Man of my dreams

2.2K 32 7
                                    

Part 1

"Alvin. Alvin! Alvinnn!!" Hinahabol ko siya ngunit hindi ko siya maabot-abutan! Hingal na hingal na ko sa paghabol ko sa kanya ngunit ni hindi man lang siya tumitingin. "ALVIN!!!" Pagsigaw ko pa.

"Kuya! Kuya. Gising." Pagmulat ko ay nakita ko si Stella. Kapatid ko. "Binabangunot ka." Dagdag pa niya. "Sinong Alvin?"

"Ewan ko. Hindi ko din alam.." sagot ko. Ni hindi ko man lang nakita ng mukha niya sa panaginip ko. Black and white ang scenario-ng iyon. Hinahabol ko ang isang lalaking naka-itim na suit.

"Ano bang nangyayare sayo?"

"Ewan ko. Naguguluhan na ko!"

"Haynako. Ewan ko din sayo! Matutulog na ko." At bumalik na siya sa kama niya sa kabilang gilid ng kwarto. Nagtalukbong na din ako ng kumot at nag-concentrate sa akin sanang muling pagtulog ngunit hindi na ko nakatulog. Ending, bangag akong pumasok sa school.

"Lorenzo. Lorenzo Montreal!" Bigla akong napatingin sa pinanggalingan ng boses at nakita si Mrs. Cruz na professor ko na tumigil sa pagkaklase.

Napatayo ako sabay sabing, "yes po ma'am?"

"Tulala ka na naman? This past few days parang wala ka sa sarili. May problema kaba sa bahay? Lumabas kana muna. Learn how to separate your problems in your house, into your school."

Haynako. Lumalala na tong tuktok ko! Nababaliw na ata ako. Affected na studies ko. Jusmeyo.

"Alvin Romero, ayan na ko. Ughh!" Nakapatong siya sakin habang tinatrabaho ako.

"Shit!" Napabalikwas ako.

Sa kalagitnaan ng gabi ay muli akong nagising. Nakakakilabot ang panaginip ko, this time nagtatalik na kami ng Alvin na yun although hindi ko makita ang mukha niya sa panaginip ko ay nakikilala ko siya sa angking tangkad at kaputian taglay niya.

Naalimpungatan ang usisera kong kapatid. "Oh, alas tres palang? Pa-check up kana kaya?" Sabay tumawa pa ito. Pang asar talaga. Sinenyasan ko nalang siya ng kamao ko kaya pumigil na.

"Teka Stella, may kilala kabang Alvin Romero?"

"Huh? Wala. Sino yun?"

"Nevermind." At bumalik na ko sa pagtulog.

Kinabukasan ay pinagtatanong ko sa mga kaklase, kakilala at kaibigan ko kung may kilala silang Alvin Romero pero wala ni isang may alam sa kanila. Nung i-search ko ito sa internet ay wala naman itong kahit anong article, site or social media accounts. Hopeless na ko! Kaya hindi ko nalang pinansin pero naisip ko yung napanaginipan ko kagabe. Hindi ko ma-explain dahil wala pa naman akong sexperience tapos ganun pa? Sa lalaki pa. Holy shit!

Hapunan na at sabay sabay kaming kumaen ng maisip ko ulit ang lalaki sa aking panaginip. Itatanong ko sana ito kela Mama pero bigla akong napaisip na ang awkward naman kase lalaki yung itatanong ko. Baka sabihin nila, bumibigay na ko although konte nalang, aamin na ko. Joke. Malayo pa yun! 17 palang ako ngayon at baka Identity Crisis lang to at panandalian lang.

Wala din sa bokabularyo ko ang mag-come out dahil siguradong papatayin ako ni Papa dahil ang kaisa isa niyang anak na lalaki ay ka-federasyon pala. No. No! NO!!

Muntik na kong mahulog sa kinauupuan ko ng biglang magsalita si Stella. "Ma, Pa, may kilala ba kayong Alvin Romero?"

Halatang nagulat ang parents ko sa pangalang iyon at biglang nagbago ang mood nila Mama at Papa. Pareho silang na-high blood.

"STELLA! SAAN MO NALAMAN ANG PANGALANG YAN?!" Galit na sabi ni Papa.

"Huwag mo na ulit babanggitin yan!" Banta naman ni Mama.

"Kalma."pabirong sabi ko para mabago ang tensyon.

"Bakit Ma, Pa?" Umandar na naman ang pagiging mahadera nitong kapatid ko. "Kilala niyo ba siya?" Sinampal na siya ni Mama na kinagulat namin.

Napatakbo si Stella sa kwarto at parang nanigas naman ako sa kinatatayuan ko.

Niyakap ni Papa si Mama habang hindi parin ako makapaniwala sa nagawa ni Mama kay Stella dahil in my entire life, ngayon lang nanakit si Mama.

"Bakit naman kailangan niyong gawin yun kay Stella?" Nagalit narin ako dahil kahit ganun yung kapatid, mahal na mahal ko yun.

"Hijo anak kase ano eh. Ahm, pano ba to?"  Napakamot pa si Papa at halatang hindi makahanap ng sasabihin.

"Siguro it's about time para sabihin na natin kay Lorenzo." Si mama at nag usap ang mata nila ni papa.

Tbc. 🍏

Sa isang Sulok ng Mundo ✔Donde viven las historias. Descúbrelo ahora