Introduction - Tumble for me

26 0 0
                                        




"Jack and Jill went up the hill

To fetch a pail of water

Jack fell down and broke his crown,

And Jill came tumbling after"

It's just ironic how that song actually predicted what was going to happen to me that day. You see, the thing is, I liked my best friend since, I don't know. Yeah. I don't know, It just happened, yun bang isang araw you'll wake up in your bed, tapos sasabihin mo nalang na. "Gusto ko na sya" Di mo alam kung pano nangyari, di mo alam kung kailan nagsimula, basta BOOM may gusto ka na sakanya. Kaso yung problema is di ko masabi na gusto ko sya. Alam ko sinasabi nyo na "Ay ang torpe naman ng lalaki na to" tama kayo. Alam ko sa sarili ko yun. You see; I'm scared, di dahil takot ako sa rejection but dahil takot ako na baka mag waver yung friendship namin, takot ako na baka pag sinabi ko lalayuan nya na ako, Kaya kong i-handle ang rejection nya pero di ko kayang mawala sya sakin,  Ayan naman lagi yung reason diba. Alam ko din na sinasabi nyo mag take ako ng risk, na di ko malalaman kung di ko susubukan diba? Yun na nga dapat gagawin ko nung araw na yun eh.

It was almost our Prom that night and I decided na sasabihin ko na gusto ko sya sa Prom, pero kailangan ko munang mapa oo sya bilang partner ko, ang corny man sabihin pero naghahalong kaba, excitement ang nararamdaman ko, di ko kasi alam kung anong answer ang makukuha ko, Jill is hella unpredictable, she's outgoing, sa madaling salita, she's a daredevil; paakyat na ako sa isang burol sa likod ng school namin kung saan nahihingah si Jill, nagpabili kasi sya ng tubig kasi daw uhaw na uhaw na sya, sino ba naman kasing abnormal ang hindi uuhawin kung tinakbo nya mula front gate hanggang likod ng school para daw mapanood nya yung fireworks? Saktong dating ko at tatawagin ko na sana sya, nakita nyang kasama si Chris, di naman sa chismoso ako, sadyang nadinig ko lang ng di sadya yung conversation nila, may pinagkaiba yun. Chris asked Jill to come to the school prom with him, I quickly turn around, hindi ko na hinintay marinig pa ang sasabihin ni Jill kasi alam ko na ang sagot. That would be a 100% yes. Tanungin ka ba naman ng tao na ginusto mo ng mahigit tatlong taon eh. Malamang malaking chance na umo-o ka.
At nung time na nga na sinabi nya yung isang salitang yun, That simple yes broke my heart. Di lang nabasag, but shattered. Binitawan ko yung tubig na dala dala ko tapos umalis, at dahil sa katangahan ko nadulas pako at dumausdos pababa, napa sigaw nalang ako dahil sa pagkabigla, at dahil dun, narinig nung dalawa kaya nung makita ako ni Jill she quickly ran to where I was, muntikan din madulas, buti nala she regained her balance. At that moment, napatanong nalang ako sa sarili ko kung kaya ko pa bang ipatuloy yung pagkukunwari? Kaya ko pa ba tiisin yung sakit basta lang makasama ko sya? Jill came up to me; worry visible on her face. Isang tingin ko lang sa nag aalala nyang mukha, alam ko na kung ano isasagot ko, and that'll be a 100% Yes.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 17, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Jack and JillianWhere stories live. Discover now