Ang Boarding House

141 0 0
                                    

Ako si Terrence. 26 years old. Working as an engineer sa Quezon City. At dahil wala naman ako ibang tutuluyan dito, naghanap ako ng boarding house. Hindi naman ako nabigo dahil may nakita ako sa hindi kalayuan sa trabaho ko. Medyo may kalumaan na nga lang yung bahay pero mukhang ok pa naman. Mura lang ang renta at free na ang tubig at kuryente. Isa pa sa nagustuhan ko ay strict sila sa kwarto, maximum of 2 person per room lang.

2 storey ang bahay. Sa ground floor ay may 3 bed rooms, 1 CR,  at isang maids quarter na nakalaan para sa caretaker ng bahay. Sa 2nd floor naman ay may 4 bedrooms for boys, 1 bedroom for girls na may sariling CR, 1 CR para sa boys, terrace sa bandang likod, at veranda naman sa harap. Bawat kwarto ay may dalawang boarder. Swerte ko lang that time kasi kakaalis lang nung isang boarder.

August 2009 nang lumipat na ako sa boarding house na iyon. Pag pasok ko palang sa gate ay may kakaiba agad akong naramdaman. Parang biglang nanlamig ang mga paa at kamay ko at uminit naman ang mukha ko. Ang bigat sa pakiramdam habang papasok ako sa bahay. Sinamahan ako ng caretaker papunta sa kwarto ko, sa 2nd floor. Mamayang gabi daw ay ipapakilala niya ako sa mga makakasama ko sa bahay. Wala pa daw ang makakasama ko sa kwarto dahil umuwi sa probinsya at bukas pa babalik. Pag pasok ko sa kwarto ay agad nagpaalam na ang matandang caretaker.

Maayos ang kwarto, halatang naalagaan kahit may kalumaan na. may dalawang wall cabinets na para sa dalawang tao din na nakatira sa kwarto. Inayos ko na ang mga gamit ko at inilagay sa cabinet. Tapos ay nakaramdam ako ng antok kaya nahiga muna ako sa bed ko. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising nalang ako dahil sa malalakas na katok sa pintuan ng kwarto ko. parang pinipilit na buksan ang pinto mula sa labas. dali-dali ako ng tumayo para buksan ang pinto at para tignan kung sino ang kumakatok. Ang nasa isip ko ay dumating na ang makakasama ko sa kwarto, ngunit laking pagtataka ko dahil pag bukas ko ng pinto ay wala naman tao. Medyo madilim sa labas kaya binuksan ko ang ilaw sa kwarto ko para magkaroon kahit kaunting liwanag. tumingin ako sa relo ko, 8:00 PM na pala. Ibig sabihin, 8 hours din ako nakatulog. Isa pa yun sa lubos na pinagtaka ko, hindi ako nakakatulog ng ganun katagal pag tanghali.

Nakaramdam na ako ng gutom kaya bumaba muna ako at nagpaalam sa caretaker na lalabas muna para maghanap ng makakainan. Habang naglalakad, hindi mawala sa isip ko kung sino yung kumakatok sa kwarto, at kung bakit nakatulog ako ng ganun katagal gayong hindi naman ako puyat. Sa paglalakad ay may nadaanan akong karenderia, gutom na talaga ako kaya umorder na ako at agad kumain. "Bago ka ba dito?" sabi ng tindera. "Oho, diyan lang po ako sa kanto, sa lumang bahay na kulay green ang gate." Sagot ko naman. Napansin kong parang nag-iba ang mood ng tindera. "Bakit po?" tanong ko sa kanya. "Iho, ingat ka sa bahay na yan." sabi niya. "Ho? bakit naman po kailangan ko mag-ingat?" tanong ko sa kanya. "Madami na ang nagsasabi na madami daw multo sa bahay na yun. Ako nga mismo may nakikita na babae na palakad lakad sa terrace nyo sa dyes oras ng gabi." sabi nya. "Baka naman po boarder lang din po yun." sagot ko naman sa kanya. "Hindi. Sigurado akong hindi boarder yun dahil kilala ko ang mga boarder na babae dun." sagot niya. Hindi na ako kumibo at tinuloy ko nalang ang pagkain ko.

Pagkatapos kong kumain, nagbayad na ako at nagpaalam na sa tindera. Habang naglalakad pabalik sa bahay ay parang lalong gumulo ang isip ko. "May mga multo sa bahay?" tanong ko sa sarili ko. Hindi naman ako natatakot dahil sa totoo lang ay sanay na ako makakita ng multo. Pag dating ko sa bahay ay nakipagkwentuhan muna ako sa caretaker. "Mang Johny, gaano na po kayo katagal dito sa bahay?" tanong ko sa kanya. "Mga 20 years na siguro iho." Sagot niya. "Sa 20 years nyo po dito, wala po ba kayo nararamdaman na kakaiba, o wala ba kayo nakikita na multo dito?" tanong ko. "Sanay na ako iho, bakit mo pala natanong?" tanong niya. "Sabi ho kasi nung babae sa karenderia madami daw multo dito, so totoo po pala na madami nga?" tanong ko sa kanya. "Alam mo iho, ang compound na ito ay dating Hospital, at itong mismong bahay natin ay Morgue ng Hospital na iyon." sagot niya. Medyo nakaramdam ako ng takot sa sinabi niyang iyon, kaya inilayo ko na ang usapan.

Matapos ang halos dalawang oras na pag-uusap ay nagpaalam na ako na babalik na sa kwarto ko. Bago bumalik sa kwarto, dadaan muna sana ako sa CR ngunit may nakita akong babae na pumasok. Nandiyan na siguro yung boarder sa kabilang kwarto, naisip ko. Nagpasya ako na hintayin nalang lumabas yung babae, para makapag pakilala na din ako. Pero matapos ang halos 30 minutos, hindi parin lumalabas yung babae. Kinabahan ako na baka kung ano na ang nangyari sa kanya sa loob, kaya kumatok na ako. "Miss...Miss...Okay ka lang ba dyan?" Walang sumasagot, kaya nilakasan ko pa ang pag katok at pag tawag sa kanya. "Miss...Miss...Ano na nangyari sayo dyan?" Wala parin sumasagot. Sa pangamba na kung ano na nga ang nangyari sa babae ay sinubukan kong itulak ang pinto. Laking pagtataka ko dahil hindi ito naka lock. Dali-dali kong binuksan ang ilaw at nagulat dahil... Walang tao sa loob. Tanging bukas na gripo lamang ang naabutan ko. Sa puntong iyon ay sigurado na ako. May multo nga sa bahay na ito.

The BoardmatesTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang