And Then I Fell [1]

Magsimula sa umpisa
                                    

"Wala," simple kong sagot.

At pagkatapos ng walang hanggan ay natapos rin ang klaseng 'yun. A'a. Sobrang boring.

"Wala daw si Ms. Remo. Walang Filipino. Yay. Pwede daw gawin ang kahit ano wag lang mag-ingay," announcement nung President namin.

Salamat naman. Pero pwede daw gawin kahit ano wag lang mag-ingay? Eh yun lang naman ang ginagawa eh! Nakikipagdaldalan!

"Lauren, labas tayo," pag-aaya ni Shena

"Pwede ba?" tanong ko naman. Aba mahirap na. Baka makasuhan pa ng cutting 'noh.

"OO! Halos kalahati na 'yung nasa labas eh," sabay turo pa nya sa room.

Oo nga. Halos ubos na kami. Pati 'yung president namin, wala na.

"Tara, gutom na 'ko," sabi ko, habang binubulsa ang 100-peso bill at tumayo.

Lumabas kami tapos, s'yempre, deretso sa canteen.

"Ate, brownies po at Tropicana burst," sabi ko.

"Tapos Piattos po at C2," dugtong naman ni Shena.

One and a half hours pa 'yung subject namin tapos wala si Miss. Edi 'yun. Mga 30 minutes kami nakaupo d'un, kumain at nagdaldalan tapos nag-decide ng bumalik sa room.

"Shena, cr muna ako," sabi ko.

"Sama na 'ko,"

Nagpunta kami sa CR. Medyo malayo kasi opposite side pa nung room namin.

"Uy, turuan mo'ko nung lesson kanina sa Math. 'Di ko talaga naintindihan," sabi ni Shena.

"A'a. Wala nga akong natandaan kahit isang salita dun eh. Mas naalala ko pa 'yung mga pangalan nung mga nag-discuss," sagot ko.

"Hahahaha! Ako kahit ano walang naalala," sabi nya habang umiiling.

"Ayos la--"

Di ko na natuloy yung sasabihin ko. Ang naalala ko nalang, madudulas na ako.

****

[A/N]

Hello! Eto na 'yung Chapter 1.

Grabe talaga. Di ko ineexpect na mag-momore than 10 votes pa 'yung intro ko na ewan. Promiseeeeee. x))

Salamat sa lahat-lahat ng tumulong. Nung sinusulat ko yung intro, as in kahit names ng characters wala pa eh. Thank you kay Nicole Fule sa pagtulong sa pag-iisip. And sa best friend ko sa Wattpad na si Elaissa a.k.a. BashaLovePopoy na palagi ko namang pinasasalamatan. 'Dun sa mga nag-comment, etc. Sana patuloy n'yo akong suportahan. Nyeks. Drama ko lang. x)

AYUUUN. Nga pala, sa mga Directioners na nagbabasa, may release na ba sa lahat ng Oddysey at Astroplus nung Live Tour DVD? Bibili sana ako. *O*

Salamat sa lahaaaaat~!

Vote po kayo!

Comments are highly appreciated.

Be my fan! Pleaseeeeee?

Take care!

Wear a smile. :)

Much love.

-iammissred. xx

And Then I Fell.

And Then I FellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon