Nasa ganoon siya ng biglang gumalaw ito at napabaling sa kanya ang maamo nitong mukha. Hindi niya maiwasang mapasinghap ng makita ang magandang mukha na nagtatago sa isang malaki at makapal nitong salamin. Ang labing kay sarap halikan na bahagyang nakaawang pa.

         Gulong-gulo siya sa sandaling iyon. Kaya minabuting matulog na rin baka kung ano pang magawa na makapagpapalala sa sitwasyon niya.


         Kinabukasan ay nagpaalam na rin siya sa kanyang lola. Nagpasya na siyang sumama sa asawa niya sa Manila. Sabi kasi ang papa nito ay nakatira daw ang lalaki sa condo nito mag-isa. Mabuti na rin daw kapag sumama siya upang may mag-aalaga sa asawa niya. Naisip na iyon na rin siguro ang pagkakataong maipadama sa asawa ang kaniyang kahalagahan.


          Malawak ang condo ng asawa. May dalawang kuwarto. Maayos na kusina at sala.

         Pagpasok ay agad nitong binitawan ang dala nitong bag. At tinuro sa kanya ang silid na gagamitin niya.

         "Iyang silid na iyan ang iyo. At iyang kabila ang sa akin. Gaya ng sabi ko. Mag-asawa lang tayo sa papel kaya malaya kang gawin ang gusto mong gawin sa buhay mo at ganoon din ako. Nagkakaintindihan ba tayo?" Ma-otoridad nitong saad.

          Napasinghap siya sa sinabi nito. Tila naumid na rin ang dila at hindi na nagsalita pa. Binitbit ang bag at nagpatuloy na sa kanyang silid. Sa silid ay muling bumuhos ang luha niya.

            "Huwag kang iiyak. Huwag kang iiyak," hamig niya sa sarili. "Kailangan maging malakas ka. Ginusto mo ito kaya kakayanin mo." Bulong sa sarili.

           Tatlong oras na siya sa kanyang silid nang mapagpasyahang lumabas ng magulantang siya sa eksenang nadatnan paglabas.


         Halos hindi siya makakilos ng makitang halos mahubaran na ang babaeng kahalikan ng asawa.

         'Huwag kang iiyak,' muling paalala sa sarili.

          Nabigla rin ang mga ito nang makita siya. Napatigil sa kahalayang ginagawa.


         "I'm so...ry..." turan saka nagpatuloy sa pagtungo sa kusina.


         Narinig niyang nag-usap ang mga ito at siya ang topiko.


         "What!" Sigaw nang babae nang marinig ang sinabi ng asawa.

        "What is it again? Do I hear it clear? Asawa mo ang babaeng iyon. Grae, ako ang girlfriend mo tapos sasabihin mong asawa mo iyong.....iyong.....iyong nerd na iyon," inis na turan nang babae.


        "Calm down Angelique. Nothing to worry okay. I don't love her, napilitan lang ako kasi nalagay ako sa alanganing sitwasyon. Ayaw kong itaya ang reputasyon ng tiyuhin ko bilang alkalde ng lugar nila kaya napilitan kong pakasalan iyang si Mia." Dinig na paliwanag ni Grae.


         "So Mia pala ang pangalan ng nerd na haliparot na iyan. Don't tell me na may nangyari sa inyo kaya napilitan kang pakasalan siya," ani pa nang babae.


         "Hindi ko alam Angelique please. Ayaw ko nang balikan. Hindi ko alam kung bakit ako napunta sa sitwasyong iyon," ani ni Grae sa kasintahan na hindi halos makapaniwala sa nagawa.

          "My God Grae. My Goooooddddd! Ipagpapalit mo na nga ako sa nerd pa." Singhal pa nito.

          Halos takpan na ni Mia ang tainga sa mga panlalait sa kanya nang babaeng kausap nang asawa.


          "I can't take this Grae. Nakakababa ng self confidence. Hindi ko matanggap na natalo ako nang isang werdong babae lamang."



           "Please Angelique, try to understand my situation. Magsasama kami pero hindi ibig sabihin noon na magsasama kami bilang mag-asawa. Ikaw ang mahal ko please," sumamo pa ng asawa sa babaeng kausap.


        Maya-maya ay wala na siyang narinig pa. Hanggang sa makaramdam siya nang presensiya sa kanyang likuran. Agad siyang lumingon at nakita ang babaeng kasama nang asawa kanina.

          Naka-short-short ito at hanging blouse. Seksi, maputi at maganda. Matalim ang titig nito sa kanya.


          "Maaaring kasal kayo ni Grae pero akin ang puso niya. Akin lang," anito sa kanya.

          Hindi na niya pinatulan ito. Umakto siyang walang narinig. Lalampasan na sana niya ito nang hawakan siya nito sa braso.

          "Kailanman ay hindi magkakagusto si Grae sa'yo. Itatak mo yan sa isipan mong malandi ka. Akala mo kung sinong maria clara. Iyon pala mas malandi pa sa higad," pangmamata nito sa kanya. Ngunit nanatiling tikom ang bibig.

           Nang makawala siya sa babae ay nagpasya na siyang bumalik sa silid muli ay nadaanan ang asawang nakatingin lang din sa kanya.

          Pagkapasok sa kuwarto ay agad siyang dumapa sa kanyang kama at doon binuhos ang lahat nang sama nang loob.

             "Kasalanan mo ito. Kaya dapat kang magtiis," paninisi sa sarili.


              Araw-araw na ganoon ang kanilang gawain. Nakatira sa iisang bubong pero hindi nagpapansinan. Halos wala na siyang ginawa maghapon kundi ang hintayin ang lalaki kung kailan uuwi.

              Napapagod na siya at tila gusto na niyang sumuko. Hanggang sa napagpasyahan na lamang niyang maghanap nang trabaho. Para naman hindi siya mabagot.


               Pag-uwi sa bahay ay nabigla siya nang tumambad ang tatlong lalaking hindi kilala. Habang papalabas naman sa kusina ang asawang may bitbit ng tray ng alak.


               "Ohhhh! Bro, is she the one," tawang wika nang isa sa mga ito na tila ba kilala na siya nito.



                 "Hanep bro, nadali mo si manang," turan pa ng isa.


              Hindi na niya gusto ang mga sinasabi ng mga ito kaya mabibilis ang mga paang tinungo ang silid niya.


           Maging sa loob ng silid ay dinig na dinig ang mga panlalait sa kanya ng mga ito.

          Hanggang sa nakatulugan na lamang niya. Nagising siya sa pagkalam ng sikmura. Agad na sinipat ang orasan at nalamang alas dos na pala ng madaling araw hanggang sa napagpasyahan niyang tunguhin ang kusina.

         Paglabas ay nabungaran ang nagkalat na basyo ng beer. Wala na doon ang tatlong lalaking kasama ng asawa kagabi hanggang sa masumpungan ang mata ang asawang malapit ng mahulog sa sofa. Maaaring hindi na nito nagawa pang pumunta sa silid nito sa kalasingan.

         Maingat niya nitong tinulak pabalik sa sofa ngunit medyo may kabigatan ito. Kaya ginamit ang dalawang kamay para maagapan ito sa pagkakalaglag nito roon. Ngunit ng yumukod siya rito ay bigla naman siya nitong niyakap. Yakap na muling nagpakawala sa kanya sa kanyang katinuan.

My Nerd Ex-Wife(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon