mahal ko. Nagsisisi ako dahil sa tagal naming magkasama hindi man lang ako umamin ng sa kanya na mahal ko siya.

DES SENTIMENTS INDICIBLES D'UN BESTFRIENDStories to obsess over. Discover now