Prologue

1 0 0
                                        

Diba sabi mo walang iwanan?
Diba sabi mo tayo lang?
Diba sabi mo hindi mo ako sasaktan?
Diba sabi mo hindi mo ako paasahin?
Diba sabi mo hindi tayo bibitaw?

~
Pero bawat salitanf binuhos mo sa akin ngayon ay isang alaala lamang. nakakapagtaka nga eh. ikaw nga ang nagsabing walang susuko. walang bibitaw sa ating dalawa.pero ngayon bumitaw ka. at kinuha yung silbing ilaw natin.

sinabi mo din sakin na nawala na yung pagmamahal mo sakin.wala ka nang nararamdaman para sakin. di mo ba alam na nasasaktan ako sa sinabi? yung sinabi mong "wala na akong nararamdaman para sayo."

sh*t ang sakit! sobrang sakit! ang sakit kayang malaman na hindi ka na mahal nang taong nagpapa tibok nang puso ko. yung taong nagapapangiti sayo. yung taong nagpapasaya sayo.

pero ngayon parang kasalan ko lahat.. kasalanan ko kasi...kasi naniwala ako sa mga pinagsasabi mo sa akin..kasalanan ko kasi naniwala ako sa'yo...naniwala ako na hindi mo ako paasahin at sasaktan nang ganito.. kasi sabi mo diba?

alam mo bang naniwala ako sayo kasi i trust you and i love you... pero di ko akalain na masasaktan mo pala ako nang ganito..

kaya pasensya na't naniwala ako sa lahat nang sinabi mo. di ko namalayang biro lang pala yun lahat.

Paumanhin,kasi minahal kita nang sobrang sobra na kahit isang pagmamahal sa sarili ko't nakalimutan ko na. paumanhin kasi naniwala ako na iba ka. naniwala ako na iba ka sa lahat nang mga lalaking nakilala ko't nadadaanan. pero alam mo bang kung ano ang nakakatawa?yun ay yung paulit ulit mo akong isinaksak sa puso ko! pero di parin ako sumuko.. kahit sinabi mo sa akin na hindi mo na ako mahal..

kahit ang cold mo na pagdating sakin. kahit hindi na ang dating ikaw na minahal ko na palaging nakangiti sakin.

hindi parin ako sumuko..kasi mahal kita..kahit masakit dito sa puso ko..pero kinakaya ko..mahal kita eh..

pero akala ko mahal mo talaga ako. akala ko hindi mo ako sasaktan. kasi kung mahal mo ang isang tao bakit mo sasaktan?

kung mahal mo talaga ako. bakit mo ako papaiyakin?

alam mo bang galit ako sayo? alam mo ba yun?? alam mo bang galit na galit ako sayo! kasi nangako ka sakin! nangako ka nga hindi mo gagawin ang bagay na makapasakit sa puso ko at dahilan sa pag iyak ko!

The question now is "how can i move on from him?"

Vous avez atteint le dernier des chapitres publiés.

⏰ Dernière mise à jour : Nov 28, 2017 ⏰

Ajoutez cette histoire à votre Bibliothèque pour être informé des nouveaux chapitres !

"Was Just A Thought Of Mine"Des histoires addictives. Découvrez maintenant