Perfect and happy life.
Yan ang meron ako... Before. Before, lagi kong tinatanong si mom
"Mommy why I can't do this?" or "Mom why I can't do that alone?"
And then she answered. "Baby ka pa kase anak. At baka masaktan ka pag ginawa mo mag isa ang mga bagay na iyon. Ayokong masaktan ang baby ko diba?"
That time, sa tuwing sinasagot ako ni mom ng ganyan sasagutin ko sya ng "I want to grow old mom, I want to do things on my own."
Pero unti unting nag bago yun habang lumalaki ako. Unti unti akong namulat sa totoong reyalidad ng buhay. Unti unti kong nakita na ang isang "Perfect and happy life" na meron ako noon ay isang bagay na malayo sa katotohanan.
Noon sa tuwing nagigising ako sa kalagitnaan ng gabi at pag hinahanap ko sila mama kay yaya sasabihin lang nya ay tulog na o umalis para mag bonding kahit saglit lang. Ngayon alam ko na na ang dahilan pala ng mga yun ay dahil hindi naman talaga na sa bahay natutulog si dad, pag naka tulog na ko aalis na sya upang umuwi sa bago nyang pamilya at babalik kinabukasan bago ako magising at si mom naman ay laging umaalis para mag bar para mag pakalasing at maka limot sa lungkot at sakit na dulot "NYA" kahit panandalian lang. And now? Seeing my mom suffering breaks me.
Masakit makita na parang inalisan sya ng mundo ng mawala sakanya si dad, na parang kaya lang sya sumasaya ay dahil alam nyang kahit konting oras lang ay makakasama nya si dad dahil sakin, kaya pumayag sya sa ganoong setup. Masakit na makita na pag wala si dad sa tabi nya ay para na rin syang inalisan ng buhay.
Masakit... At sa sobrang sakit hihilingin mo na lang na "Sana... Sana bata na lang ako ulit. Sana hindi ko na lang hiniling na lumaki agad para hindi ko na nakikita na nahihirapan sya ng ganito. Sana hindi ko na lang nakikita na inilulubog nya ang sarili nya sa labis na lungkot at sakit. Sana hindi ko na lang nakikita na hindi nya kayang ako o kaming dalawa na lang ang maging mundo nya."
Bakit nga ba hindi ako pwedeng maging sapat para maka ahon sya sa lungkot at sakit na yun? Habang lumalaki ako lagi kong naririnig na ang pag mamahal daw ng isang magulang para sa anak nila ay walang katumbas, wala nga bang katumbas? O hindi lang nila nakikita na kaya din nating mga anak na mahalin sila ng higit sa inaakala nila?
Isang gabi pumasok ako sa kwarto nya ng hindi nya namamalayan dahil muli... Muli ay lumuluha nanaman ang kanyang mga mata.
"Mom, nandito ako handang maging mundo mo. Mahal na mahal kita at tulad mo ayoko ding nasasaktan ang mommy ko. Gumawa tayo ng panibagong mundo mom, mundong walang sila dahil ang tanging meron lang ay tayo"
Mga salitang nag patigil sa lumuluha nyang mga mata at nag bigay ngiti sakanyang mga labi.
Ngiti na alam kong totoo.
Ngiti na inaasam kong laging makita.
Ngiti na walang halong sakit.
Ngiti na hindi ko makakalimutan.
Ngiti na walang katulad.
Ngiti ng isang ina para sa minamahal na anak.
Ngiti na laging kong nakikita sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata.
Ngiti na sana pag mulat ko ay sya unang makita.
Ngiti na alam kong hindi ko na makikita.
"Mom, bakit ang daya mo? Gagawa pa tayo ng sarili nating mundo pero bakit mo ko iniwan?" Tanong na parang sirang plakang umuulit ulit sa utak ko habang naka titig sa isang pirasong papel.
"Anak, mahal kita. Pasensya na kung hindi ko na kaya ang sakit, mahal na mahal ko lang talaga ang dad mo. Sorry"
Tumingin ako sa langit habang lumuluha ang aking mga mata.
"Dyan ba ang gusto mong mundo mom? Dyan ba sa kung saan wala ng pighati, hirap, lumbay at sakit o kung ano pa man ang pwedeng itawag sa naramdaman mo ng iwan ka nya? Ang daya mo, ikaw lang ang pumunta sa mundong dapat kasama ako, akala ko ba mahal mo ko? Pero di bale, sasamahan pa rin kita, hintayin mo ko ah. Dyan natin gagawin ang mundong minsan ko ng pinangarap para sa ating dalawa. Ikaw ang forever ko mom. Mag kakasama na tayo muli. Mahal kita."
