Chapter 56: Friendship

Magsimula sa umpisa
                                    

"Bes.. ikakasal ka na pala no?" nanginginig ung boses nya. By the way, nandito na kami sa ice cream house, ung ice cream house na nakasama namin si Jao.

"Lukaret! Wag ka ngang ano!"

"Ehhh.. Ngayon ko lang naramdaman ung presence na ikakasal ka na talaga eh.." pakiramdam ko umiiyak na sya.

"Adik ka!" bigla na lang tumulo ung luha ko.

"Eh.. Bes.. Bruha.. Iiwan mo na ko.. After how many years na magkasama tayo, ngayon ko lang narealize na, we'll grow up and we'll have our own family.. Maghihiwalay din pala tayo.." nanginginig na ung kamay ko.

"Bes.." niyakap ko sya at nag-iyakan kami. Oo, sa isang public place. Konti lang naman ung tao, pero diba? Kahit ano pang kabaliwan yan, basta kasama mo ung bestfriend mo, hindi ka mahihiya?

"Bes.. Wag mo kong kakalimutan huh?" nagpupunas na kami ng luha.

"Syempre naman! Bestfriends forever diba?"

"To infinity and beyond!"

"Forever and ever!"

"Till death do us part!"

Those lines, yun ung madalas naming sabihin nung elementary pa lang kami. We promised that we'll be bestfriends forever.

Kami ung hindi magpapasira sa mga haters or what. Kami ung laging nanjan para sa isa't-isa. Kami ung uunahin ang isa't-isa kesa sa iba, syempre aside sa pamilya. Kami ung nakaranas magkopyahan. Kami ung magkasama magcutting. Kami ung magkasama magpalibre sa ibang kaklase namin. Kami ung tumatakas sa reportings. Kami ung magkasama bumagsak sa Math.Kami ung kinaiinggitan nung college kasi kami na lang ung natirang magkasama at sobrang mahal pa din ang isa't-isa. Kami ung magkasama sa lahat ng trip. Kami ung hindi mapaghiwalay ni Mama. Kami ung natatanggap ang isa't-isa. Kami ung hindi nagsisekreto sa isa't-isa aside dun kay Mikki. Kami ung magkasama magsimba. Kami ung magkasama nung first communion. Kami ung magkasama sa lahat-lahat ng first time namin sa buhay. Kami ung weird pero unique. Kami ung maganda, wag kang kumontra.

Kami ung pang habang-buhay na magkaibigan. Kahit hindi kami sister by blood and flesh. Magkapatid kami by mind and heart. 

------------------------------------------

After that madramang scene, we decided na magreminisce. Lahat nung madalas naming puntahan nung elementary kami, high school and college, pinuntahan namin. 

Inalala namin lahat. Kahit ung masakit, malungkot, first heart breaks, masaya, nakakakilig lahat-lahat ng emosyon, naipakita na namin sa isa't-isa. 

Yung mga kabaliwan namin dati. Lahat lahaaaaaaaaaaaat! 

Nakakamiss ung ganito. Ung pa-chill chill lang. Pero time can't be brought back. Time can't be stopped. Kung may mangyari we can't stop it. Kaya dapat lahat ng gagawin natin ay hindi natin pagsisisihan. 

Lahat ng masasakit na mangyayari, is just a test of faith brought by God. Trials lang yan. Lahat ng yan may dahilan. May purpose. 

Heh. Tama na nga ang mga words of wisdom ko. XD

"Bes hatid mo na ko." utos ni Lukaret.

"Okaaaaaaaaaaaay." sagot ko. Tumawa naman sya.

Tahimik na lang kami pauwi. Wala lang. Trip lang. :P

"Ge bes. Ingat huh! Kamusta mo na lang ako kay Mikki!" sigaw ni Andrea bago ako umuwi na din.

-------------------------------

Pagdating ko. Nandun na si Gino.

"Good Evening Babe!" bati nya agad sabay kiss sa noo ko.

"evening. how's your day?" tanong ko sabay upo sa couch.

"Fine. Ikaw? Kamusta bonding mo with Andrea?" ngumiti ako.

"Masaya." humiga ako sa lap nya dahil sa sobrang pagod.

"Good. Matulog ka muna.." bulong nya.

"I love you.." bulong ko.

"I love you too."  bulong nya din

Hala Ka!? (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon